Chapter 18: Lies

256 3 0
  • Dedicated kay Meannie Moralde
                                    

Nohemi’s Side

Unti-unti ko na akong nakakakilos  ng walang tulong ng iba. Ang sarap sa feeling na nakakalakad ulit ako mag-isa. Siyempre dala ko pa rin ang saklay ko.  

Nandito ako sa park sa may Dream House Villa malapit sa bahay namin. Naiinip na kasi ako sa bahay, may trabaho kasi silang lahat, habang nakatunganga lang ako doon. Nagpaalam ako sa kasambahay na maglakad mag-isa kahit pa pinigilan nila ako ay syempre nasunod pa rin ako.

Nakaupo ako sa bench habang tinitignan ang mga batang naglalaro ng habulan sa harap ko. Natatakpan ng puno ang inuupuan ko kaya malamig ang paligid.  Iyong ibang bata naman ay nasa swing, ang iba ay nasa monkey bar habang ang mga magulang at yaya nila ay nagtsistsimisan na nakaupo sa bench na naroroon.

Tumingin ako sa kaliwang side ko, nakita ko na may nakalatag na parang kumot sa damuhan, may picnic basket habang nandoon ang isang pamilya. Larawan sila ng masayang pamilya. Napangiti ako dahil doon.

Nalaman ko nung naghahalungkat ako ng gamit ko sa kwarto na may talent pala ako sa ganito. Kumpleto ako sa gamit, may iba’t-ibang lapis doon, may pastel rin, at iba’t-ibang kulay.

Unti-unti ko rin natutuklasan ang mga bagay na may kinalaman sa akin, na favorite color ko ay blue, na hindi ko mahilig sa kahit anong food na may strawberry, na mahilig akong manuod ng  romantic-comedy at action films. Nangongolekta rin ako ng cd’s ng N’SYNC, Westlife, Boyzone, Stephen Speaks at kung anu-ano pang cd.

Nakita ko rin ang mga album sa bahay. Unti-unti nagiging pamilyar sa akin ang mga taong nasa larawan dahil natatandaan kong binisita nila ako sa ospital. Nakita ko rin ang pictures nung ikinasal kami ni Aki. Hindi ako nakangiti, parang serious ako sa lahat ng pictures ko doon. Tinanong ko si Mommy doon pero isinagot niya lang na hindi ako mahilig sa picture.

Ganoon ba iyon? Kapag hindi mahilig sa picture hindi na nakangiti? Eh di ba kasal ko iyon, so dapat masaya ako kasi nagpakasal ako sa taong mahal ko?

Naguguluhan talaga ako sa kanilang tatlo including Papa na dumalaw once sa bahay namin, tinanong ko kasi sa kanya kung nagamit ba namin ni Aki yung ticket na bigay nila Daddy sa amin na pang- honey moon. Sinabi na lang niya na pareho kami busy kaya di kami natuloy.

Pwede ba iyon? Nagpakasal kami pero pareho kaming busy kaya walang honeymoon? Isa pang ipinatataka ko kung bakit hindi naming ginagawa ang bagay na “iyon”, hindi naman sa pervert ako pero di ba ganoon naman kapag mag-asawa?

I asked Aki about that kahit alam kong nangamatis na iyong mukha ko sa sobrang pula. Natigilan siya. He just stared at me. Sinagot niya lang ako na, “Hindi ka fully healed. You should take a rest okay.” Then kissed me in my forehead.

Isa pa iyon sa kinakaasar ko sa kanya, hindi niya ako hinahalikan sa lips! Samantalang sa nabasa ko sa books sa shelves at sa pinapanood kong movies, laging hinahalikan nung guy yung girl dahil mahal niya ito. Bad breath ba ako?

Minsan naman naiisip ko na may iba na siyang gusto kaya ganoon, na baka ipinagpalit na niya ako, pero wala naman akong nararamdaman na ganoon. In fact, feeling prinsesa ako sa kanya dahil alagang-alaga niya ako. Eh bakit siya umaarte ng ganoon? Reserved siya pagdating sa akin. Haay! Ewan.

Iwinaglit ko na lang sa aking isipan iyong mga ganoon at baka malungkot lang ako. Dala ko ang isang bag ay nilabas ko ang sketch pad at nagsimula mag-drawing.

Nag-focus ako sa pamilyang iyon na natatanaw ko at may sariling isip ang aking kamay na gumuhit. Ilang minuto pa at natapos din ako sa ginagawa, kinukulayan ko na ito ng may tumabi sa bench na inuupuan ko. napalingon ako dahil nakuha noon ang atensyon ko.

“Nandito ka lang pala, anong dinu-drawing mo?” Si Akihiko pala iyon. Tinignan niya ang drawing ko.

Sa ginawa niyang pagtingin ay naamoy ko tuloy siya. Ang bango naman ng asawa ko, isip ko. Nagulat pa ako ng tumingin siya sa akin, nag-iwas ako ng tingin. Ano ba naman itong naiisip ko.

Tumingin siya banda sa pamilya ng iginuhit ko kanina, paalis na sila.

“Hmm, magaling ka talaga diyan. Talented pala itong misis ko eh.” Saka niya ako hinalikan sa noo, parang nagulat din siya sa ginawa niya. “Sorry, nabigla lang ako.” sabi niya saka umusog ng konti palayo sa akin.

HA? Ano iyon? Bakit siya nag-so-sorry sa akin? Dahil ba hinalikan niya ako? Eh, ano naman? Asawa naman niya ako at may karapatan siya sa akin. Magtatanong na sana ako ng unahan niya akong magsalita.

“Nohemi, nagdala ako ng favorite mo, Double Dutch.” Saka niya itinaas ang plastic na hawak niya sa akin na may laman na ice cream sa loob.

“Naiinip ka na ba sa bahay niyo? Gusto mo na ba bumalik sa bahay natin?” tanong niya sa akin. Binuksan niya iyong isang pint na para sa akin at kumuha ng plastic spoon at saka inaabot sa akin.

Isinubo ko naman iyong isa. SARAP! Napaisip ako sa sinabi niya. BAHAY NAMIN. Hmm, na-curious tuloy ako, hindi kasi pala-kwento itong irog kong pogi eh.

“Okay.”tipid kong sagot. Saka kumain ulit.

“Okay na naiinip ka or okay na gusto mo na bumalik na tayo?” tanong niya sa akin. Binuksan niya rin ang kanya, cookies and cream ang flavor ng kanya. Saka kumain, naiinggit ako sana ako na lang iyong spoon. Hay ano ba naiisip ko?

“Okay na bumalik na tayo sa bahay natin. Kelan tayo babalik doon?” Pinunasan niya ang natirang ice cream sa gilid ng lips ko gamit iyong left thumb niya. Ang init ng kamay niya.

“Hmm, gusto mo ba next week na?”     

“Sure. Aki, gusto ko sana kapag magkasama tayo, may tawagan tayo. Wala ba tayong ganoon?” sabay subo ng ice cream.

Napatingin siya sa akin. “Meron. Tinawag kitang “sinta” dati kaso sabi mo baduy kaya hindi na kita tinatawag ng ganoon in public.”

“Talaga? Ang mean ko naman pala dati. Gusto ko iyon na itatawag mo sa akin, tapos tatawagin kitang “irog ko”, okay ba iyon sa iyo?”

“Are you serious? Of course okay sa akin, kaso baka kapag bumalik na iyong alaala mo, magalit ka uli sa akin.” Napahawak siya sa bibig niya.

Napatanga ako sa kanya.

“What do you mean by that? Why would I be mad? Please be honest with me. Ano bang nanyari sa atin dati?” Tanong ko sa kanya.

Binitiwan niya iyong ice cream na kinakain niya. Tumahimik muna siya, huminga ng malalim bago siya nagsalita,

“The truth is we don’t get along. You don’t like me at all dahil tingin mo sa akin inaagaw ko ang atensyon ng parents mo. You keep doing things na hindi ka muna nag-iisip. But believe me, you weren’t that bad. But one day, you realize that I’m not bad at all, so nung niligawan kita, sinagot mo ‘ko, siguro that time naisip mo na hindi naman pala ako ganoon kasama, eventually naramdaman mo na mahal mo ako kaya tayo kasal ngayon.” Iniwas niya ang tingin niya sa akin after mag-explain.

Hmm, so ganoon pala ang story namin. Eh bakit feeling ko may mali, parang may itinatago siya sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako.

“I see. Ako naman pala ang may kasalanan sa iyo eh. Sorry ha, sa kamalditahan ko sa iyo dati. Saka tapos na iyon, siguro maganda kung may iba ng chapter iyong story natin, right?” Saka ko siya sinubuan, nakatingin lang siya sa akin.

“Ayaw mo?” umiling siya saka kinain iyong ice cream.

Napangiti naman ako.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon