Chapter 10

539 10 0
                                    

Georgina's POV

"Thank you wifeyko."

Medyo nagitla ako ng sabihin niya saakin ang huling kataga na iyon. Kaya hindi agad ako nakakilos. Nagkunwari na lang ako na hindi ko siya narinig at inakay ko na siya patungo sa kotse ko.

"Saan ang bahay mo?"

Tanong ko pagkasakay namin sa kotse ko. Hindi siya nagsalita bagkus ay inabot niya saakin ang cellphone niya na may gps.kinuha ko na lang iyon at nagkabit na ng seatbelt ko. Lumingon ako sa puwesto niya at nakita ko siyang nakapikit. Gumawi ang mata ko sa seatbelt niya. Hindi pa pala nakakabit iyon. Total tulog naman yata siya kaya ako na lang ang magkakabit.

Inabot ko ang seatbelt ng dahan-dahan lang para hindi ko siya magising. Nang makuha ko iyon ay dahan-dahan ko naman na ikinabit sa katawan niya iyon. Nang masiguro kong maayos ang pagkakakabit ko ay hindi ko naiwasan na tingnan ulit siya. Ngunit sa pagkakataong ito ay gising siya at matiim na nakatitig saakin. Ako ang unang nagbawi ng tingin saamin dalawa.

"A-ah ikinabit ko lang ang seatbelt mo. Baka ma-fine ako eh. Mahal pa naman."

Sabi ko at nagmaniobra na. Tahimik lang naman ang biyahe namin. Walang nagsasalita saaming dalawa. Kahit pa feeling ko ay awkward na ang atmosphere sa pagitan namin.

"How are you?"

Naplingon ako bigla sa kanya. Bigla-bigla na lang kasi siyang nagsasalita. Buti na lang wala akong sakit sa puso. Dahil kung hindi ay baka namatay ako sa gulat.

"I'm okay Sir."

"Drop the formality Georgina."

"Nasa trabaho pa din po ako Sir at boss kita Sir."

"Please?"

Napabuntong hininga ako. Ano ba ang gusto kasi nitong mangyari? Nananahimik na nga ako eh. Bakit kailangan niya pa akong sundan dito?

"What do you want Andrei?"

"I want us."

"Anong us?"

Marahas akong lumingon sakanya. Nagaalab nanaman ang galit na nararamdaman ko para sakanya. Matalim ko siyang pinakatitigan. Gusto kong iparating sa kanya sa pmanagitan ng mga tingin ko na wala nang kami.

"Lets start anew."

"Ang kapal ng mukha mo para magsabi ka saakin ng ganyan."

"I want us to be together again George. Ayusin natin ang tungkol saating dalawa."

"Wala nang aayusin Andrei! Dahil matagal mo ng sinira kung ano man ang mayroon tayo noon. Hindi mo na maibabalik pa ang mga nangyari dahil nangyari na."

"Nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sa iyo noon."

"Huli na para magsisi ka. Wala nang saysay pa."

"Georgina."

"Baba."

"Please Georgina."

"Makakababa kana SIR."

Bumuntong hininga siya at kinalas ang seatbelt sa katawan niya. Tumingin ulit siya saakin. Diretso pa din ang tingin ko at ayaw ko siyang lingunin. Nangangalit ang mga ugat ko sa katawan dahil sa mga sinabi niya ngayon. Nang maisara niya ang pinto ng kotse ko ay agad kong pinaharurot ang sasakyan. Bukas ko na lang pupuntahan ang ang isang market ko ngayon. Dahil pihadong hindi din ako magiging productive dahil sa nangyari ngayon.

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now