Chapter 12

601 16 5
                                    

Georgina's POV

Nandito pa din ako sa labas ng bahay ni Andrei. Nagtatalo ang isip at puso ko kung dapat ko bang balikan ang lalakeng iyon at bigyan ng gamot. In short alagaan. Pero kung gagawin ko naman iyon ay baka kung ano pa ang isipin niya. Halos dalawang oras na akong nandito pa din at nagdadalawang isip sa kung ano ang dapat na gawin. Sa huli ay napagdesisyunan kong alagaan siya. Ngayon lang 'to!

"Haist! Bahala na nga!"

Lumabas ako ng sasakyan ko at pumasok muli sa bahay niya. Hindi naman ako hinarang ng guwardiya niya dahil nakita naman na ako nito kanina. Lumapit sa akin ang isang kasambahay niya at tinanong kung may kailangan daw ba ako. Sinabi ko na lang na kailangan ko ng gamot para sa lagnat. Pumunta ako sa kusina nila at kumuha ng isang baso ng maligamgam na tubig. Maya-maya pa ay inabot naman sa akon ng kasambahay nila ang hinihingi kong gamot. Kaya't pumanhik akong muli patungo sa kwarto niya. Naabutan ko siyang balot na balot ng makapal na kumot at nanginginig sa lamig. Ipinatong ko ang dala-dala kong gamot at tubig sa side table niya at Tsaka ko naman hininaan ang aircon. Nagtuloy ako sa closet niya para naman maghanap ng bimpo na puwede kong basain at ipatong sa noo niya. Pagkatpos niyon ay pumasok ako sa CR dito sa loob ng kwarto at kumuha ng maliit na planggana na mayroon doon tsaka ko inilagay ang bimpo na nakuha ko.

Sunod ko nman na ginawa ay bumalik ako sa closet niya para hanapan siya ng pamalit na damit. Kumuha lamang ako ng pajama at white t-shirt. Lumapit ako sa puwesto niya. Tulog na tulog pa siya. Nagahalo siguro ang kalasingan at lagnat kaya knockout siya ngayon.

"Huwag kana pa-virgin George nakita mo na yan noon. Hindi ba't nakabuo nga kayo ng kambal?"

Kinakastigo ko ang sarili ko. Nanginginig ang mga kamay ko na dahan-dahan tinatanggal ang  mga damit sa katawan niya. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Nang sa wakas ay matapos ko siyang bihisan ay kinuha ko ang binasa kong bimpo at ipinatong iyon sa noo niya. Nilagay ko sa labahin ang hinubad niya at lumabas akong muli ng kwarto niya para naman pumunta sa kusina at maghanap ng puwedeng lutuin na may sabaw o kaya ay lulutuan ko na lang siya ng arrozcaldo.

Marunong na akong magluto. Kailangan kong matuto para sa mga anak ko. Gustong gusto nga nila ang spaghetti ko at sinigang. Manang mana sa ama. Tiningnan ko ang oras sa relos ko. Pasado alas dos na pala ng madaling araw. May pasok pa ako mamaya. Minadali ko na ang pagluluto at nang makauwi na pagkatapos kong pakainin ang lalakeng iyon. Kung bakit ko ginagawa ito ngayon? Iyan ang hindi ko din alam sa sarili ko.

Kinse minutos kong hinintay na maluto ang arrozcaldo. Pagkatapos niyon ay naglagay na ako ng kaunti sa mangkok. Pumanhik ako ulit sa kwarto niya dala-dala ang tray ng pagkain. Nakapasok na ako sa kwarto at naisara ko na din ang pinto. Naramdaman ko na may nakatitig sa akin kaya't nag-angat ako ng tingin at dumako iyon sa gulat na mukha ni Andrei.

Muntikan ko pang mabitawan ang tray na hawak ko dahil sa gulat din. Naabutan pa tuloy niya ako. Ano na ang ilulusot ko dito?

"Bumalik ka."

Dapat nga hindi na eh. Naawa lang ako sa iyo. Tsk. Kinakusap ko nanaman ang sarili ko sa utak. Wala akong makuhang tamang isasagot kaya lumapit ako sa side table niya at inilapag doon ang tray na may pagkain.

"N-naawa lang ako dahil may sakit ka."

Napakagat ako sa labi ko. Iyon ba dapat ang tamang sagot? Kainis bakit ba ako nauutal? Baka kung ano pa ang isipin ng lalakeng ito. Lumapit naman siya sa kama niya at umupo doon paharap saakin. Nakatingala. Hindo ko masyadong makita ang buong mukha niya dahil lampshade lang ang ilaw na nakabukas.

"Atleast I know that you still have a concern for me. Okay na sa akin iyon."

Inabot niya ang kamay ko habang sinasabi iyon. Kaya tiningnan ko ang mga mata niya. Malungkot na may halong saya. Nagrigodon naman ang loob ko. May kung anong humaplos sa puso ko. Bagay na ibinaon ko na sa limot kasama ng mga ala-ala namin. Hindi puwede!

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now