Chapter 12

10.8K 151 30
                                    

Again, Thanks ng madami sa mga nagbabasa, please continue reading till the end. Sa mga nag vote, comment at nag fan, alam ko di pa kayo ganun kadami pero salamat pa din. Hindi ko ugali mamilit at mangulit kung mag vote kayo or mag fan para mag update uli. Kahit di nyo gawin yun tatapusin ko pa rin syempre yung story na to. Mas masaya di ba kapag kusa kayong boboto or magla-like or magfa-fan hindi dahil pinilit ko kayo kundi dahil nagustuhan nyo ang gawa ko. Pero syempre mas nakaka inspire gawin kung meron magagandang comments di ba? First story ko pa lang ito sa wattpad pero may napasaya na ko. Now I can't wait to post another story which again it had been written years ago at alam ko mas magugustuhan nyo yun kasi mas bumenta yun dati sa mga classmates ko, hahaha! Pero di pa tapos itong KKLL, nasa kalahati pa lang po tayo ng story.

Medyo lilihis muna tayo sa mga bida ha, baka kasi magsawa agad kayo sa kanila. Pero syempre masisingit pa rin sila :p

Introduce ko muna sa inyo ang isa pang couple sa story na ito. Syempre sino pa ba eh di ang mga best friends. Jason and Joanne.

Here goes...

_______________________________________________________________________________

Joanne's POV

"Ateng! May isang matangkad at gwapong nilalang ang gustong magpa interview sa'yo!" humahangos na pumasok sa newsroom office si Chokie, ang baklang Production Assistant ng newsroom. Kilig na kilig ang itsura nito ngayon.

Mukhang kilala ko na kung sino yung matangkad at gwapong nilalang na yun ah.

Saglit kong tiningnan si Chokie mula sa laptop ko. Naglalaro ako ng Fast Find sa Hidden Chronicles sa Facebook kaya di pwedeng mawala mata ko sa screen.

"Hoy, narinig mo ba ako?" pangungulit pa rin ni bakla.

"Shocks! Natalo ako!" sabay pukpok ng palad ko sa table. Kasalanan ni Bakla, na-distract ako.

Tumingin sya sa screen ng laptop ko. "Sus! Kala ko naman kung anong importanteng pinagkaka-abalahan mo dyan."

Tiningnan ko sya ng masama. "Ano bang gusto mo?" tanong ko.

"Ang sabi ko may gustong--"

I cut him off. "May story na ko sa next article ko." sabi ko. Bukod kasi sa pagiging News Anchor ng late night news, nagsusulat din ako sa isang broadsheet. Every Sunday mababasa yung articles ko sa Lifestyle section.

"Eh di sa susunod mong story." Pangungulit pa rin nya. "Once in a lifetime ito Ateng. Minsan lang may guwapong sya pa ang pipilit na interviewhin mo!"

"Nagpapabayad ba yan? Wala pang budget na binibigay sa kin eh. Tsaka bakit hindi sa Sports Editor sya lumapit, di ba Sportsman ang isang yun?" Malakas kong sabi. Bukas yung pintuan ng office at malapit lang sa reception area yung lugar ko kaya kahit di ako nakikita nung matangkad na gwapong nilalang na yun alam kong naririnig nya yung pinagsasabi ko.

"Ay tinanong ko na rin yan Ateng, isang dinner date lang daw pwede na at sya ang magbabayad ng dinner." Natawa ako. Makulit rin itong isang ito. Ume-effort ba.

Actually nung isang gabi pa sya nangungulit nung pagkahatid na pagkahatid nya sa akin sa bahay after ng dinner namin with Elise and Anthony.

Papasok na ako sa bahay matapos kong mag thank you at mag good night. Pero tinawag nya ulit ako bago pa ko makapasok.

"Uhm...Bakit?" tanong ko.

"Uhm, ano...tanong ko lang kung busy ka ba this saturday?" Napataas ang kilay ko. Aba at mukhang may binabalak ah.

Tiningnan ko sya. Kunwari nag isip muna ako. "Ah hindi ko pa alam eh. Lagi naman akong busy. Bakit?"

"Kung ano...kung pwede sana kitang mayaya mag dinner?"  he smiled sheepishly. 

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon