Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.

28.4K 244 56
                                    

Hi Peeps,

I never thought that I would post a story here...usually silent reader lang talaga ko. But since dati rin naman akong writer, I thought why not try it. Madami na rin kong nagawang story before pero never ko in-attempt i-publish kasi mahiyain akong nilalang, hehehe! Pero nang makita kong kilig-kiligan ang dalawa kong teen-agers na mga pamangkin dito sa wattpad, siguro it's about time na magpakilig uli ko sa iba gaya ng gawain ko noon sa mga classmates ko before nung ginawan ko sila ng mga short stories with their own characters. Right, yan po ang gawain ko dati, gumagawa ng mga short stories using my classmates' names as the lead characters sa stories.

I'll start with this story...I've written this years before, gusto ko nga sana ipa-publish eto dati kaso nakatamaran at nakahiyaan ko na kaya never na nangyari. At least kahit dito sa wattpad mai-share ko man lang, although may binago na ko sa story at style ng writing para bumagay dito sa wattpad readers at syempre to catch up with the current time na rin...o sige na eto na po.

Prologue

Elise's POV

Nakakainis naman o! Usapan kasi namin ng best friend ko na si Joanne na 3pm kami magkikita at eto mag-aalas kwatro na ni anino nya wala pa.

Peste naman o! Lingon dito at lingon doon pero wala pa rin Joanne na dumarating.

Hanggang...Ay kabayo! may malamig at matigas akong naramdaman sa may pulso ko.

"Hi Elise" Si Mayette, isa sa mga classmate ko at pinosasan ako.

'Naman Mayette, huwag mo na ko hulihin' sana makuha 'to sa pakiusap!

Nga pala di ko pa pala nasasabi. Foundation Day ng school namin ngayon at may Fair, meaning maraming rides and booths dito ngayon. Gaya ng Ferris wheel, Octopus. May mga booths na nagtitinda ng kung anu-ano at meron naman kung anong mga pakulo gaya ng Jail booth at kissing booth.

"Sorry, Elise di pwede. kelangan kitang isama kasi may naghihintay na groom na sayo" tawa-tawa pa tong lokang si Mayette.

Teka...Groom? "A-anong booth ba ninyo?" kabadong tanong ko sa kanya.

Mayette made an evil grin. "Marriage Booth"

"Huh?" at yun hinila na nya ko papunta sa booth nila kahit pilit kong hilahin yung kamay ko di pa rin nya ko pinakawalan. Buwisit naman kapag minamalas ka nga naman o!

Hanggang makarating kami sa isang classroom na inayusan na parang isang chapel. Yung teacher's table ginawang altar tapos gumawa ng daan sa gitna na parang aisle at may bulaklak pa ha. Ang effort ng Marriage booth team bongga!

Madaming taong nakapaligid sa classroom na yun obviously, mabenta ang booth nila, kasi maraming audience eh.

"Wow, Mayette, ang galing mo nahuli mo ang president ng HS student council!" sigaw ng isang estudyante na nakilala ko na si Janelle. Ang best friend ni Mayette.

Oo ako nga ang president ng High School student council. Fourth year high school na kami ngayon.

"Syempre ako pa, magaling ako pumili" hirit pa ni Mayette.

Pinasuot nya sa kin ang isang white gown at belo kaya bride kung bride ang get up ko di ba? Tapos binigay ang isang bouquet of red roses at halos ipagtulakan ako para maglakad sa aisle to meet my 'groom'.

Speaking of groom, may matangkad na nilalang na nakatayo na pala sa harap ng room. Noon ko rin lang napansin nung naglalakad na ko papalapit sa 'altar'.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon