Chapter 13

649 25 11
                                    

Georgina's POV

"Mommy wake up!"

"Hmmm"

"Mom!"

Nagising ako sa pag-uga sa akin ng mga anak ko. Nasilaw ako sa sikat ng araw na tumatama sa bintana ko. Umaga na pala. Napabangon ako bigla.

"Baby mom needs to work."

"But mommy."

Ngumuso ang panganay ko. Panigurdo nagtatampo nanaman ito. Samantalang nakapamewang naman sa akin ang prinsesa ko at iniharap sa akin ang oras sa cellphone ko. Pasado alas siete na. Kaya nagmamadali akong pumasok sa banyo at naligo.

Naabutan ko sila sa sala at nanonood ng cartoons. Lumapit ako at hinalikan sila sa kanilang pisngi.

"Babies papasok na si mommy sa work. Be good to nanay pasing ha."

"Yes mom. We will."

"George take care of your little sister. Okay?"

Tumango lang sa akon ang panganay ko. Habang nakatingin pa din at seryosong seryoso sakanyang pinapanood. Lumabas na ako ng bahay at tinungo ang elevator. Sa may parking ay mabilis kong tinungo ang sasakyan ko. Late na ako at paniguradong may sermon ako nito sa manager ko.

******

"Kuya what are you doing there?"

"Shh! I'm looking for a photo."

"Photo? Whose photo?"

"Mom and dad's photo."

"Baka magalit si mommy kuya."

"I just want to see what our father looks like."

******

"Why you're late?"

"Sorry Boss, I overslept."

Umupo na ako sa bakanteng upuan dito sa conference room kung saan kami nagmemeeting. Tahimik ang lahat. Marahil ay kanina pa sila sinesermonan nitong manager namin.

"Georgina."

"Yes Sir?"

"Our CEO is looking for you."

"Sir? What for?"

"I don't know either. Go and see for your self."

"Okay."

Bakit naman kaya ako pinapatawag nito? Wala naman akong natatandaan na may nagawa akong mali. Umakyat na ako sa ikalawang palapag kung saan makikita mo agad ang opisina ng big boss. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Wala ang secretary kaya kailangan ko munang kumatok.

"Sir pinapatawag mo daw po ako?"

"Yes."

Seryoso ang mukha niya at nakatutok lamang sa kaharap niyang laptop. Nakakunot ang noo at parang galit.

"Sit down. Explain this."

Lumapit ako at kinuha ang inaabot niya sa akin. Binasa ko ang nilalaman niyon at halos manlaki ang mga mata ko sa nabasa.

"Binebenta mo sa kalaban ng company natin ang assets mo?"

Ang tinutukoy niya ay ang negosyo namin sa pilipinas. Iyon ang ipinamana sa akin ng magulang ko noong ikinasal ako sa kanya. Pero hindi ko naman napagtuunan ng pansin dahil nga sa mga nangyari. Hindi ko matandaan na may pinipirmahan akong papeles para sa negosyo namin.

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora