Chapter 6

574 11 1
                                    

Andrei's POV

Nainip si carlo sa loob ng inokupahan namin na room kaya nag-aya siyang pumunta sa labas at magsayaw. Ayoko pa sana ngunit mapilit ang lalakeng ito. Nang makarating kami sa may gitna ng dance floor doon may lumapit na saamin na mga babaeng halos ipagdikitan na saamin ang mga katawan. Ngunit naagaw ng isang bulto ng babae ang atensyon ko. Sa una ay parang ibang babae dahil medyo mahaba na ang buhok niya maging ayos niya ay babaeng babae na talaga. Sa pagsasayaw niya ay nagbago na din. Napakuyom ang kamao ko ng makitang may lumalapit na lalake patungo sa puwesto niya. Dali-dali akong pumunta sa may bandang likuran niya at inunahan ang lalake.

Hindi pa niya ako napapansin dahil nakatalikod siya saakin. Humawak ako sa bewang niya at nakisayaw na din. Naramdaman kong napatigil siya ngunit nagsalita ako.

"Don't stop wife."

Naramdaman kong parang nabato siya sa kanyang kintatayuan. Kaya nagpalinga-linga ito. Nakita ko naman si Jesselyn na napatulalang nakatingin saakin habang ang mga kamay ay nakatakip sakanyang bibig. Unti-unting humarap saakin si Georgina at halos maduling na sa lapit namin dalawa ngunit ang mga mata niya ay makikitaan mo ng sobrang pagkagulat at galit.

"Bitawan mo ako."

May diin sa pagkakasabi niyang iyon ngunit hindi ako nagpatinag bagkus ay hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa bewang niya hanggang sa ipinulupot ko na ang mga braso ko sa kanya.

"At last I found you. Hinding hindi na kita bibitawan pa."

"Bitawan mo ako or else magwawala ako dito!"

"You won't do that wife."

"Really? Try me."

"You've got fiesty. But I like it more."

"Let me go! Ano ba?!"

Nagkumawala siya sa pagkakahawak ko sakanya. Hindi pa nakuntento at inapakan pa ang paa ko. Napa-aray naman ako at naging chance niya iyon upang makaalis sa gitna ng dance floor. Tuloy-tuloy siyang naglakad palabas ng bar. Sinundan ko din siya palabas at muling hinawakan ang kanyang braso kaya napaharap siya saakin. Halos maduling naman siya dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"L-lumayo ka sa akin."

"You're stuttering. I can see that I still have that effects on you."

"In your dreams Mr. Smith"

Inilapit ko ang bibig ko sa may bandang tenga niya at doon nagsalita.

"I like it when you call me that way Mrs. Smith"

Muli nanaman siyang nagpumiglas sa pagkakahawak ko. This time ay binitiwan ko na ang kamay niya at sinundan lang din siya.

"Stop following me."

"Ayoko nga."

Naglakad pa siya lalo ng mabilis. Nang makakita ng taxi ay pumara siya upang sumakay. Tumakbo ako baka sakaling maabutan ko siya. Ngunit agad na humarurot ang driver.

"George!"

Lumingon ako sa kaibigan niya na ngayon ay hinihingal dahil sa paghabol din sa kanya.

"Bakit ba kasi nagpakita ka pa?! Okay na ang kaibigan ko Andrei! Kaya puwede ba? Puwede ba tigilan mo na siya? at pirmahan mo na lang ang annullment papers niyo. Para naman matahimik na ang buhay ni Georgina."

"And why would I do that Jesse?"

"At bakit hindi?! Pagkatapos mo siyang lokohin? May mukha ka pa talagang ihaharap? Doon kana kay Sophia the Kerida mo."

Tumalikod na siya at naglakad na palayo saakin ngunit humabol ako. Kailangan kong malaman kung saan ko makikita si Georgina.

"I still love her. Nagkamali ako oo at inaamin ko iyon. All I want is a second chance. Please help me Jesse."

"G@go huwag ka sa akin magpaliwanag hindi ako si Georgina."

"Kaya nga I need your help. Gusto ko siya makausap."

Huminto naman siya sa paglalakad at hinarap akong muli. Sinisipat ang mga mata ko marahil ay binabasa niya kung seryoso ba talaga ako. Disperado na ako!

"No. Hindi ko hahayaan na masaktan ulit si George. Nakita ko kung papaanong naging miserable siya. Nakita ko kung papaanong gabi-gabi ay umiiyak siya. Nakita ko kung papaanong nawalan siya ng buhay noon. Andrei ayoko na makitang nasasaktan siya. So I will not going to help you. Forget it. Forget about her."

"But I can't! I can't Jesse. Mahal na mahal ko pa rin siya until now. I cant."

Napaluhod ako at nagunahang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako nahihiyang ipakita na mahina ako. Na iyakin ako. Dahil iyon ang totoo. Nanghihina ako kapag wala si Georgina sa tabi ko. Umiling-iling siya at lumakad na muli.

"Pare! Anong ginagawa mo diyan?"

Dumating si Carlo at tinulungan niya akong makatayo. Lumingon-lingon pa siya sa paligid na parang may hinahanap.

"Nakita ko na siya Carlo."

Alam niya na kung sino ang tinutukoy ko. Umupo kami sa malapit na bench. Tahimik lamang siya habang hinihintay ako na magsalita ulit.

"Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. Kinamumuhian niya ako Pare."

Tinapik tapik niya ang balikat ko na para bang mapapagaan niyon ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakita ko kung papaano nagpalit ang emosyon niya kanina.

"Susuko kana lang ba agad?"

Napalingon ako kay Carlo na nakatingin lang sa kawalan. Iba ang hugot niya doon. Parang may pinagdadaanan din. Dahil siguro kay Jesselyn. Alam ko may nakaraan din silang dalawa. Hindi ko lang alam kung ano ang nangyari sa kanila.

"Susuko kana lang ba agad dahil galit siya sa iyo? O susuko kana lang dahil alam mong kahit kaya mo pa pero hindi na puwede dahil ayaw niya na sa iyo?"

"Patungkol pa din ba sa akin ito?"

Medyo natawa kaming pareho dahil doon. Ngunit muli din sumeryoso ng tumingin sa akin si Carlo. May nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

"Huwag kang susuko sa kanya pare. Make her feel na mahal na mahal mo siya. Na mas lalo mo lang siyang minahal pa sa nakalipas na madaming taon."

"I will Pare."

"Iyon dapat ang ginawa ko. Pero sa palagay ko ay huli na ako. She's already happy."

"It's Jesselyn. Right?"

Yumuko siya at ang mga siko niya ay nakapatong sa kanyang mga hita. Alam ko umiiyak ito ngayon. Kaya ako naman ang tumapik sa balikat niya. Magkaibigan nga kami. Pareho kaming g@go at pareho din kaming naghahabol ngayon.

"I won't give her up. 'Cause giving her up means losing my world and my life. I won't let that happen. Again."

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now