Chapter 8: Untold Feelings

264 3 0
                                    

Nohemi’s Side

Naabutan ko siyang natutulog sa sofa. Ginising ko na siya.

“Aki, wake up, sa taas ka na matulog.” Tapik ko sa braso niya.

Gumising naman siya, nagulat ako ng yakapin niya ako sa baywang. “Bakit ngayon ka lang?” nagtatampo niyang tanong sa akin.

“Aki pwede ba bitiwan mo ako, pagod ako, ok?” hindi niya ako binitiwan, lalo niya hinigpitan yung yakap sa akin.

“Aki, stop, naiinis na ako.” Binitiwan niya na ako. Nakatayo na kaming pareho.

“I just wanted to know kung bakit ngayon ka lang, hindi mo ba nabasa yung note na iniwan ko kaninang umaga? Nagtext ako sa’yo, tumawag din ako, bakit hindi ka man lang nagre-response?” nanghihingi eksplanasyon niya sa akin.

Nainis ako sa tanong niya dahil parang dapat niya malaman kung saan ako pupunta, kahit pa sabihin na mag-asawa kami, para sa akin ay sa pangalan lang iyon.

“Pwede ba huwag ka nga sumabay. Akihiko I’m too tired for this. Can’t you see that? Please stop asking stupid questions.” Tinalikuran ko na siya.

Hinawakan niya ako sa braso. “So it’s stupid to ask my wife things that I needed to know?” naghihinakit niyang tingin sa akin.

“Ano ba Akihiko! Let go, nasasaktan ako.” Hinila ko ang braso ko sa kanya. Pinakawalan naman niya ito.

“I’m your husband, I have the right to know all the things about you” Tila akusa niya sa akin.

Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko mula sa kanya.

Nagpatuloy pa siya magsalita.

“Nasasaktan din ako Nohemi. Ginagawa ko naman lahat eh. Please tell me, ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Please I’m begging you.” I saw his pain glittering in his eyes.

“Talaga gagawin mo lahat? Lahat? Well then, let me go. Will you please let me out of this relationship that didn’t exist in the first place!” hamon ko sa kanya.

Natulala siya sa akin.

“Anything you ask for, huwag lang iyan. Please give chance to save our marriage Nohemi.”

“Chance? Give chance Aki? Bakit ako ba binigyan mo ng chance to figure things out? Na para malaman ko kung pwede pa? Akihiko, isang gabi lang iyon, pero dahil sa katangahan ko naging ganito na lahat kagulo? I could still enjoy my freedom pero ano itinali mo ko sa isang bagay na walang kasiguraduhan?”

“Nohemi, I’m doing I can naman para i-prove sa’yo na magiging maayos ang lahat di ba? Ginagawa ko naman lahat para magkaroon tayo ng magandang flow. Just please don’t say that. Huwag ka muna sumuko. I love you so much” nanghihinang sabi niya. 

“Nahihirapan na ako Aki. Mahal mo ako di ba? Bakit di mo magawang i-let go ako? Because you’re SELFISH!” mariin kong sabi sa kanya. Eto ang gusto niya di ba? Ang malaman ang gusto ko?

“That’s not true. I only did what I think is right Nohemi. I love you so much. May nangyari sa atin kaya kailangan kitang panagutan. Ako ang unang lalaki sa buhay mo.” Pagtanggi niya.

“Ah, talaga? You just did what is right? You love me? Eh noong panahon ba na iyon, naisip mo ba kung papayag ako na magpasal sa’yo? Yung as in willing ako na hindi sangkot ang kalusugan ni Mommy? Hindi di ba? Iniisip mo kasi ang sarili mo, hindi mo man lang ki-consider ang nararamdaman ko, kaya tayo ngayon NAKATALI sa LETSENG KASAL na ito” isa-isang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Natigilan si Akihiko. Nilapitan niya ako at tinangkang yakapin pero nagpumiglas ako.

“Nohemi, please understand that ----

“Understand what Akihiro?” Nagtangka na naman siyang lumapit sa akin.

“Don’t you dare come close to me. It was a BIG MISTAKE MARRYING YOU. NAGSISISI ako na PUMAYAG ako kina Mommy at Daddy na PAKASALAN ANG TULAD MO.”

Tumakbo ako paakyat sa kuwarto at ni-lock ang pinto.

Umiyak ako ng umiyak sa kama.Iyon naman talaga ang nararamdaman ko kahit noon pa. Pero pakiramdam ko mas bumigat ang loob ko sa mga sinabi ko sa kanya.  

Nakaramdam ako ng pagod at unti-unti akong tinangay ng antok at sakit na nararamdaman ko.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now