Sana

70 4 0
                                    

#A3Prompt15: Maine, Alden, and the way things should have been. 

LIMANG TAON.

Oo. Limang taon na pala ang nakaraan. Sinabi ko sa'yo na hindi ko na maisip ang buhay ko kapag nawala ka pa. Naalala mo ba? Nangako na hindi kita bibitawan at hindi kita sasaktan. Masaya ako sa tuwing kasama ka. Sa bawat araw na nagdaan ay gusto ko lang na nasa tabi kita. Gusto kong makita na maayos ka. Hanggang sa isang araw ay nagpaalam ka. At sinabi mo sa akin na, "TAMA NA!" "SOBRA NA!".

Nakakalito. Naitanong ko nalang sa aking sarili kung ano ba ang nagawa kong mali? Pero ang sagot mo lang sa akin ay, "NASASAKAL KA NA!". Dahil sa paikot ikot na paroon at parito ko sa buhay mo. Malamang...nagsawa ka. Sana binigyan kita ng pagkakataon upang makahinga. Sana hindi lang ang pansarili kong kaligayahan ang inisip ko. Sana pinakinggan kong mabuti ang nilalaman ng puso mo. Sana ay mas naging matapang ako. Sana ay hindi kita ikinulong sa mundong ginagalawan ko.

Sana ay binigyan kita ng kalayaan na mas mapabuti ang pagkatao mo kahit wala ako. Pero, napakaganid ko. Isa akong duwag. Sana ay malaman mo na mahal na mahal pa rin kita. Hanggang ngayon. Walang nagbago. Pero, huli na ang lahat.

Wala ng Ikaw at Ako. Wala na. Wala na.

-RJ

Oikos: Drabbles Where stories live. Discover now