Muli

89 6 0
                                    

#A3Prompt11: Maine and Alden's Once upon a time started at Happily ever after and their Happily ever after came at Once upon a time. 

"Sadyang kaysarap sa pakiramdam ng may minamahal. Oo, aaminin ko. Sa bawat araw ay nagdudulot ito ng kakaibang saya. Bukod sa aking ama, ay may dalawa pang lalake na mahalaga sa buhay ko: si RICHARD at JAMES. Simula ng mga bata pa lang ay sadyang malapit na kami sa bawat isa. Sabay kaming lumaki at halos 'di mapaghiwalay. Lumipas ang mga taon ay naging kasintahan ko si Richard at 'di kalaunan, kami ay nagpakasal. Napakasaya namin ng araw na 'yun. Tila walang mapagsidlan ang aming kaligayahan. 

Isang araw bago ang pag-alis namin ni Richard papunta sa Italya ay nagyaya na kumain sa labas si James. Napansin ko na malungkot siya. At sinabi niyang hangad niya na kami ay lumigaya. Nang biglang may sumabog sa lugar na aming kinaroroonan. Pinatakbo nila ako palabas ng gusali. Nakalabas naman ako ng ligtas at walang galos. Ngunit may isa pang mas malakas na pagsabog ang naganap. Nanlumo ako sa aking kinatatayuan. Nawala sa isang iglap ang dalawang lalakeng mahalaga sa buhay ko. 

Ilang gabi akong nagtangis at walang tigil na umiyak. Halos hindi na makilala ang katawan niya dahil sa labis na pagkasunog. Nagdesisyon ako na umalis ng ibang bansa upang tuluyang makalimot. Pumunta ako sa bansang Thailand upang magsimula ng bagong buhay. 

Nasa dalampasigan ako ng Phuket ng araw na 'yun. May isang kamay na humawak sa aking balikat. Lumingon ako sabay pahid ng aking mga luha. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Si Richard ay nasa harapan ko. Buhay na buhay. Umiyak kami sa bisig ng bawat isa. Tinanong ko siya kung sino ang bangkay na aming iniyakan. Halos madurog ang puso ko sa kanyang sinabi. Ang bangkay na 'yun pala ay kay James. Pinipilit sana siyang iligtas ni Richard mula sa pagkakaipit sa isang bumagsak na bahagi ng gusali. 

Ngunit sinabi nito sa kanya na mas gugustuhin niyang mamatay na mag isa keysa makita na lumuluha ang babaeng pinakamamahal niya. At ang babaeng 'yun ay ako pala. Niyakap namin ni Richard ang isa't-isa. Nangako na hindi namin sasayangin ang isa pang pagkakataon na ibinigay sa amin ng tadhana. Para sa pagmamahal ni James na isinakripisyo ang kanyang buhay upang kami ay tuluyang lumigaya."

-Nicomaine

Oikos: Drabbles Where stories live. Discover now