Chapter 20

10.7K 174 35
                                    

Sorry, sorry alam ko bitin na bitin na kayo. Was supposed to do this yesterday pa kaso si Mareng Jessica Sanchez kasi hindi ako tinigilan. Di pa rin ako maka-get over sa kanya, hahaha! Everytime I turn on my laptop kundi sa youtube sa AI website ako pupunta para panoorin/pakinggan yung performance nya. Then kapag pupunta ako dito sa Watty wala akong maisip i-type, hahaha! Ngayon, as I'm typing this, naka salang na si Ryan Adams para gumana utak ko...will be using one of his songs nga pala on this chapter. In case you don't know him and wanted to know, he is the husband of Mandy Moore.  Okay here goes...

_____________________________________________________________________________________

Elise's POV

"Hi."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit sya nandito? Parang tumigil bigla yung heartbeat ko.  Gustong gusto ko syang sugurin ng yakap pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Meron pa naman sigurong kahihiyang natitira sa katawan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" I found myself asking.

"May isosoli lang ako sa'yo" sabi nya. May binigay ba ako sa kanya?

"Ano?"

He smiled meekly. "Hindi mo ba ako papatuluyin muna?" Stupid of me. Pinatuloy ko na sya tapos akmang aalis ako para umakyat pero hinawakan nya yung kamay ko para pigilan ako.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

Agad kong hinila yung kamay ko kasi nararamdaman ko na naman yung kuryente every time na hinahawakan nya yun. I don't think I will be able to stand it.

"Kukuha lang ako ng towel, basang basa ka kasi." paliwanag ko tapos umakyat na ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya.

Pagbaba ko nadatnan ko syang nasa may stereo/CD player. May isinalang syang CD mula dun sa mga collections ko. Medyo mahina lang yung volume nun. Madalas nyang gawin yun kapag pumupunta sya dito sa bahay kaya alam kong music lover sya.  

Inabot ko sa kanya yung towel pero hindi nya kinuha. Nakatitig lang sya sa mukha ko. Kaya naman napilitan na lang akong punasan sya. Yung mga braso nya, yung buhok nya at nang makarating sa mukha nya, muli nyang hinuli yung mga kamay ko.

Lalo ko tuloy naramdaman yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Why are you avoiding me?" biglang tanong nya na nakatitig pa rin sa akin. Hindi ko mabasa yung expression ng mukha nya.

I avoided his gaze. I just looked down. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Alam kong bibigay ako kapag ginawa ko yun.

"I thought it was best if we simply drift away from each other after we end our deal," sabi ko na lang.

"Why?"

Huminga ako ng malalim. "Please, Anthony don't make this hard on me." mahinang sabi ko. Nag-uumpisa na naman mamuo yung luha sa mata ko. I don't want him to see me cry.

"Why?" he asked again.

 "Kasi palagay ko mas mapapadali yun paghihiwalay natin."

Why?" By the time he asked for the third time I knew he was teasing me. His smile was the kind that has sort of a glint in his eyes. Parang may hinuhuli sya mula sa akin. Does he know? Nagiging obvious na ba talaga ako?

Saglit akong tumingin sa kanya tapos agad din iniwas yung mga mata ko. Pero hinawakan nya yung baba ko para i-level yung mukha ko sa mukha nya.

"Did it ever occur to you that I also wanted to end that damn deal?" He asked. Masakit lang. Mas masakit talaga kapag narinig mo kesa sa inisip mo lang.

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon