Chapter 8

10.7K 152 17
                                    

Nahiya naman ako, ang tagal kong hindi dinalaw tong account ko at nagulat na lang ako na meron din naman palang nakaka appreciate nitong story ko. Salamat sa mga iilang taong nagustuhan eto. I'll try my best to make this story a very good one. Thanks everyone :)

______________________________________________________________________________________

My heart was beating so fast. As I reached and got into my car, my hands were shaking and I couldn't immediately put the keys in the ignition.

I tried to calm myself first before I turned on the ignition then I pulled away from the parking lot without knowing where to go. But there is just one thing I need to do, I need to find Anthony and demand from him what the heck that article was all about?

Wala pang dalawang linggo mula nang magkaroon kami ng kasunduan tungkol sa pagpapanggap na may relasyon kami at ngayon, mababasa ko na lang na engaged na pala kami!

Alam ko na meron akong nararamdaman para sa kanya pero not to the extent that I want to be engaged with him, at least not now for it's too soon.

Hindi ako sigurado pero nagbakasali lang ako na may practice ang team nina Anthony sa clubhouse kung saan ko sya nakita dati.

Matapos kong marating yung clubhouse at magpark, bumaba ako ng sasakyan habang bitbit yung dyaryo. Ramdam na ramdam ko yung tibok ng puso ko dahil sa kaba at at kung anu-ano pang emosyon.

Naririnig ko na yung mga boses at tunog ng pagdribble ng bola kaya alam ko may nagpa-practice nga sa loob ng gym.

Pumasok ako sa loob at agad hinanap si Anthony. Nakita ko naman sya sa gitna ng basketball court kasama ng iba pang players. Naglakad ako papunta sa bleachers at naupo sa isang bench doon.

Hindi ko alam kung tatawagin ko sya kasi nahihiya rin naman ako. Ayaw kong gumawa ng eksena sa harap ng team nya. Kaya naghintay na lang ako na mapansin nya. Matapos ang ilang minuto napansin na rin nya ko at mukhang nagulat pa sya nang makita ako. Naglakad sya papunta sa bleachers at ngumiti pa sya habang papalapit sa kin.

"Hey, what a surprise. Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

Kinuha ko yung newspaper at inabot sa kanya iyon. Kinuha naman nya at dinaanan ng tingin yung article doon.

"Sh*t!" he cussed.

"Yeah you're right, it is." sabi ko. "Care to tell me what's going on and why are we so suddenly 'engaged'?

Pinipigilan kong huwag magalit sa kanya at sa sitwasyon. I'm sure he has his reason for it, or at least I am hoping he has.

Binalik nya sa kin yung dyaryo.

"Okay, wait for me here. I'll just take a quick shower and we'll be out of here." Tapos tumakbo na sya pabalik sa court at saglit na kinausap yung coach nila at agad tumakbo papunta sa shower/locker room.

Matapos ang halos kalahating oras, lumabas na sya sa shower room at naglakad papunta sa kinaroroonan ko.

He took my hand at lumabas na kami papalabas ng gym.

"Nagbreakfast ka na ba?" tanong nya habang naglalakad kami.

" I just had coffee." hindi naman ako nagugutom.

"Punta muna tayo sa coffee shop dyan sa tapat at doon ko na rin papaliwanag sa'yo lahat." Sabi nya habang hawak pa rin nya yung kamay ko at hinila papunta sa coffee shop.

Pumasok na kami sa loob ng coffee shop. Wala naman masyadong tao sa loob. May isang matandang lalaki lang na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape at dalawa pang lalaki naman ang nasa may sulok sa kanan bahagi ng shop. Kaya pumunta kami ni Anthony sa kaliwang bahagi naman matapos nyang umorder ng dalawang coffee at dalawang slice ng cake.

"Uhm, sorry hindi ko alam na aabot sa ganito," pag-uumpisa nya. Hindi sya makatingin sa kin ng direcho.

Tahimik lang ako.

"Hindi ko rin alam kung bakit nasa dyaryo na agad ito." Ibig sabihin may pinagsabihan talaga sya na engaged na kami?

"Ang alam ko lang nakausap ko si Maricar, my Ex." Napatingin agad ako sa kanya. Parang natigilan ako. So May kinalaman pala ito kay Maricar Peczon?

"She is asking for another chance."

Hindi ko na yata kayang marinig pa yung sasabihin nya pero at the same time mas curious ako kung ano ang dahilan nya at kung ano ba talaga ang nararamdaman nya, kung mahal pa ba nya si Maricar?

Nagpatuloy pa si Anthony. Ipinaliwanag nya na nagkausap ang kapatid nya na si Analese at Maricar na minsang nagkasama sa isang modeling engagement. Tinanong daw ni Maricar si Analese kung may bagong girlfriend na daw ba si Anthony kasi gusto daw nitong makipagbalikan sa kanya.

Medyo hindi boto si Analese kay Maricar para sa kuya nya kaya sinabi nitong engaged na ang kapatid.

"Tapos nagkita kami nung saturday ng gabi sa isang party at humingi sya ng chance na magkabalikan kami. Tinanong nya kung totoo yung sinabi ni Analese sa kanya. Sabi ko......Oo."

Lalo yata akong naguluhan. "What?!? P-pero bakit mo sinabi yun?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam," ang sagot lang nya sabay inom ng kape.

Ano ba naman 'to? Hindi nya alam? Ang gulo nya ha!

"Teka, anong gagawin natin? Papano natin aayusin etong gulo na 'to? Paano kung malaman ng mga magulang ko?" sunod sunod kong tanong. Nagpapanic na talaga ako. Paano naman etong si Anthony kalmado lang sa mga pangyayari. Ewan ko kung bakit nakukuha pa nyang maging kalmado samantalang ako hindi ko na alam ang gagawin ko, ang daming tanong sa utak ko.

"Pero bakit nasa dyaryo na agad?" takang tanong ko pa rin.

"Isang event yung party na yun na may mga media members din, so malamang may nakarinig ng sinabi ko kay Maricar." palinawanag naman nya na parang cool na cool lang.

"So anong balak mo?" tanong ko na lang. Naiinis na kasi ako.

Kinuha nya yung isang kamay ko at ikinulong sa mga kamay nya.

"Just don't worry too much about this. We'll play along and tell everyone about this engagement then kapag tapos na lahat ang mission natin kung bakit tayo nagpapanggap, that will be the time that we'll end the 'engagement'. Sabihin na lang natin na hindi nagwork ang relationship natin so we'll part ways."

"Sigurado ka?" Skeptical pa rin ako.

"Trust me, okay?"

Should I trust him on this? Paano kung lalong gumulo ang sitwasyon? Paano kung malaman ng lahat na hindi pala totoo ang lahat? Paano kung lalong mahulog ang loob ko sa kanya? Kakayanin ko ba kung sakaling dumating na yung panahon na magbe-break na kami?

Kayo, ano sa palagay nyo?

______________________________________________________________________________________

Sorry again ngayon lang ulit nakapag update. Nahiya na kasi ako dun sa mga nagbabasa, na hindi ko akalain na meron pala, hahaha!

Hanggang sa susunod, don't worry, mas mabilis na.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon