Chapter 4 - The Pretend Boyfriend

11K 142 18
                                    

In-update ko na rin ang next chapter kasi nabitin ako dun sa last so sinunod ko na rin eto. Sana magustuhan nyo.

Chapter 4 - The Pretend Boyfriend.

Elise's POV

Sa office...

Kasalukuyang may tina-trabaho ako nang biglang tawagin ako ni Mr. Mercado.

"Elise, nakausap mo na ba yung boyfriend mo kung sasama sya sa Batangas?"

Boyfriend?

Oo nga pala may boyfriend akong sinabi sa kanya.

"Ah hindi pa po. Bakit?"

"Next week kasi pinapupunta ka ni Mr. Gonzales sa hotel at gusto nya na makilala yung boyfriend mo. Nasabi ko kasi sa kanya na isang PBA player yung boyfriend mo eh PBA fan din pala yun, kaya ayun gusto nya makita yung boyfriend mo."

Patay! Madaldal talaga etong si Mr. Mercado at naidaldal na kay Mr. Gonzales ang invisible PBA boyfriend ko. Pano na tuloy ako nyan?

"Sige po, tatanungin ko po sya. Thank you po"

Umalis na si Mr. Mercado at pumasok sa sariling room nito.

Ang mga kasamahan ko puro nakikinig pala.

Lumapit si Rose sa kin.

"Uy Elise, narinig ko yung sinabi ni Sir. May boyfriend ka pala?"

Sumingit si Gary.

"Eh ano naman kung may boyfriend etong si Elise? Magtaka kayo kung wala kasi sa sobrang ganda neto imposibleng walang magkagusto dito." Gary.

"Naks naman Gary. Kung di ko lang alam na may gf ka iisipin ko may HD ka sa kin."

Namula naman si Goreng. Hahaha! Malamang meron nga!

"Kasi naman wala naman kaming nakikita na sumusundo kay Elise at wala rin syang nakukuwento tungkol sa boyfriend nya." Rose

Gusto ko sana na sabihing kunyari lang ang boyfriend ko pero I decided against it kasi baka makarating kay Mr. Mercado at malaman na nagsinungaling lang ako at maging dahilan pa ng pagkakapurnada ng promotion ko at ang patuloy na panliligaw nya sa kin.

"At ano pa yung narinig namin? PBA player ba kamo?" Cathy.

"Oo nga pakilala mo naman kami" Sandra.

Halos lahat sila nakapalibot na sa cubicle ko.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Where stories live. Discover now