Chapter 9

507 11 1
                                    

Andrei's POV

Kanina pa hinahanap ng mata ko si Georgina ngunit parang wala yata siya. Nandito pa din ako sa conference room at wala naman sa nagsasalita sa harap ang isip ko. Kaya nga ako nagpalipat dito sa isang business ko ay para makita ko siya at makasama. Pero umiinit ang ulo ko dahil wala dito ang taong dahilan kung bakit ako nandito.

"Okay this is enough for today. Meeting adjourn."

Tinapos ko na ang meeting dahil baka uminit lalo ang ulo ko. Umalis naman ang mga empleyado ng may pagtataka sa kanilang mga mata. Lumabas na ako ng conference room at pumunta sa opisina ko. Pabagsak kong iniupo ang sarili sa swivel chair. Nagiisip kung papaano ko makikita si Georgina. Nagdial ako sa intercom at tinawag ang secretary ko.

"Give me the name of all the sales group of this company."

"Yes Sir."

"Thanks."

Hindi ako mapakali na dito. Sa kawalan ko ng pasensya ay tumayo ako at lumabas ng opisina ko para puntahan ang aking sekretarya.

"Did you find it?"

"Y-yes Sir. Actually I am about to send it to you through email."

"Oh. Okay good. Send it now."

Tumango naman ito at bumalik na ako sa opisina ko at binuksan ang laptop konpara tingnan kung pumasok na ang email niya. Nang makita ko na may bagong message ay agad ko iyong pinindot. Binuksan ko ang attachment at lumabas doon ang mga pangalan ng mga sales people ko at kung anong grupo sila kabilang. Hinanap ko agad ang pngalan niya doon. Hindi naman ako nabigo at nakita ko siya. Alcantara pala ang ginagamit niya dito. Tinignan ko kung sino ang manager niya. Nang makita ko kung sino ay tinawagan ko siya gamit ang direct number niya ditosa opisina.

"Hello?"

"Hello Mr. Salman?"

"Speaking Sir."

"Yeah I want to know which market is Georgina is going today?"

"I'll call her Sir."

"Okay please. Thanks."

*****
Papunta ako ngayon sa Dubai Mall para sunduin ang aking asawa. Kanina nalaman ko na doon nga ang punta niya ngayon ayon na din sa kanyang manager. Hindi na ako mapakali. Gusto ko na ulit siyang makita.

Pumasok ako ng supermarket at naglakad-lakad. Panigurado kasing nandito siya at tinitignan ang mga items niya. Nagpatuloy ako sa paglakadlakad hanggang sa may nakita akong dalawang tao na naghahalikan. Kilala ko ang lalakeng nakatingin saakin ngayon at nakangisi. Kumuyom ang kamao ko. Bakit ba lagi na lang siyang umeeksena? Hanggang ngayon kasama pa din niya ang lalakeng iyan?

Lumapit pa ako ng kaonti sa puwesto nila. Kung nakamamatay lang ang matatalim na titig ko ay panigurado nakabulagta na ang lalakeng ito ngayon.

"No problem baby."

Pagkarinig ko niyon ay hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako.

"So this is the reason why you are not in the meeting earlier?"

Matigas ang mga salitang binigkas ko. Ramdam ko na natigilan si Georgina at hindi kaagad makaharap sa gawi ko.

"I-I just need to fix some problems here in my outlet. I do apologize S-Sir."

Nauutal na paliwanag niya nang sa walas ay humarap na siya saakin. Napa-smirk naman ako ng dahil doon. May naglalarong kalokohan sa utak ko ngayon.

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now