Chapter 8

532 14 0
                                    

Andrei's POV

"Thank you Mr. Shahid. Yes definitely I will. Okay. Bye."

Kausap ko ang may-ari ng company na pinagtatrabahuhan ni Georgina. Yes. Alam ko na kung saan siya nagtatrabaho at ano ang trabaho niya dito sa dubai. That is why binili ko ang company na ito at ako ang nagtake-over bilang bagong owner. Lahat ito ay sinabi saakin ng private investigator ko. Alam ko na din kung saan siya nakatira. Gaya nang sabi ko papabalikin ko si Georgina sa piling ko. Babawi ako sa lahat ng mga nagawang kong kagag*han sa kanya.

"Good morning Sir Alex the conference room is all set."

"Okay I'll be right there. Thank you."

Siya ang secretary ko dito. Yes. I will be working here kasama ni Georgina. Hindi niya pa alam so it will be a big surprise for her. Gusto ko na ulit siyang makita. Tumayo na ako at inayos ang coat ko. Huminga ako ng malalim. Medyo excited ako na kinakabahan! Pero I make my self look cold and tough. Lumabas na ako ng opisina ko. By this time nandoon na silang lahat. Most especially siya.

"Good Morning everyone."

Bati ko sa kanila pagkapasok ko sa conference room. Nakapatay na ang ilaw at nakaready na ang projector kaya hindi nila masyadong makita ang mukha ko. Hinanap agad ng mata ko ang taong dahilan kung bakit ako nandito. Hayun siya. Hindi pa niya ako nakikita dahil may sinusulat pa siya sa notebook niya yata iyon.

"Good morning Sir Alex."

Bati naman nilang lahat pabalik sa akin. Doon lang unti-unting umangat ang mukha niya at tila ba naniniguradong totoo ang nakikita niya. Hanggang sa naging malikot ang mga mata niya at hindi na mapakali. I like it.

******

Georgina's POV

Mabilis na natapos ang vacation leave ko na isang linggo. Heto at papasok nanaman ako sa opisina. Pero ang kambal ko ay bakasyon pa din at dalawang buwan ang bakasyon.

"Mommy pupunta kana po ulit kay boss?"

"Yes baby eh. Need magwork ni mommy para sa inyo ni Andreia."

"Sana po dito kana lang mommy. Namimiss ka namin po."

"I will miss you too baby. Don't worry later kapag maaga natapos si mommy mamamasyal tayo okay?"

"Yehey! Thank you mom."

"I love you. O sige na alis na si mommy ha."

"Opo.bye mommy. I love you too."

Nagmamadali akong umalis ng bahay pagkatapos kong halikan sa pisngi ang panganay ko at ang natutulog ko pang prinsesa. May meeting kasi kami ngayon. Hindi ko alam anong nangyari bakit biglaan. Dapat ay didiretso na ako ngayon sa market ko dahil kailangan ko iyong makita at i-check.

*****

"Girl diretso na daw tayo sa conference room."

"Ano ba ang mayroon ngayon? Hindi pa naman month end ah."

"Ayon sa aking nasagap may bago daw tayong CEO at take note gwapo daw!"

Nagtitili na nga ang kaopisina ko na pinay din. Bagong CEO? Nasaan na si Mr. Shahid? Nalulugi na ba kami? Pero imposible dahil number one kami sa buong UAE eh. Iniwan ko si Janice na tili pa din ng tili. Naloka nanaman ang bruha. Para naman hindi pa nakakita ng gwapo eh ang dami naman dito noon sa dubai.

Dumiretso na ako sa conference room sa may third floor. Naabutan ko ang ibang ka-grupo ko na nakaupo na at nakaharap sa kani-kanilang laptop. Sa gitna ng table ay nakalagay ang isang malaking projector. Pumunta na ako sa puwesto nila.

MTTFFM (Book II) - Operation: Find My Missing WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora