Chapter 18

10.7K 150 45
                                    

 This new chapter is dedicated to Dionegan011701.

Naloka ako dito sa batang ito, everytime makikita nyang online ako, itatanong kung mag-uupload ako at eto ang mas lalo kong ikinaloka...11 yrs old lang sya, hahaha!  I should have known, kasama sa username nya yung birthday nya. Jan 17, 2001, Tama ba? Kaya alanganin akong mag lagay ng BS dito kasi alam ko may below 13 na nagbabasa dito, hahaha! Well natuwa lang ako sa kanya kasi parang ganyan din ako dati, mga 11 years old din ako nag umpisang magbasa ng mga Mills & Boon and Harlequin paperbacks tapos hindi ako nakikinig sa school kasi nagbabasa na ko ng love stories.  Mas maganda kasing pag-aralan yun kesa school subjects eh, hehehe! Naku Bad Influence na si Author.

O sige na eto na daming commercial eh :)

______________________________________________________________________________

Elise's POV

Pagkatapos kong mag shower, bumaba na ako papuntang kusina.  Dahil sa hangover, I need coffee nang mawala ang sakit ng ulo ko.

Nadatnan ko si Mommy na nagliligpit na ng kinainan. Parang nagmamadali.

"O, anak gising ka na pala. Mag breakfast ka na."

Umupo na ako sa usual seat ko at nagsalang ng kape mula sa coffee maker.

"Masakit ba ulo mo? After mo kumain uminom ka na ng gamot para mawala yang sakit ng ulo mo." bilin nya na medyo ikinagulat ko naman. So alam ni Mommy na lasing ako kagabi. Pero mukhang hindi naman sya galit. Gusto ko sanang itanong kung paano ako nakauwi kagabi. Nang sumilip ako kanina sa labas ng bintana ng kwarto ko, nakita kong naka park sa labas ng bahay yung kotse ko. So ibig sabihin, nagdrive ako? Buti naman at hindi ako naaksidente dahil sa totoo lang wala pa rin akong matandaan sa nangyari.

"Anak papunta nga pala kami ng Daddy mo sa Tagaytay mamaya para i-check yung bahay doon. Doon daw tayo magce-celebrate ng wedding anniversary namin next week sabi ng Daddy mo. Alam kong may party ka mamaya kaya hindi ka makakasama sa amin."  Party?

Bigla kong naalala. Shocks birthday nga pala ng Mommy ni Anthony ngayon. in-invite na nga pala ako last week pa.

Tapos next week naman ang wedding anniversary nina Mom at Dad. Every year lagi kaming nag a-out of town para mag celebrate ng buong pamilya  at doon nga sa Tagaytay napili nina Mommy pumunta. Meron kasi kaming rest house doon na pinagawa ni Daddy years ago.

"Sige, Anak, papunta na ako sa school ngayon at may klase pa ako. Tapos tuloy na kami ng Daddy mo at ni Edison papuntang Tagaytay mamaya. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay." Tapos humalik sya sa ulo ko.

"Okay." sabi ko na lang.

Palabas na sya ng bahay ng bigla syang bumalik. "Nga pala sabi ni Anthony na ipasusundo ka na lang nya sa driver nya mamaya daw mga 7:30 PM dahil may laro pa sila mamaya at susunod na lang daw sya sa party ng mommy nya."

"Nakausap nyo si Anthony?" takang tanong ko. Tumawag ba si Anthony?

"Oo. Sya naghatid sa'yo kagabi."  Tapos lumabas na sya ng bahay.

Naguguluhan na ako.  Si Anthony ang naghatid sa akin kagabi? Paanong nangyari yun? Hay naku, lalo yatang sumasakit ang ulo ko.

Agad kong tinawagan si Joanne para itanong kung anong nangyari kagabi.

"Friendship, anong nangyari kagabi?" agad kong tanong. Narinig ko syang tumawa. Tama ba naman yun? Nagtatanong ako tapos tatawanan lang ako.

(Ano bang natatandaan mo?)

"Eh kaya nga ako nagtatanong kasi wala akong matandaan!" Tumawa ulit. Hay naku!

(Kasi, Girl, super lasing ka na kagabi at hindi ko alam kung paano ka iuuwi. No choice ako kundi tawagan si Jason na nagkataon na kasama nya si Anthony. Ayun pinahatid na kita sa bahay nyo.)

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon