Chapter 5: Nohemi's Plan

347 5 0
  • Věnováno Kenneth Ramillete
                                    

Author's Note:

Marami po salamat sa mga nagbasa at nag-vote, (sana maging ganoon pa rin sa susunod na chapters na gagawin ko) ( '_')

Pero magiging okay po lalo kung magkoko-comment kayo para malaman ko yung feed back niyo. Kung nakukulangan kayo sa emotion or sobra (let me know po)

Salamat rin po sa friends ko na "pinilit" ko magbasa (char) XD

Sana magustuhan niyo po itong bago...

Enjoy! <3

Akihiko’s Side

Gabi na ng dumating kami sa bahay, past 11 na rin natapos iyong reception.

“Saan ang kwarto ko?” tanong sa akin ni Nohemi.

“Dito sa kwarto ko. Dapat lang na magkasama na tayo dahil mag-asawa na tayo.”

“Pwede ba huwag kang magpatawa.” She hissed.

“I’m not kidding Nohemi, dito ka rin sa kwarto ko matutulog. Magtataka ang mga kasambahay kapag iba ang kuwarto mo.”

Normally wala naman talaga akong maid na kasama, twice a week lang kung magpunta dito ang kasambahay pa naming sa bahay kina papa para ipaglaba ako at maglinis ng bahay. Since hindi naman alam ni Nohemi anng house hold chores nagpasya ako na magkaroon ng 2 stay-in na maid sa bahay para hindi na siya mahirapan.

Nainis na naman si Nohemi. Saka nagdabog na parang bata. Pumasok siya sa banyo dala ang gamit pamalit. I sighed. Inayos ko na lang ang gamit niya sa closet.

Nagpalit na rin ako ng damit dahil naiinitan ako sa suot ko.

Lumabas na siya sa banyo. Nilapitan ko siya agad. “Sinta, gusto mo ba pumunta sa Tokyo? May round ticket na binigay sila Mommy at Daddy. Fully paid na expenses at travelling expenses natin.” Saka ko pinakita sa kanya ang ticket na binigay ng parents niya.

“Ayoko. Ilang beses na akong nakapunta diyan.” Saka siya tumalikod at humarap sa salamin.

Nag-prepare na ako para matulog. Naglagay siya ng malaking unan sa pagitan namin.

“Huwag kang magtatangkang lumampas dito, lagot ka sa akin.” Banta niya sa akin.

Natawa ako. “Huwag kang mag-alala di ako gagawa ng bagay na ayaw mo. Gusto ko kusa mong ibibigay sa akin.”

“You wish.”

Natawa ulit ako. Natawa pa ako ng hampasin niya ako. At least pinapansin niya pa rin ako kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin.

“Matulog ka na nga.”

“Yes, Sinta ko.” Nakangiti ako. Sinta ang tawag ko sa kanya dahil wala akong kakilala na tumatawag na ganoon na endearment sa mahal nila sa panahon ngayon.

“Ewan.” Pinatay niya na ang lampshade sa may table side. Hindi ko alam kung nakita niya yung picture naming nung graduation niya.

Sana maging maayos ang lahat. Gagawin ko lahat para ma-in love siya sa akin.

Nohemi’s Side

 Nagising ako na may blue rose na nakapatong sa side table. May note rin na naka – indicate dito.

Sintang Nohemi,

            Sorry huh. Nauna na ako sa’yo, may important meeting kasi kami sa hospital ngayon. Call me if may kailangan ka.                                                      

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat