Chapter 10

11.1K 195 44
                                    

I am so happy!!! Madaming natutuwa dito sa story na to. I read your comments at talaga naman nakaka flatter kasi nasisiyahan kayo. Thank you thank you. Sorry hindi ko na masagot mga comments nyo kasi isa lang ang sasabihin ko lahat sa inyo...THANK YOU!!!! Hahahaha!

At dahil dyan...eto na ang kasunod...Enjoy reading ^_^

_________________________________________________________________________________________

Anthony's POV

"Andrea, no..."

Pero nakatakbo na yung kapatid ko sa taas at alam ko na kung ano yung kukunin nya.

Patay na talaga ako. Ano na lang ang sasabihin ni Elise? Frustrated, naisuklay ko na lang mga daliri ko sa buhok ko.

Nang makabalik si Andrea mula sa kwarto ko sa itaas, true enough bitbit nga nya yung naka framed pa na picture. Bakit naka frame? Si Mommy ang may kagagawan nun. Para daw sa kanya napaka special daw ng picture na yun lalo na at alam nya na mahal ko ang babaeng nandun.

Natatandaan ko pa noong unang ipakita nya yung picture na yun a few months ago. Girlfriend ko pa si Maricar noon at nagkakaroon na kami ng problema dahil sa busy schedules at nararamdaman ko na rin ang tunay na nilalaman ng puso ko. I knew from the start that I never loved her pero tinuloy ko pa rin ang relasyon namin. Alam ko nasasaktan ko lang sya kaya naman pumunta agad ako sa bahay sa Greenhills para kausapin ang mommy ko at hingan sya ng payo.

I am very close to my mom kaya nasasabi ko sa kanya kung ano ang mga problema ko. Lalo na nung mawala na si Daddy. Gusto kasi ni mommy na kahit isa-isa na kaming umaalis sa bahay para mamuhay ng kanya-kanya ay maging intact pa rin ang pagsasama namin by being open to one another.

Nakahiga lang ako sa kama ko noon at nakatitig sa kisame ng kumatok si Mommy at pumasok sa kwarto ko.

 "What's up, son? Mukhang may problema ka ah." Umupo sya sa tabi ko.

 Bumuntung hininga muna ko bago sumagot. "I'm thinking of breaking up with Maricar."

"Why?" tanong nya.

"I don't know, maybe because I'm still looking for something but I don't know what. Everytime that I'm into a relationship I'm trying to find something and I thought I've found it from Maricar but then it's still futile...empty. I don't know what's wrong with me Mom. Nasasaktan ko lang ang mga babae kasi hindi ko makita sa kanila yung hinahanap ko na hindi ko naman alam kung ano." mahabang litanya ko.

Ngumiti lang si Mom at kinuha ang kamay ko. "Alam mo anak, bata ka pa. Don't be too hard on yourself. Siguro hindi mo pa talaga nakikita yung babaeng para sa'yo." sabi pa nya.

 "Akala ko ba gusto mo na kong mag-asawa?" biro ko pa. Madalas nya kasi akong asarin na dapat daw mag asawa na ko at magkaapo na sya sa kin.

Tumawa sya. "Syempre noh, sayang ang magandang lahi natin kung di mo ko bibigyan ng guwapo at magandang mga apo."

"Apo agad, di ba pwedeng asawa muna," I chuckled.

"O sige speaking of asawa, ano ba yung sinasabi mong di mo makita kay Maricar o sa ibang naging girlfriends mo?" tanong nya. Parang meron syang gustung hulihin sa kin na ewan. Maybe she knows something.

"As I've said, Mom, hindi ko rin alam." I looked away from her scrutinizing eyes. She really knows something. Am I that transparent to her?

"Have you met someone before that made you feel something quite different? Yung kakaiba sa lahat ng mga naramdaman mo sa ibang nakilala mo?" Now that made me look back at her.

"What do you mean?"

Instead of answering me, she went to the dresser beside my bed and opened the drawer and then took something from there.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon