Chapter 35: Broken Promise

243 3 0
                                    

Nohemi’s Side

Nandito ako ngayon sa Tagaytay, sa Picnic Grove. Mas nararamdaman ko kasi na mas makakapag-isip ako ditto kaysa sa resort nila Fritz.

Matagal ko nang tinitignan ang Taal Lake mula dito sa pwesto ko. Napapikit ako habang nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat.

Nanariwa sa akin ang alaala nung naaksidente ako at dinala ako ni Akihiko sa bahay ng mama niya. Dumaan kami rito bago kami umuwi.  

“Halika, dali, ang ganda ng view dito diba?” sabi ko sa kanya.Tumakbo ako malapit sa viewing at saka pumikit.

“Oo nga, maganda.” Tumingin siya sa Taal Lake bago binalik ang tingin sa akin. Lumapit siya sa akin.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko. Napahawak naman ako sa braso niya at inihilig ang ulo ko sa matitipuno niyang dibdib. Naramdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya.

“Paano kung malaman mo na nagsinungaling ako sa’yo. Mapapatawad mo ba ako?” tanong niya sa akin.

Napalingon ako sa kanya, kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at mataman siyang tinitigan.

“Depende.”sagot ko sa kanya.

“Paanong depende?” tanong niya. Nakita ko ang pagbaba-taas ng adam’s apple niya.

“Depende kung anong klaseng pagsisinungaling ang ginawa mo sa akin. Bakit mo natanong?” ikinawit ko ang dalawa kong braso sa batok niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko. Hinalikan niya rin ang buhok ko.

“Sana kung bumalik na ang alaala mo, huwag mo kong iwan ha?” bulong niya sa akin.

“Oo naman, bakit ko naman gagawin iyon? Di ba mas dapat na mag-celebrate tayo dahil bumalik na alaala ko if ever na dumating na tayo doon? Saka hindi kita iiwan.”sagot ko sa kanya.

“Promise?” parang batang tanong niya.

“Promise.” I gave him a smack on the lips. Napangiti naman siya dahil doon.

Nasira ko ang pangako kong iyon sa kanya.

Ngayon na naalala ko na ang lahat, yung dahilan kung bakit ako nagpakasal sa kanya. Yung nag-iisang rason kung bakit kami pinag-u-ugnay ng isang papel.

Naiyak ako dahil doon.

Kasalanan ko ‘to eh. Ang duwag-duwag ko kasi. Ni hindi ko mapanindaigan yung mga bahgay na sinabi ko sa kanya. Sinaktan ko na naman siya.

Bakit ba kasi ang selfish ko? Lagi ko na lang iniisip ang nararamdaman ko? Mas pinapahalagahan ko yung sarili kokaysa kay Aki.

Ibang-iba siya sa akin. Inuuna niya lagi yung pangangailangan ko. Yung kapakanan ko. Iniisip niya muna yung iba bago ang sarili niya.Laging siya ang nagpaparaya sa aming dalawa.

Hanggang sa kaliit-liitang bagay iniitindi niya ako. Kahit na busy na siya, hindi niya ako nakakalimutan bigyan ng atensyon. Ni minsan hindi siya gumawa ng excuses para lang isingit ako sa prayoridad niya.

Siya pa yung nagpapakumbaba sa amin dalawa. Kahit ako na yung mali. Nakakainis. Ang tanga-tanga ko. Palagi na lang ako gumagawa ng dahilan para masaktan siya.

Nagmuni-muni muna ako doon at nagpalipas ng ilang oras.

Nag-decide na ako na umuwi na at balikan siya. Ayoko siyang tawagan. Gusto ko mag-usap kami ng personal. Gusto kong ayusin ang lahat ng gusot sa pagitan namin. Gusto ko by this time hindi na kami magtatago ng anuman na magiging hadlang sa pagsasama namin.

Ako naman ang babawi sa kanya. Ako naman ang magpapakita sa kanya ng pagmamahal ko. Ako naman ang gagawa ng effort para maging ayos ang pagsasama naming bilang mag-asawa.

Sa ganoong isipin, napagpasyahan ko ng umuwi sa hotel na tinutuluyan ko.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now