Chapter 36: Filled Emptiness

253 3 0
                                    

Akihiko’s Side

Ten days. It’s been ten days mula ng umalis si Nohemi dito sa bahay.

Hindi pa rin ako sumusuko. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya. Ngayon nga ay kakauwi ko lang galing sa ilang high school friends niya.

Pero wala. Walang makapag-sabi sa akin kung nasaan na si Nohemi. Walang makapag-sabi kung nasaan na ang asawa ko.

Pinindot ko ang voice mails na natanggap sa telepono. Halu-halo ang messages na natatanggap ko. Wala ang inaasahan kong marinig. Ang boses na matagal ko nang gustong marinig.

Halos mabaliw na ako sa katahimikan ng buong bahay. Sabado kasi kaya pinag-off ko muna ang dalawa naming kasambahay.

Nararamdaman ko ang pagbigat ng ulo ko. Para akong pinupukpok sa sobrang sakit nito. Wala kasi akong ganang kumain dahil nga sa pag-alis ni Nohemi. Pabago-bago pa ang panahon. Ngayon nga pumasok na ang bagyo na ilang araw ko na narinig na darating sa bansa. Naabutan ako nito at nabasa. Hanggang ngayon ay naririnig ko ang maingay na lagaslas ng tubig na bumabagsak sa lupa.

 Umakyat na ako at dumiretso sa kwarto namin. I changed my clothes and didn’t bother to take a bath. Hindi ko na kasi kaya. Dumiretso na ako sa kama. Humiga ako doon at pumikit. Bumaling ako sa pwesto ni Nohemi at niyakap ang unan na ginagamit niya.

Unti-unti na akong tinangay ng dilim sa sobrang pagod at antok.

Nagising ako ng may maramdaman ako na may nagpupunas ng noo ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at ang init-init ko. Malabo ang nakikita ko pero hugis babae ang nakikita ko.

“Nohemi.” Sabi ko. hinawakan ko ang wrist niya.

Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pagpunas sa akin. Gumawi ang kamay niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya rito. Hinawakan ko ito at dinala sa aking labi.

“Nohemi’s please don’t ever leave me again. Hindi ko kakayanin. Masakit dito.” Sabi ko habang tinuturo ang puso ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa kaliwa kong pisngi. Sabihin na nila na mahina ako. Pero wala eh, si Nohemi ang kahinaan ko. Ang isa sa taong mahal ko. Ang babaeng pinakamamahal ko.

Handa akong isuko ang pride ko. Lunukin lahat ng ito para lang sa kanya. Dahil siya lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng ganito.

Unti-unting nilamon ng dilim ang malay ko. Hindi ko alam kung dahil may-sakit ako o dahil sa mabining paghaplos sa akin ng babaeng iyon. Sa paningin ko kasi si Nohemi ang nakikita ko.

Nohemi, sa katagang iyon ay tuluyan na akong napapikit.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon