Chapter 17: Advice

236 2 0
  • Dedicated to Arra Doinog
                                    

Akihiko’s Side

Tulog na si Nohemi ng yayain kong kausapin sila Mom at Dad.

Pumunta kami sa office ni Dad, iniisip ko kung tama bang sabihin ko ang balak ko sa kanila.

Nasa office na kami ni Daddy, spacious ang office ni Dad, puno ito ng Medical books pero maayos ang pagkakasalansan ng mga ito. May mesa sa front with swivel chair at two seats sa harap nito. Mayroon ding blue na sofa sa gilid na may lampshade sa gilid. May portrait ng Zantilla family sa itaas ng sofa.

“So what’s wrong?” usisa ni Daddy sa akin.

Bumuntung-hininga ako. Kinuwento ko ang nangyari sa amin ni Nohemi that day na mag-away kami bago siya maaksidente, maliban sa last part na nagsisisi siya na pakasalan ako.

Don’t get me wrong hindi ako nagsusumbong, I just felt lost, gusto ko malaman kung tama ba iyong naiisip ko.

“Dad I promise to take care Nohemi for life. But I really don’t know, what now Dad, Mom. I don’t want her to get hurt because of me. Tama siya, Mom, selfish ako dahil pinilit ko siya na magpakasal sa akin. Ginamit ko pa yung night na nangyari sa amin para lang makuha siya. Noong una pa naman ayaw niya sa akin.” Nakuyo kong sabi sa kanila.

“Nahihiya po ako sa inyo, I was too proud to tell you that I can treasure your precious daughter. Pero hindi ko magawa siyang maprotektahan. Nasasaktan siya dahil sa akin. I’m the one who caused her pain. I’m sorry Mom, Dad.” Yumuko ako sa kanila.

“Sumusuko ka na ba?” tanong ni Daddy sa akin.

Napatingin ako kay Dad.

“Anak, we give you our daughter not because of what happened between you two. It’s because we trust you a lot, we can see the love and respect you have for Nohemi everytime you look at her. Na parang siya lang ang taong nakikita mo, na gagawin mo lahat para maprotektahan siya, na hindi mo siya kayang saktan.” Sabat naman ni Mommy.

“Mom I already DID hurt her.”

“No, you didn’t. she’s just too blind to see the only person that could love her. She keep seeking freedom pero hindi naman siya nakakulong eh, siya lang ang mismo nagpapasakit ng loob niya.” Sabi naman ng Dad niya.

“I don’t understand Dad.” Naguguluhan kong tanong.

“The point is, mahal mo siya right? Patunayan mo sa kanya iyon. Isang pag-aaway lang iyon ng mag-asawa. Huwag mo isuko ang nararamdaman mo dahil lang iyon ang gusto niyang mangyari. I’m not telling you to be selfish, I’m telling you to FIGHT for your love. Hindi na siya yung dating Nohemi na tinitigan mo sa malayuan, ASAWA mo na siya. Please do everything you can to make her fall in love with you.” Mahabang sabi ni Daddy.

Tama si Dad hindi dapat ako sumuko agad. Kailangan kong ipaglaban si Nohemi, kailangan kong patunayan sa kanya na mahal ko siya para mawala sa isip niya na sumuko sa relasyon namin.

“Thank you Dad, Mom for enlightening me. Pero bakit niyo gusto pa namin ituloy ang relasyon namin ni Nohemi kahit na ayaw sa akin ng anak niyo?”

Nagkatinginan sila at ngumiti. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko, “Anak kami ng Daddy mo, hindi normal ang love story namin, mas mahirap pa nga yung relasyon namin dahil FIXED MARRIAGE kami. Hindi namin kilala ang isa’t-isa, and yet our parents forced us to marry each other.”

“Muntik na rin kami maghiwalay ng Mommy mo dahil sa differences namin pero, look at us, were still married for 30 years.”dagdag ni Dad.

I’m shock hearing this. Ganoon pala ang love story nila Mom at Dad.

Tinapik ako ni Dad sa balikat. “I know that you two can do it. Naniniwala ako na kaya niyo. Na malalagpasan niyo ito.”

“Thanks Dad, Mom for listening to me and giving me advice” niyakap ako ng mag-asawang Zantilla.

Gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya ko, pero naroon pa rin sa puso ko ang lungkot at sakit dulot ng sinabi ni Nohemi na pinagsisisihan niya na nagpakasal siya sa akin. Sana mabago iyon bago bumalik na ang alaala niya.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now