Chapter 27: The Other Side of Aki

225 3 0
                                    

Nohemi’s Side

Thirty-one to twenty-nine. Dalawang puntos ang lamang sa amin nila Jager.

Asar, talo kami. Sila na magaling. >_<

Nakakainis ganito pala yung feeling kapag natatalo sa isang game. Tinuruan lang kasi ako ng mga kapatid ni Aki. Actually yung mga basic lang. Pero dahil na-gets ko agad, nagkayayaan kami na maglaro na ng game.

Nakakapagod. Pero masaya. Mostly ng puntos namin, si Alfieri ang gumawa suporta lang ako. Pero feeling ko nga pinagbibigyan ako ng dalawang kalaban namin. Siyempre babae ako kaya kapag ako na nakakakuha ng bola, hindi nila ako binabalya. Subukan lang nila kundi lagot sila kay Aki my loves, my Irog ko. ^_^

Nasaan na nga ba iyon?

“Mukhang pinahirapan niyo ang misis ko ah.” Nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. Si Aki.

“Hindi naman kuya, mukhang nag-enjoy naman si Ate Noms eh.” Sabi ni Reilly.

“Hindi kaya, iyang dalawang ‘yan salbahe. Madaya. Dapat shoot yung huling tira ni Alfieri eh. Kaso pinatid niyan si Reilly eh.” Sumbong ko kay Aki.

“Oy, kayo ha, nagkakasakitan pala kayo diyan ha. Mamaya niyan magkapikunan kayo.” Sabi ni Aki sa kapatid niya.

“Eto si Ate, iyan tuloy napagalitan ako ni kuya.” Kunwaring inis na sabi ni Reilly.

“Eh kasi bad po iyon. Okay lang na gawin mo lahat para manalo huwag lang manakit. Mas maganda na pinaghihirapan mo iyong bagay na iyon para mas masarap sa feeling na panalo ka.” Sabi ko naman sa kanya.

“Opo.” Wika nilang magkakapatid.

“Ah, ganun, inaasar niyo ko ha, kayong magkakapatid kayo, pasaway kayo.” Lumapit ako sa gripo na may nakakabit na hose. Binuksan ko ito at saka sila binasa.

Nagtakbuhan naman sila palayo sa akin.

“Ate huwag, mababasa kami.” Tawa ng tawa si Jager.

“Hello, iyon nga po iyong point eh. Saka dapat lang iyan amoy pawis na kayo. Tutal nakapagpahinga na naman kayo eh. ‘Yan maligo kayo.” Sabay buhos ko sa kanila. Hinahabol ko pa rin sila.

“Good mor-.” Aksidenteng naitapat ko iyong hose sa kadarating pa lang na lalaki. Basang-basa ang suot niya. Mula t-shirt hanggang shorts niya.

“Hala, lagot ka Ate Nohemi. Binasa mo si Kuya Jian, nakakatakot pa naman magalit iyan.” Pananakot sa akin ni Reilly.

Natakot din ako ng konti. Dahil si Jian na lang ang di ko pa nakikita mula ng maaksidente ako. Ngayon ko pa lang nakita si Jian, kaya wala akong idea kung ano itsura niya. Madalas na yung tatlo lang ang dumadalaw sa akin sa hospital at si Papa.

“Hi, ikaw pala si Jian. Sorry di kita napansin. Sorry nabasa kita.”

“Jian, it’s not her fault, so ple-.” Pagtatanggol ni Aki sa akin na pinatahimik naman ni Jian.

“No it’s okay kuya. Wala ka naman kinalaman dito eh. You. Binasa mo ‘ko. I think I want to have my revenge.” Saka niya kinuha yung hose na hawak ko at binasa ako.

Tumili naman ako habang tumatakbo palayo sa kanila. Hinila ko si Aki, bilang shield pero parang nagkaisa silang magkakapatid na ako ang target. Kaya kahit saan ako mapadpad, lumalayo sila sa akin.

Tawa kami ng tawa habang tumatakbo.

Ganito pala yung feeling na may kapatid. Ang saya lang. Hindi ko alam dahil nag-iisa akong anak nila Mom at Dad. Kakaiba pala yung feeling.

Napatingin ako kay Aki. Masayang binuhat niya si Jager na binasa naman ni Alfieri. Habang hinahabol naman ni Jian si Reilly.

Mahal na mahal siya ng mga kapatid niya. Halata rin na nirerespeto nila ang kuya nila. Kakaibang closeness ang nakikita ko sa kanila.

Nakaramdam ako ng konting inggit na hindi ko man lang nakita o nakasama man lang si Aki nung bata pa siya. Kahit may kwento siya sa akin nung nakilala niya ako. Nahiling ko na sana nakita ko itong side na ito ni Aki. Yung pagiging kuya niya sa mga kapatid niya. J

Napansin naman ako agad ni Aki. Agad niya akong nilapitan. Hinawakan niya ang psingi ko at nag-aalalang tumingin sa akin.

“Are you okay? Are you tired? Gutom ka na ba?”

Sino ba naman babaeng hindi kikiligin dito sa mamang ‘to? Matalino na, guwapo,  mabait super CARING pa.

“I’m fine. But to answer your third question, opo, nagugutom na ‘ko. Nakaka-drain palang maglaro ng basketball.” Sabi ko sa kanya.

“Okay, we’ll eat pero maligo muna tayo ha. Lalo ka na pinagpawisan ka then nabasa ka.”

Inakbayan niya ako at nagpaalam sa mga kapatid niya.

“Guys, we’ll go ahead. Nagugutom na kasi si Nohemi. Kayo rin, maligo muna kayo bago kumain para di kayo magkasakit.” After saying that, umakyat na kami sa kwarto ni Aki.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now