Chapter 33: Random Thoughts

198 4 0
                                    

Akihiko’s Side

It’s been five days mula ng umalis si Nohemi sa bahay. Alam na nila Mommy at Daddy na wala si Nohemi sa bahay namin. Pinaliwanag ko sa kanila kung bakit siya umalis. They seem to understand me. They felt sorry for me, dahil iniwan ako ng asawa ko.

Ni hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil doon. May ibang colleagues ko na kinuha ang operation ko for that week, dahil imbes na gumaling ang pasyente ay baka lumala pa sa akin.

“Doc Aki, saan po si Ate Ganda? Iyong wife niyo po.” Tanong sa akin ni Myka.

Nandito ako sa ward nila. Naka-stethoscope ako at pinapakinggan ang breathing ni Myka.

“Hmm, nag-vacation siya eh.” Sabi ko. Inalis ko na ang stethoscope ko.

“Ganoon po ba, sigurado po ako, miss niyo na po siya. Huwag na po kayo sad kasi nimi-miss din niya kayo. Babalik po si Ate Ganda” saka siya ngumiti sa akin.

Ginulo ko ang buhok niya saka siya nginitian. I hope.

Lumabas na ako ng ward na iyon saka pumunta sa office. Tinignan ko ang picture namin ni Nohemi sa table ko malapit sa laptop. Kuha naming iyon noong nasa bahay namin. Sa picture na iyon  ay nakatingin ako sa picture habang nakayakap kay Nohemi, nakatagilid naman si Nohemi at nakahalik sa pisngi ko.

Nagulat pa ako ng may magsalita sa harap ko. Si Papa. Nakatingin siya sa akin, tulad ng parents ni Nohemi, worried din ang itsura niya.

“Kanina pa ako kumakatok hindi ka sumasagot.” Sabi ni Papa na umupo sa chair sa harap ko.

“Sorry Pa. May kailangan ka?” sabi ko. Binitiwan ko ang picture namin dalawa.

“You should take a break. Masyado naapektuhan ang trabaho mo ng personal mong buhay. I’m not saying this bilang President at CEO ng Hospital, I’m saying this bilang Papa mo. Take a leave, hanapin mo ang asawa mo. Ayusin mo ang dapat ayusin saka ka bumalik dito. Okay?” he patted my shoulder.

Papa’s right. Hindi ko dapat idamay ang personal kong buhay sa pagtatrabaho ko bilang isang doctor. “I’m sorry Pa and thanks for understanding. I’ll file an indefinite leave.” Sabi ko sa kanya. He nodded.

Nohemi’s Side

Nakaupo ako dito sa buhanginan habang ibinbato ang maliliit na piraso ng bato sa dagat. Hapon na noon kaya hindi masakit sa katawan ang araw. Nandito ako sa resort nila Fritz sa may Palawan.

Tumutol siya ng sabihin ko na kailangan ko ng lugar na pagtataguan para lumayo kay Aki. In-explain ko sa kanya na kailangan kong mag-isip. Sa huli napapayag ko rin siya siya na doon ako mag-stay, sinabihan ko rin siya na ilihim iyon sa friends namin, lalo na kay Aki.

It’s been five days, naiinis ako sa sarili. Ako ang lumayo pero ako rin iyong nasasaktan. Naguguluhan kasi ako.

Alam ko na  naman sa sarili ko na gusto ko si Aki. In fact hindi lang gusto, kundi BONGGANG – BONGGA MAHAL NA MAHAL ko siya.

Iniisip ko iyong mga araw na okay kami, na inalagaan niya ako, na naramdaman ko na special ako sa kanya. Pakiramdam ko hindi ko dapat tanggapin iyon. Mali iyon dahil sobra ko siyang nasaktan noon.

Ni hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa kanya noong sabihin ko na pinasisisihan ko na nagpakasal ako sa kanya. Alam ko na masyadong malaking sugat ang iniwan ko sa puso niya.

Umalis ako hindi dahil galit ako sa kanya. Umalis ako dahil nahihiya akong harapin siya. kasi kahit na nasaktan siya sa mga pinagsasabi ko sa kanya noon. Anong nangyari? Wala, hindi niya ako iniwan. Ni hindi siya umalis sa tabi ko. Inalagaan niya pa ako nung ma-coma ako samantalang kung iba iyon ay hinayaan na ako.

Ni hindi siya umalis sa tabi ko. Iniintindi niya lahat ng kapraningan ko, kahit na nasasaktan siya, okay lang. Ginagawa niya pa rin lahat para hindi ako magalit, para mapasaya ako.

Kaso hindi ko iyon na-appreciate. Kahit anong lapit ang gawin niya sa akin, itinutulak ko siya palayo. Itinulak ko palayo ang tanging lalaki na nagmamahal sa akin ng lubos. Hindi ako deserving na mahalin niya.

Pero ang pinakanakakainis sa lahat. Iyong katotohanan na hindi ko siya kayang makita na may kasamang iba. Iyong magpapangiti sa kanya. Iniisip ko pa lang, parang gusto ko na magwala. Baka nga mapaaway pa ako dahil sa kanya.

Natatakot kasi ako na ngayon alam ko na ang lahat, ay magabago siya sa akin. Inaalagaan niya dahil nga naaksidente ako at siyempre asawa ko siya.

Ni hindi pa nga ako humihingi ng sorry sa ginawa ko sa kanya nung dapat susundan ko siya noon sa Tagaytay. Then that accident happen.

Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin or gawin para sa kanya ngayon nga na naalala ko na ang lahat.

Alam ko na naman na hinahanap na niya ako. Ilang beses na akong nakakatanggap ng tawag at texts sa kanya. He’s saying that he’s sorry for lying to me.

Hindi naman ako galit dahil doon eh. Siya pa nga ang dapat magalit sa akin dahil masyado niyang binababa ang pride niya para lang sa akin. Tingin ko kasi hindi tama na ganoon.

Iniisip ko kung tama ang ginagawa kong ito na lumayo sa kanya. Hanggang ngayon kasi hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya.

Oo. Mahal na mahal ko si Aki. Sobra pa nga.

Bumalik na lang ako sa cottage na tinutuluyan ko.

Hinawakan ko iyong locket na bigay niya sa akin saka ako tumigin sa ring namin dalawa.

Nami-miss ko na siya. Nami-miss ko na si Akihiko. Ang asawa ko.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now