Chapter 16

10.2K 141 18
                                    

Dahil excited tayong lahat kaya eto na po ang kasunod na chapter. 

Sorry at tinatamaan ako ngayon ng katamaran at writer's block kaya parang puchu-puchu lang tong pinaggagawa ko :(

Nanuod muna ko Avengers tapos sabay-sabay nag update yung mga binabasa ko dito sa watty kaya di ko malaman uunahin ko magbasa o mag-update din? Hahaha! Pero may utang pa ko sa inyo kaya eto na, read later na lang muna ako.

At dahil ni-request nya...first time may magpa dedicate!  It's for you (naks parang kanta lang ah) @JayNimeaRepalda. O ayan ah, nag-iisa ka lang :)

_____________________________________________________________________________

Elise's POV

Nakapasok sa finals ang team nila Anthony.  Syempre tuwang-tuwa sya kasi may chance uli na mag champion muli ang team nila at mas lalong malaki yung chance nya na maging MVP.

Ngayon dahil nga nakapasok muli sa championship ang team nila Anthony, magkakaroon ng Thanksgiving party ang management at the same time birthday ng Team owner nila na si Mr. Bernabe. Kaya ayun gampanan ang papel ng isang Fiancee, sumama sa mga parties ng Fiance. Yun nga lang arte-artehan lang (bitter ba?).

Anyway nandito na kami sa lugar kung saan ginaganap yung party.  Pero hindi pa kami nakakababa ni Anthony mula sa sasakyan nya.

'Hindi pa ba tayo papasok sa loob?" tanong ko.  Mukhang marami ng tao sa loob. 

Sa halip na sumagot may inabot syang maliit na pahabang velvet box  sa akin.

"Ano 'to?" Binuksan ko yung box at halos malula ako sa nabungaran ko. It was the most beautiful necklace I've seen.  Yung pendant nya ay isang two heart-shaped infinity, may maliliit na diamante na nakapalibot dito at naka set ito sa manipis na white gold chain.

"Para saan ito?" tanong ko at tumingin sa kanya. Ngumiti lang sya.

"Regalo ko sa'yo" 

"Anong okasyon? Hindi ko naman birthday." sabi ko.

Bumuntong hininga muna sya bago sumagot. "Well, isipin mo na lang na isa yan sa mga regalo ko bilang fiance mo."

Okay,  I get it.  So isa pa rin ito sa mga palabas nya. Parang showing off ba.  Just like the ring he gave me. After all of these actings, ibabalik ko rin sa kanya. Wish ko lang hindi ko mawala itong mga ito. Syempre mahal itong mga alahas na binibigay nya noh. Baka nga may halagang milyon na itong mga ito eh. Kailangan ko lang ingatan kasi baka mawala or masira ko pa.

Hindi ko maiwasan may maramdaman sa dibdib ko. Parang disappointment ba.  Nakakasakit lang kasi na yung mga pinangarap ko ay nangyayari lang dahil sa mga palabas namin.  Pero wala akong karapatang magreklamo kasi sino ba nag-umpisa nito, di ba ako?

Kung yung ibang babae matapos mabigyan ng alahas ng mahal nila at sabay yayakapin sa sobrang katuwaan, syempre ako hindi ko magawa. Kasi naman una, hindi naman kami tunay na magboyfriend. Pangalawa, etong mga binibigay nya sa akin kung baga sa mga plays, parang props lang itong mga ito, ibig sabihin, hindi totoo.  Pangatlo, isosoli ko rin sa kanya pagkatapos ng play-acting namin.

God knows, gusto ko syang yakapin nang makita ko ito, just like any other women, isa rin ito sa mga naging daydreams ko na regaluhan ng mahal mo ng alahas. Pero, just like what we've been doing, it's still part of the acting.  Ewan ko kung makaka survive pa ako sa mga palabas na ito.  Hulog na hulog na kasi ang loob ko sa kanya.

C'mon Elise, kayanin mo. After matapos ang lahat, I'm sure babalik din ang lahat sa dati na parang wala lang nangyari. I wish!

He leaned forward to put the necklace on my neck.  Hindi ko naiwasang malanghap yung scent nya habang magkalapit kami.  Ang bangu-bango lang nya, lalaking lalaki. Parang gusto ko tuloy yakapin sya ng mahigpit at amuyin lang sya. Pero syempre adik-adikan lang ko at hindi ko kayang gawin yun.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon