Chapter 24: Missed Chance

222 4 0
                                    

Nohemi's Side

I can't keep smiling. Feeling ko nag-improve kami. It's like taking one step to make our relationship going on.

Almost a month mula ng mangyari "iyon". We keep doing "it". Like we can't get enough of each other. Mas ramdam ko siya ngayon. Napapalapit na ako sa asawa ko. J

Fully healed na ang binti ko, nakakalakad at nakakatakbo na ako. Sa WAKAS!

Nakakapasok na rin ako sa The Freaks. Pa-unti -unti pa rin dahil pinag-aaralan ko ang system doon, ang employees, at customers. Medyo nasasanay na rin ako. May isa pa akong hindi nakikilala doon. Si Keys. Nasa Vancouver kasi siya kasama ang asawa niya iyon ang kwento sa akin ng iba naming friends, wala kaming contact sa isa't-isa dahil nagpapagaling ako noong tumatawag sa kanila si Keys para kamustahin ako.

"Mukhang masaya kayo Ma'am Nohemi. Sigurado po akong masarap iyang niluluto niyo." Ngiting bati sa akin Mabeth.

Kasalukuyang nasa kusina ako at nagluluto. Tinutulungan naman nila ako para mag-prepare. Madami ako inihandang food. Magpapakain kasi ako ng buong hospital. Joke! Dadalhan ko kasi ng lunch si Irog Aki sa hospital. Naisipan ko rin bigyan ang mga colleagues niya. Surprise ko iyon sa kanya. >_<

"Dapat lang, kay Sir Aki yata iyang luto ni Ma'am." Sabat naman ni Tessa.

Nginitian ko silang dalawa.

Natapos na akong magluto. Nag-ayos na ako at namili ng damit na susootin. Naisip kong mag-dress kay iyong tube dress na black ang napili kong suotin, nagpatong na lang ako ng cardigan since hospital iyong pupuntahan ko. nag-sandals, saka nag- make up ng manipis. Perfect, ngiti kong isip sa salamin.

Nagpaalam na ako sa kanila, dala ang luto ko ay nag-drive na ako papunta sa hospital.

Akihiko's Side

"Doc Aki! Doc Aki! May naghahanap po sa inyo." Sabi sa akin ni Myka. May ininguso siya sa akin, si Myka ay isang batang may leukemia. Nasa ward kasi nila ako at nakikipaglaro. Naroroon rin ang mga magulang nila at ilang nurses na pinapanuod kami.

Lumingon naman ako sa itinuro niya. Nakita ko roon si Nohemi, nakangiti siyang kumaway sa akin. Nilapitan ko siya agad.

"Hi! Nakakaistorbo ba ako?" bati niya sa akin.

"No. What brought you here?" tanong ko sa kanya.

Itinaas niya ang dala niyang bag. "Lunch. Binigyan ko na iyong mga collegues mo kanina. Dinalhan ko na rin sina Mommy at Daddy. Pupuntahan ko sana si Papa, kaso may seminar daw siya."

"Really? Ang sweet mo naman Mrs. Coquillo." I pecked a kiss on her lips.

"Uuuy, si Doc Aki niki-kiss yung magandang girl." Narinig kong sabi ni Myka.

"Anu ka ba? Iyan yung girlfriend ni Doc Aki." saway ni Rupert.

"Mali, husband niya si Ate Ganda. Kasi may ring sila parehas. Di ba kapag may-asawa may ganoon?" Sabi nung isang bata.

"Hindi, wife iyon. Kasi babae si Ate Ganda kaya wife." Pagtatama nung isang bata.

Nakita kong namula naman si Nohemi. She's really adorable.

"Tama na iyan kids. Aalis na kami ni Ate Ganda niyo." Sabi ko sa kanila saka ko inakay palabas si Nohemi. Kumaway kami sa kanila saka naglakad.

Dumiretso kami sa office saka kinain ang dala niyang lunch. Marunong na pala siyang magluto. Sarap! J

I look at her intently. Ngumiti siya sa akin. Nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ganoon kalakas ang epekto niya sa akin. God! I love this woman. I'm really lucky to have her.

"Anong naisipan mo at nagdala ka ng food dito?" inalis ko ang kanin sa gilid ng labi niya.

Bago siya sumagot we heard someone knock. "Doc Aki eto na po iyong ice cream na pinabibili niyo." Binuksan ko iyon at nagpasalamat kay Manong Jack na isa namin guard sa hospital.

"Wow, ice cream, double dutch ba iyan?" excited niyang tanong na parang bata.

Inilayo ko sa kanya ang plastic na hawak ko at dahil mas matangkad ako sa kanya ay hindi niya ito maabot.

Napalabi siya sa akin. Natawa naman ako. Cute, I thought. "So ano ng sagot mo sa akin kanina?"

Nag-isip siya kunwari. "Hmm, Ah! Gusto ko lang dalhan si Mr. Akihiko Coquillo iyong asawa kong guwapo as in super ng food. Bakit masama ba?" she refer me as third person.

"I bet masaya si Akihiko dahil ang thoughtful ng asawa niya na si Ate Ganda." Sakay ko sa kanya. Binuksan ko na ang pint at kumuha ng spoon at inabot sa kanya.

Sinubuan niya ako na kinain ko naman agad. "I'm so happy. Kasi nagiging okay tayo." sabi niya.

Nakungunot noo akong tumingin sa kanya. "Okay naman tayo ah."

"Yes we are. Kaso feeling ko dati, malayo ka sa akin. But, mas naging okay tayo since that time na pumunta tayo sa death anniversary ng Mama mo, then ahm err after that "happened"." Namumula ang mukha niyang yumuko habang kumakain.

Ah, I see that "time". I really did think na mas naging strong kami after that "happened". Iyon rin pala ang iniisip niya. Napangiti ako dahil doon.

"I thought na dapat na maging honest tayo sa isa't-isa para mas maging strong ang relationship natin." Patuloy niya.

Tama si Nohemi. Dapat akong maging honest sa kanya. I must tell the truth siguro naman maiintindihan niya ako.

"Nohemi I have something to tell you." I said.

"Hmm. What is it?" she asked

"Ano kasi eh. Ahm, Nohemi---."

Then we heard a knocked on the door. "Doc Aki, emergency po, kailangan po kayo operating room." I groaned.

Saka ko na lang sasabihin sa kanya. Tumingin ako sa kanya kung okay lang ba na umalis ako. She nodded. "Aalis na rin ako mukhang busy ka today. Ako na mag-aayos nito. Hurry up." She kissed me. Then pushed me to the door.

I sighed at that thought.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now