Chapter 14

10.3K 134 21
                                    

Marami yatang nabitin dun sa last chapter kaya sinunod ko na eto. Hope huwag kayong magsawa sa pinaggagawa ko, hehehe!

Anthony's POV

Pinagmamasdan ko lang sya habang kumakanta.  Ang ganda talaga nya. Halos lahat ng hinahanap ko sa isang babae nasa kanya na. Maganda, matalino, mabait, masipag. And what  makes her special is that she is just a very normal person. Walang arte sa katawan, very humble at napaka simple. Kaya naman sa mga araw na lumilipas lalo kong nararamdaman itong pagmamahal ko sa kanya.

It's just sad na hindi ko masabi sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Ewan ko pero parang hindi ko pa kaya at gusto ko rin na mas magkakilala kami, mas maging kompotable sa isa't isa. Ayoko yung parang nadadala lang kami dahil sa pagpapapanggap namin.  Natutuwa nga ako dahil mas close na kami ngayon. Lalo kaming nagiging malapit sa isa't isa.

Hindi familiar sa kin yung song pero habang naririnig ko yung lyrics alam kong parang may patama sa amin yung kanta.

Kinakanta ba nya yun dahil yun ang nararamdaman nya? Kung alam lang nya na gustong gusto ko na maging totoo na ang lahat. Na gusto ko na rin talagang iexpress sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Pero hinihintay ko lang yung tamang panahon. Gusto ko rin kasi na kapag dumating yung time na yun pareho na kaming handa sa mga nararamdaman namin.

After nya kumanta, tumingin sya sa kin. Tapos bigla nya rin binawi. Parang nahihiya sya. Gusto ko tuloy sya yakapin at halikan pero pinipigilan ko lang sarili kasi ayoko rin syang biglain at isipin nya na tine-take advantage ko na sya.

"Gusto mo pa bang maglaro?" Tanong ko. Umiling lang sya tapos binuksan yun TV.

"Manood ka muna dyan. Magluluto lang ako ng dinner natin," sabi nya tapos tumayo na papunta sa kusina.

"Tulungan na kita."

"No, okay lang. Sige na relax ka lang dyan." sagot nya. Pero sumunod rin ako sa kanya. Gusto ko syang makitang magluto.

Kumuha na sya ng mga kakailanganin sa pagluluto.

"Okay lang ba Meatballs Spaghetti sa'yo?" tanong nya.

"Kahit ano basta luto mo." sabi ko na lang habang pinagmamasdan lang sya. Napangiti lang sya.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon