Chapter 7

598 13 1
                                    

Georgina's POV

Pumara ako ng taxi. Gusto ko ng makalayo sa kanya. Ayokong mahabol niya ako dahil pihadong malalaman niya kung nasaan ako ngayon naka-stay. Pero sino ba ang niloloko ko? Mayaman siya at lalo siyang yumaman dahil nagmerge na ang company ng magulang ko at company nila. Natitiyak kong ipapahanap niya akong muli lalo pa at nalaman niya na nandito ako sa Dubai. Peste! Nakakainis!

Sinabi ko sa driver na dito na lang ako sa tabi. Inabot ko sa kanya ang bayad at bumaba na. Napaupo ako sa bench na malapit sa tinutuluyan namin na hotel. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang mga tuhod ko. Napahinga ako ng malalim. Tumingala at muling nanumbalik ang mga ala-alang pinilit kong kalimutan. Mga ala-alang ayoko nang muli pang balikan.

"I'm done with these heartached. Am I?"

Napatanong ako sa sarili ko. Nararamdaman ko nanaman ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko. Masakit pa din pala. Akala ko okay na ako. Sa nakalipas na apat na taon ang buong akala ko ay nakalimutan ko na siya. Hindi pa din pala.

"Why are you here?"

Naplingon ako sa nagsalita. Agad kong pinunasan ang luhang naglandas sa aking mga mata. Humarap ako sa kanya at nginitian siya.

"Nagpapahangin lang. Ikaw bakit nandito ka sa labas?"

"Nagpapahangin lang din. Nasaan si Jesse?"

"Uhm. Nandoon pa sa bar."

"Did something happen?"

"Wala naman."

Umupo akong muli sa kinauupuan kong bench dito sa labas ng hotel. Naupo din siya sa katabi ko at inabutan ako ng isang beer in can. Binuksan ko naman iyon at lumagok ng isa.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyo na mahal pa din kita?"

"Neil."

"I know. I've tried George. God knows how hard I've tried para lang makalimutan ko ang feelings ko para sa iyo at magmove-on na lang."

"And then nakilala mo siya."

Ang tinutukoy ko ay iyong babaeng nakita namin kaninang umaga. Alam ko may nararamdaman na siya para sa babae pero hindi niya pa narerealize. Naging indenial na nga. Ang akala niya ako pa din ang mahal niya.

"Her name is K. Nakilala ko siya nang minsan ay mapadpad ako sa isang tabing dagat upang magpalipas ng aking sakit na nararamdaman."

Lumagok muna siya sa hawak niyang beer at nagsalitang muli.

"Noong umalis ako patungong Korea ay sobrang durog ang puso ko noon. Until one day at hindi ko din naman expected na magkikita kami ulit doon. Natawa pa ako. Kasi sinigaw niya talaga na we are meant to be."

Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata habang nagkukwento. Inlove na nga talaga siya kay K. Hindi niya pa lang napapansin.

"Until one day nalaman ko na nakafix marriage na pala siya. Nalungkot ako. No. Parang nasaktan nanaman ako for the second time around. I was hurt again. Sinabi ko sa sarili ko na nasaktan lang ang ego ko."

"Pero sa totoo lang hindi naman talaga ang ego mo ang nasaktan. Iyong puso mo na."

Tinuro ko ang puso niya. Nakatingin lang naman siya saakin. Walang mahanap na salita. Dahil totoo.

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now