Chapter 1

1K 18 0
                                    

Georgina's POV

"Akin na yan!"

"Ako nauna dito eh!"

"Ako kaya!"

"Isusumbong kita kay mommy!"

Napabalikwas ako ng marinig ko ang dalawang nagsisigawan sa baba. Tinanghali pala ako ng gising. Okay lang naman dahil wala akong pasok at sabado naman kaya wala din psok ang dalawa kong anak.

Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Palabas pa lang ako ng kwarto ay dinig ko na ang palahaw na iyak ng prinsesa ko. Inaasar nanaman siguro ng kuya niya kaya iyan ganyan. Apat na taon na sila ngayon. Malalaking bulas. Dahil lagi silang napagkakamalan na nasa edad pito hanggang walo.

"What is happening here?"

"Mommy! Mommy! Si kuya po ayaw ako pahiramin ng toys niya."

"Kuya? Anong sabi ko sa inyo?"

"Eh mommy ako naman po kasi nauna dito sa toy na ito eh."

Lumapit ako sa anak kong lalake. Lumuhod ako para mapantayan ang height niya at para matignan ko siya sa mata. Light brown ang color ng mga mata nila. Hawig ng sa ama nila. Kaya hindi mo maipagkakaila na hindi niya ito mga anak. Lalong lalo na ang prinsesa ko. Hawig na hawig niya si andrei. Ewan ko ba. Akala ko dati kapag lalake ang anak ay tatay ang magiging kamukha. Hindi pala. Samantalang ako ang kamukha ng lalake ko. Naiba lang ang kulay ng mga mata nito.

"Anak. I told you hindi ba? Huwag kayong mag-aaway ng kapatid mo? Magbigayan kayong dalawa."

"But mom."

"Sige na anak. Pahiramin mo na ang kapatid mo."

"Sige na nga po mommy! Ayaw ko po na magalit ka sakin. I love you mommy."

"Ay ang bait naman ng anak ko. I love you too. Pa-hug nga si mommy sa dalawang angels ko?"

Lumapit naman saakin ang prinsesa ko at nakiyakap din saamin ng kuya niya. Kambal ang anak ko. I named them alexandreia Alcantara-Smith para sa anak kong babae while George Matthew Alcantara-Smith naman para sa anak kong lalake. Yes. Apelyido ng kanilang ama ang aking pinagamit. Kasal pa din kami. Pinadalhan ko siya ng copy ng annullment paper last 2 years pero hanggang ngayon ay hindi pa din niya pinipirmahan ang mga papeles. Hindi ko inilagay ang kinaroroonan ko. Iyon ang hiniling ko sa aking abogado. Ayokong matunton nila kung nasaan ako ngayon.

Noong manganak ako ay kasama ko sila Neil, Jesse at Aaron. Sila ang naging sandalan ko sa mga oras na wasak ang puso ko. Hindi nga ako makapaniwala na buntis pa din ako. Ang buong akala ko ay nawala na ang baby ko noong nahulog ako sa hagdan ng itulak ako ni sophia. Nalaman ko na lang na buntis pa din ako noong lumayas ako sa bahay at hindi ko alam na sinusundan pala ako noong tatlo. Sinabi saakin ni Neil na siya ang nakiusap sa doktor ko noon na iyon ang sabihin saakin kapag nagising ako.

"Ay! Ang gandang eksena naman. Ako din payakap sa dalawang anghel ng buhay namin."

"Ninang pretty!!"

"Hello babies! How are you?"

Lumapit sakanya ang dalawang bata at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Siya ang ninang ng mga anak ko. Si jess. Bago pa man lumabas ang kambal ko ay kinontrata niya na ako na gawin siyang ninang ng kambal. Mapilit eh!

"Kasama mo po sila dada?"

"Ay hindi babies eh. Baka mamaya pa ang dating nila."

"What is that you holding in your hand pretty ninang?"

"Ay pasalubong ko sa inyo baby george ko."

"Really po?!yehey!"

"Mga anak doon na muna kayo sa sala okay? Mag-uusap lang kami dito ni pretty ninang niyo."

"Yes mommy/opo mom."

Sabay nilang sagot at tumungo na sa sala para laruin ang dalang pasalubong ng kanilang ninang.

"Halika jess kain kana muna ng almusal."

"Sige lang tol. Kumain na ako. Pwede coffee na lang?"

Tumango naman ako at sinabihan si manang pasing na gawan ng kape si jess.

"How's my parents jess?"

"They're okay and the update is that they will gonna merge your company to the smith's company."

"Ahh. Well that is good for them kung ganoon."

"Aren't you going to ask about your husband?"

"Correction Ex-husband jess."

"FYI george hindi pa din niya pinipirmahan ang annullment paper na pinadala mo sakanya."

Napabuntong hininga ako. Apat na taon na ang nakakalipas. Bago ako manganak noon ay humingi ako ng pabor sa abogado ni neil. Pinadalhan ko siya ng annullment paper. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa din akong natatanggap na sagot.

"Dahil ma-pride siya jess!"

"No george! Because he still love you."

"What? Love? Matagal ko nang binura sa isip at puso ko ang love para sakanya jess. Kung meron man natitira iyon ay ang pagmamahal ko para sa mga anak ko."

"Look. Kahit para na lang sa mga anak mo tol. Lumalaki sila ng walang ama. Hindi ka ba naaawa sa mga bata?"

"Kaya kong maging ama at ina sa kanilang dalawa. Sapat na ako Jess."

Totoo naman. Hindi kailangan ng mga anak ko ang isang ama. Kaya kong maging ama at ina para sakanila. Ngayon pa ba ako susuko at manganagailangan ng tulong niya? Pagkatapos ng ginawa niya saakin noon? Magdusa siya. Hinding hindi niya makikita ang mga anak ko.

"Hindi niya din naman alam na may anak kami eh. Mas mabuti pang hindi niya na din malaman kahit kailan na may anak kami."

Tumayo na ako sa mesa at lumabas sa may gazebo. Sumunod naman saakin si Jess. Nasa sala naman si manang pasing upang bantayan ang mga bata.

"Tol. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit ka pa din sakanya. Pero kasi tol matagal na panahon na iyon eh. Don't you think it's time to forgive and forget?"

"I don't know Jess. Kapag naiisip ko iyong mga nangyari noon ay sumasakit dito oh."

Tinuro ko yung puso ko. May kirot pa din sa tuwing naaalala ko iyon na para bang kahapon lang nangyari. Pinahid ko ang mumunting luhang umalpas sa aking mga mata. Niyakap naman ako ni Jess bilang pag-alo.

"I'm sorry. Hindi dapat kita pinipilit. Pero sana matagpuan mo sa iyong puso ang pagpapatawad tol."

"Susubukan ko."

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now