Chapter 17

10.4K 154 24
                                    

Eto na po ang kasunod...para hindi bitin, hahaha! 

Thanks sa mga new fans :)

 Nga pala pa dedicate daw...okay para sa'yo JhOeyVillar ...ayan ha, nabasa ko rin request mo ^_^

____________________________________________________________________________

Elise's POV

Nandito kami ni Joanne sa isang bar. 

 Tinawagan ko kasi sya kagabi after akong maihatid ni Anthony mula sa party.  Gusto ko lang ng kausap at gusto ko lang ibuhos yun nararamdaman ko. Syempre sino pa ba ang taong pagsasabihan ko kundi ang best friend ko.

Buti na lang wala syang work tonight kaya sabi nya punta muna kami ng bar at medyo magliwaliw.

Hindi naman kami parehong mahilig uminom ni Joanne, pero paminsan-minsan nagkakayayaan din kaming mag-bar para mag-unwind.

 Naikuwento ko na sa kanya yung nangyari kagabi. Nakikinig lang sya habang ako medyo, maiyak-iyak na sa pagkukuwento sa kanya.  Para lang akong tanga di ba? Eto magpapanggap na inlove kay Anthony pero ang totoo inlove naman talaga ako. Tapos ngayon nasasaktan kasi hindi ako sigurado kung mahal ako ng taong mahal ko eh hindi ko rin naman masabi yung nararamdaman ko.  So anung karapatan kong masaktan?

"Hay, naku Friendship, bakit hindi mo na lang kasi sabihin kay Anthony yang nararamdaman mo? Okay lang naman kung manggaling sa'yo kahit ikaw yung babae, basta mailabas mo lang yang nasa loob mo."  litanya ni Joanne.

"Hindi ko kaya Friendship. Natatakot ako." sabi ko sabay sip ng ladies drink ko.

"Hay naku, Maria Clara ka talaga. Ano bang ikinatatakot mo? Sasabihin mo lang naman yang nararamdaman mo eh."

Tiningnan ko sya ng masama. "Syempre natatakot akong ma-reject. After nung kagabi, baka nga mahal pa nya si Maricar eh."

"Well at least masasabi mo na mahal mo sya." pilit pa ni Joanne.

"Hindi ako kagaya mo na madaling ma-express yang nararamdaman mo. Ang gusto ko lang kasing malaman na kung meron din ba syang pagtingin sa akin? Kung meron man, bakit hindi nya sinasabi sa kin?" Ang kaibigan ko tinaasan lang ako ng kilay.  Hay naku, kaibigan ko ba talaga 'to?

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon