Banaag Diwa

184 6 0
                                    

#A3Prompt3: Provide Maine's and Alden's stream of consciousness during the worst nightmare they've ever had.



RICHARD

Tahimik
Ang mga silid aralan
Nakakubli
Ang mga yeso
Walang naisulat
Sa pisara
Nakatunganga
Ang mga mag aaral
Tulo laway
Nakakadena
Mga paa
Sa malamig
Na semento
Nakikinig sa guro
Na may talikala
Ang mga bibig
Mga libro'y
Walang ibang mga titik
Kundi bilang
Ng mga bayarin, utang

Sa labas
Nagpuputukan
Mga baril
At bomba
Dugo ang lumalabas
Sa drinking fountain

//

MAINE

Isang umaga
Nasilayan kita
Ang iyong maamong mukha
Ang mga ngiti mo na kay tamis ng pulot
Ang iyong nangungusap na mga mata
Na kay sarap titigan
Lumapit ka sa akin
Nakangiti ka
At tila ba ako lang
Ang iyong nakikita
Papalapit tayo sa isa't isa
Ngunit biglang naglaho
ang iyong mga ngiti
Napalitan ito ng galit
Nilabas mo ang baril
Tinutok mo ito sa akin
Ako ay nagulantang
Kinalabit mo ang gatilyo
Isang malakas na putok
Ng baril ang nadinig
Natumba ako sa harap mo
Ipinikit ko ang aking mga mata
Ang mukha ng lalakeng
Aking minamahal
Ang huli kong nakita
Maglalakbay na ako
Patungo sa walang hanggang
Kadiliman at katahimikan

Oikos: Drabbles Où les histoires vivent. Découvrez maintenant