Chapter 11

11.3K 178 43
                                    

Elise's POV

Hindi ko na alam kung ano na ba ang mga nangyayari.  Lahat parang ang bilis bilis. Isang araw lang tahimik akong nagtatrabaho, uuwi sa bahay. Walang gulo, walang iniisip masyado. Tapos ngayon parang nabago ang lahat.

Ewan ko kung kasalanan ko bakit nagkaganito ngayon ang takbo ng buhay ko. Ang alam ko lang humingi lang ako ng saklolo para maiwasan ang mga bagay bagay na akala ko magiging sagabal sa inaakala kong mga bagay na kagustuhan ko.

Teka bakit ba ko nagdadrama ngayon?

Wala lang kasi first time ko manonood ng PBA game na live sa Araneta at excited ako! Yup, isa ito sa mga privileges ng pagiging isang "GIRLFRIEND" ng Basketball player. Wait, di lang pala basta Girlfriend, "ENGAGED" nga pala kami. Funny, right?

Kaya naman sa isang iglap biglang nagbago lahat ang takbo ng buhay ko.

After kong makilala ang buong pamilya ni Anthony ilang araw na ang nakalipas, hinatid naman nya ko sa bahay at hinarap naman ang pamilya ko. Akala ko pa nga magagalit sina Mommy at Daddy sa binalita namin pero nagulat pa ko at tuwang-tuwa sila. Although medyo nagulat din sila na engaged na kami pero naging excited naman sila sa balita.  Ewan ko kung na excite sila dahil ikakasal na ako or dahil isang sikat na basketball player ang mamanugangin nila. Minsan talaga ang weird ng pamilya ko.  Ah ewan, alam ko lang hindi ito totoo lahat. Saka ko na lang iisipin kung anong gagawin ko kapag natapos na ito lahat.

Speaking of excited, sino ba ang pinaka excited sa lahat?  Eh di ang mga kapatid at Mommy ni Anthony. Lahat sila kanya-kanyang plano sa "KASAL" namin.

Si Annalese na isang fashion designer na rin bukod sa pagiging modelo ay may nai-design ng wedding gown ko. Naipakita na nya sa kin yung sketch ng gown na nagustuhan ko naman. Magkatulong nilang gagawin iyon ng isang sikat na fashion designer na kaibigan nito.

Si Andrea naman may nai-present ng menu para sa reception. Iba't ibang potahe na ang iba ay mga recipe pa nya na pinauso nya.

Si Ate Annette naman bahala na daw sya sa reception place at Bridal gift registry.

At si Mrs. Valdez ay may kilala na daw na pari na magkakasal sa amin at hinihikayat na kami na kumuha na ng wedding license kahit na sinabi na namin na wala pa naman kaming exact date kung kelan ikakasal. Pinaliwanag na lang namin kunwari ay maghihintay muna kami ng ilang buwan bago tuluyan magpakasal.

Kahit nga si Mommy ay may mga nai-suggest na rin na mga ninong at ninang na pwede daw namin kunin.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon