Chapter 2

696 21 4
                                    

Naglalaro ang mga bata pati na din ang isip bata kong kaibigan na si Jess. Matapos ng naging usapan namin kanina ay isinantabi ko na muna ang tungkol doon at itinuon ang atensyon sa mga anak ko.

"Ninang pretty like mo din po ba dati maglaro ng toy car at water gun dati po noong baby ka pa like me?"

Tanong ng anak kong lalake. Medyo may pagkabulol pa siya pero maiintindihan mo na ang mga sinasabi niya.

"Naku baby hindi mahilig sa toy car at water gun si ninang pretty mo noong baby pa ako like you eh. Ask your mommy. She likes playing those toys."

"Really mom?"

"Dati iyon anak. Pero ngayon hindi na."

Tatango tango naman ang anak ko at bumalik sa paglalaro. Samantalang ang anak kong babae ay balik sa pagkukulay ng coloring book niya. Iyan ang hilig ng anak kong babae ang magkulay ng magkulay. Ayaw niya daw ng doll. Natatakot siya doon. Ewan ko ba kung bakit. Tahimik lang din yan. Minsan lang makipag-laro sa kaptid niya. Minsan lang din iyan makipag-asaran. Tahimik na bata siya at napakaseryoso.

"Pinaglihi mo ba sa sama ng loob iyang anak mong babae george?"

"Narinig ko po iyon ninang pretty."

"Ay sorry! Akala ko kasi napipi kana at nabingi eh. Peace baby!"

"Tch!"

Tumingin naman saakin si Jess ng natatawa. Sinenyasan ko naman siya ng 'umayos siya ng buhay niya' look. Hindi namin namalayan ang pagpasok ng dalawang tao samay pinto namin. Dahan-dahan pa silang naglakad. Dahil nakatalikod ang dalawang bata kaya hindi sila agad makikita.

"Ehem."

Sabay nilang ubo kunwari para maagaw ang atensyon ng dalawa. Hindi naman sila nabigo dahil nang lumingon si george andrew ay agad na nagliwanag ang mukha nito at tumakbo papunta sakanikang dalawa sabay yakap sa mga binti nila.

"Dada!"

"Ang baby boy namin malaki na!"

Sabi ni neil sabay karga sa batang lalake. Habang si alex ay nagpakarga naman sa dada Aaron niya. Si aaron naman ay nakipag-fist bump kay george andrew.

"Kumusta ang mga babies namin?"

"Ako po happy na ulit kasi may toys na bigay si ninang pretty samin." - George Andrew

"Ako din po dada." - Alex

"Hello boys! Kumusta kayo? Tagal niyong hindi napasyal dito ah."

"Ayun busy ako sa business. Sorry." -Neil

"May photoshoot ako sa ibang bansa kaya ngayon lang nakabisita ulit. Sorry din." - Aaron

"Sus! Ayos lang ano ba kayo. Kailangan niyo din ng panahon para sa mga sarili niyo noh!"

"Pero mas importante ka pa din saakin. Pati na din ang mga bata."

Ramdam ko na medyo namula ang pisngi ko sa sinabi ni Aaron. Noon pa iyan nagtatangka na manligaw saakin. Pero binigyan ko na agad siya ng sagot. Sinabi niya naman saakin na maghihintay siya sa panahon na handa na akong magmahal muli. Pero sa tingin ko ay matatagalan pa iyon.

"Ehem. Neil, mga kids tara sa labas nakakaistorbo tayo dito."

"Po?"

"Tch!"

Natampal ko naman ang braso ni Jess dahil sa sinabi niya. Pati mga anak kong walang kamalay-malay eh dinadamay niya. Kahit kailan talaga itong babaeng ito pasaway. Nagtataka nga ako dito eh. Hanggang ngayon wala pa din love life. Ano ang nangyari sa istorya nila ni Carlo? Minsan iniisip ko baka siya talaga ang tomboy saaming dalawa eh.

"Aray ko naman tol! Babies si mommy oh nipalo si ninang pretty."

Naghanap pa ng kakampi ang bruha. May paiyak-iyak pa talaga. Mukhang effective sa dalawang anak ko.

"Mommy bakit mo po nipalo si ninang pretty?"

"Oo nga po mommy!"

"Anak hindi ko siya pinalo. May lamok kasi kaya pinapaalis ko lang. Baka magka-dengue si ninang pretty niyo. Sige, gusto niyo ba na magkasakit siya?"

"Ayaw po namin mommy. Kasi baka wala na po kaming bagong toys ni Alex kapag nagkasakit siya."

Napuno naman ng tawanan ang buong sala namin dahil sa sinagot ni george andrew. Si Jess napabusangot na lang. Hahaha! Akala niya siguro nakahanap na siya ng kakampi. Nag-bhelat ako sakanya.

"Nauto mo sila doon ah. Tsk!"

Himutok niya bago nakitawa na din at inumpisahan nanaman kulitin ang dalawang bata.

*****
Buong araw lang kaming nagkwentuhan at nakipagkukitan naman sila sa mga anak ko. Gabi na ngayon at napatulog ko na din iyong dalawa. Nandito kaming apat ngayon sa gazebo ng bahay ko. Mga nakaupo at may mga hawak ng beer.

Ganito ginagawa namin sa tuwing mga wala kaming sari-sariling commitment sa mga tabaho namin.

"How are you George?"

"I'm okay than before. Actually I'm a lot better now compared before."

"Hmm. Balita ko up until now ayaw niya pa din pirmahan ang annullment papers niyo?" -Neil

Hanggang ngayon nga ay nagmamatigas pa din si Andrei na pirmahan ang annullment papers namin. Hindi niya din alam na buhay ang anak namin. Pero wala akong balak na sabihin iyon sakanya.

"He will eventually sign it. Dahil sa husgado kami magkikita kung magmamatigas pa din siya."

"You think he will lightly take it tol?" -Jess

"I'm sure. Dapat nga ay matagal ko ng ginawa. Pero I'll let him enjoy his mistress."

"I'm sorry georgina." -Aaron

"Matagal na kitang napatawad Aaron. Simula sa pagtulong mo saamin mag-iina at pagtayong ama nila ay napakalaking utang na loob na iyon para saakin."

"I'm also here to be their father george h'wag mo naman akong i-etsapwera." -Neil

"Jealous as always." -Jess

"Shut up Jess."

"Ofcourse Neil. Ang swerte nga ng mga anak ko eh. May dalawa silang tatay."

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano patungkol sa mga buhay nila bago namin napagdesisyunan na magpahinga na. Si Jess at Neil ay nauna ng magpahinga.

"Hindi ka pa ba matutulog?"

"Maya-maya na siguro Aaron. Sige na magpahinga kana. Alam kong pagod kayo sa byahe."

"Hindi pa ako pagod basta para sa iyo george."

"Lagi naman. Ikaw talaga."

"I will always be here for you. Maghihintay ako hanggang sa kaya mo na buksan ang puso mo para magmahal ulit. Hindi ako magsasawang maghintay."

"Thank you Aaron."

"No. Thank you for giving me a chance to love you Georgina. Kayo ng mga anak mo."

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang