Chapter 5

617 15 1
                                    

Georgina's POV

"Sige na kasi tol. Sandali lang naman tayo."

"Hindi nga kasi puwede Jesse! Walang magbabantay sa mga anak ko."

"Bakit kasi hindi mo isinama si manang Pasing eh."

"Matanda na si manang. Kawawa naman baka masyado siyang mapgod.Isa pa kaya ko naman pagsabayin ang pag-aalaga sa mga anak ko at ang pagtatrabaho ko."

"Eh kaya nga tol. Nandito na din naman tayo bakit hindi pa natin lubusin ang bakasyon hindi ba? Tara na kasi."

Kanina pa ako niyaya ni Jesse na magbar hopping daw kami. Which is ayoko kasi nga walang magbabantay sa mga anak ko. Mamaya may mangyari pang hindi maganda sa mga babies ko. Ayokong kumuha ng yaya dahil gusto ko hands-on ako sa pagpapalaki sa mga anak ko although nandyan si manang pasing. Simula ng umalis ako sa poder ng parents ko ay hindi ako humingi ng kahit na anong tulong sakanila. Mabuti na lamang at may personal savings ako. Iyon ang ginamit ko sa pambayad ng hospital bills ko noong nanganak ako hanggang sa mga pangangailangan namin sa araw-araw. Tinutulungan naman ako ng mga kaibigan ko. Pero hindi ko iniasa lahat. Kaya naghanap ako ng mapapasukan na trabaho. Mabuti na lamang at graduate ako ng college kahit hindi ako noon pumapasok ay pinaghome schooling ako ni mommy at daddy iyon ang hiniling ko sakanila noon. Nakapasok naman ako sa isang trading company dito sa dubai. Maganda ang offer kaya pinatos ko na. Ayoko kasing umasa sa mga magulang ko at higit sa lahat ayokong malaman ng lahat na anak ako ng isang kilalang business tycoon sa pilipinas. No way! Ayokong magkaroon ng special treatment. Gusto kong paghirapan ang lahat ng trabaho. Nakapasok ako bilang key account manager. Dito hawak ko ang oras ko kaya mas nababantayan ko ang kambal ko.

"What is happening here?"

Pumasok sa kwarto namin ang dalawang boys karga-karga nila ang kambal ko na pawang mga tulog na.

"Niyayaya ako ni Jesse na magbar hopping kami. I said no. Ayan nangungulit pa din."

"Oo nga naman Georgina. Enjoy your vacation. Kami na ni neil ang bahala dito sa kambal mo."

"Yes!nagbago na ang tingin ko sa iyo Aaron dahil diyan."

"Isa ka pa Aaron."

"Go George. Enjoy your vacation. Babantayan namin ang babies mo habang wala ka."

"Neil naman eh. Pati ba naman ikaw?"

"Thanks boys. Ano tol? Tara na!"

"Ang bibig mo. Baka magising ang mga anak ko."

Sa huli ay wala din akong nagawa dahil pinagtulungan ako ng tatlo kong kaibigan. Si Jesse na ang kumuha ng maisusuot kong damit. Isang floral tube dress na hanggang kalahati ng binti ko ang haba. Nagsuot na lang ako ng spartan sandals. Medyo nahirapan pa ako dahil ang haba ng tali.

"Enjoy kayo ha. Jesselyn huwag ka maglalasing."

"Opo daddy Neil."

Nasa labas na kami ng kwarto namin. Hinatid kami ni Neil at Aaron.

"Enjoy the night George. Don't worry about the twins."

"Thanks Aaron. Bantayan niyo maigi ang kayamanan ko ha."

"Yes Ma'am!"

Sagot ni Aaron na may pagsaludo pa saakin na parang sundalo. Natatawa na lang ako na sumunod na kay jesse habang tinutungo na ang elevator ng hotel.

*******
Andrei's POV

"Nasaan kana pare?"

"Nandito ako sa loob. Pasok kana lang dito sa may VIP Room."

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now