Chapter 11

548 15 1
                                    

Georgina's POV

"Georgina."

Nagugulat akong napalingon muli sa kabubukas pa lamang na elevator.

"Andrei?/ Andrei."

Halos sabay pa kami ni Aaron ng bigkasin ang pangalan ng taong nasa harap namin ngayon at mukhang lango sa alak. Buti ay hindi ito nahuli ng mga pulis? Mahigpit pa naman ang batas dito sa dubai. Kaya walang nagtatangkang lumabag.

Lumabas siya ng elevator at inisang hakbang lang kami. Naalarma naman ako. Kaya pinauwi ko na si Aaron. Noong una ay ayaw niya pa akong iwanan kasama ni Andrei pero sa huli ay napapayag ko din siya.

"Call me if something happen. Okay?"

"Yes I will. Magiingat ka. Ako na ang bahala rito."

Hanggang sa sumara ang pinto ng elevator ay masama pa din ang tinginan ng dalawa sa isa't- isa. Nang kami na lang na dalawa ang maiwan ay humarap ako sa kanya.

"What are you doing here? Paano mo nalaman ang bahay ko?"

Kahit alam ko naman na walang imposible sa taong ito. Alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko.

"Please come back to me."

Hindi yun tanong kung hindi ay utos. Kung noon ay sinusunod ko ang bawat pakiusap niya ngayon ay hindi na. Para saan pa?

"Layas."

"No."

Tiningnan ko siya ng masama. Nakatingin lang din siya ng diretso sa mga mata ko. Blanko ang ekspresyon.

"Kapag ang lalakeng iyon ay puwede samantalang akong asawa mo ay hindi?"

"Correction. Ex-husband."

"Hindi ko pa pinipirmahan ang annullment papers. Kaya mag-asawa pa din tayo."

"You will soon sign it. Kaya lumayas kana."

"I won't sign it. Not now. Not Never. Kasi saakin ka lang at para saakin lang."

"Huh! What make you think na sa iyo pa din ako? Hindi mo na ako pag-aari maging ang puso ko."

"Really?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Lasing lang ang isang ito. Kaya hindi na alam ang pinagsasasabi. Sabog na ang laway kumbaga sa salitang kanto.

"Let's see."

Bago pa man ako makahulma ay naunahan na ako ng isang malalim at banayad na halik sa labi. Para akong naparalisa nang mga sandaling iyon. Kinailangan ko pang humingi ng suporta sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang braso niya para lang hindi ako matumba.

Gumalaw ang mga labi niya at tila ba tinutukso ako niyon na tumugon din sa halik niya. Pero ikinuyom ka ng maigi ang mga labi ko. Tumigil siya at sandaling tumingin sa akin. Bago ngumisi ng nakakaloko na ikinamangha ko dahil ngayon ko lang nakita ang ganoong side niya. Masasabi kong sa nagdaang apat na taon ay may ipinagbago na sa kanya. Dahil sa ngising iyon kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na bahagyang kagatin ang labi ko at magtagumpay na mahalikan ako ng buo. Shit!

Nagpumiglas ako. Buti na lang at bumitaw din siya. Hinihingal. Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal sa pisngi. Napabaling ang mukha niya ng dahil sa lakas niyon.

"F*ck you Andrei!"

"I love you too. In fact I never stop loving you."

"Huh! Kwento mo sa mga willing magpaloko sa iyo. Pero hindi na ako iyon."

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now