Chapter 17

374 12 7
                                    

Georgina's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Oo kwarto ko lang ito. Ano siya sinuswerte? Na basta basta ko na lang hahayaan na pumasok at guluhin nanaman ang puso ko. Halos magdadalawang linggo na din ako dito sa bahay niya. I must say para pa din kaming aso at pusa. Pero mas madalas siya ang kawawa saakin.

Kakatapos ko lang din kausapin ang kambal at si Jesse. Sinabi ko sakanila na huwag silang mag-alala dahil maayos naman ang lagay ko.

Napapabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin saakin ng Sales Manager ko. Baka kung ano pa ang isipin noon saakin at kay Andrei. Lalo na ang ibang mga ka-grupo ko. Mahilig pa naman mag-conclude ang mga iyon mas tsismoso pa sa mga pinoy.

Tumayo ako para pumunta sa labas. Mababaliw ako kung nandito lang ako sa kwarto ko. Hindi naman ako inaantok. Anong oras pa lang naman. Bumaba ako para pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Naabutan ko si Andrei na nakaupo sa bar counter niya at may ginagawa sa laptop kaya hindi niya ako napansin.

"Gutom kana ba?"

Medyo nagulat ako sa bigla niyang pagsalita. Buti na lang hindi ko nabitawan iyong baso ko.

"Nope. Uhaw lang."

"Tell me kung gutom kana ha. Ipagluluto kita."

Napataas ang kilay ko. Aba! Marunong na siyang magluto ngayon ah. Parang dati lang eh halos masunog ang kusina kapag siya ang nandoon para magluto. Iba din.

"Oh wifeyko. Huwag mo naman ako masyadong titigan baka matunaw ako niyan."

"Tse. Hindi siguro. Kapal ah."

"Sungit."

"Anong pake mo."

"Pero hahayaan kitang tumitig saakin ng matagal kung patutulugin mo ako sa kwarto natin."

"Para-paraan ka. Never."

"Ay grabe siya oh. Ang hard."

"Oo kasing hard ng mukha mo."

"Huy! Ang taray mo naman."

Iniwan ko na siya doon at dumiretso ako sa Sala para manood na lang ng palabas sa T.V. Binuksan ko iyon at naghanap ng magandang channel na papanoorin. Maya-maya pa ay naramdaman kong lumundo ang upuan. May asungot na tumabi sakin. Dala ang laptop niyang naka sarado na at nakapatong doon ang isang bowl ng popcorn. Bango ah!

Ehem. Hindi siya ang tinutukoy kong mabango. Iyong popcorn na dala niya.

"You want to watch a nice movie?"

"Ano action?"

"Nope. I know what you like to watch."

Na-curious naman ako. Hinintay ko kung anong ilalagay niyang movie. Tumabi siya ulit saakin at kinuha ang extrang throwpillow sa isang upuan at nilagay sa lap niya. Nahulaan ko agad ang nilagay niyang palabas. Horror. Ang aking paboritong genre na panoorin. Napasulyap ako sakanya kasi ang alam ko ay ayaw na ayaw niya ng horror na palabas. Magkasalubong ang kilay ko na wari'y nagtatanong sakanya sa isip lamang. Tumingin siya saakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeWhere stories live. Discover now