Chapter 21: The Picture

216 4 0
                                    

 Author's Note

Ngayon lang nakapag -update...

Hmm, ngayon ko lang napansin na I keep writing "AKIHIRO" instead of "AKIHIKO". Saka yung "ZANTILLAN" na dapat "ZANTILLA" lang... Nag major - Edit tuloy ako para di kayo maguluhan...

Ah, oo nga pala mayron na po akong story na nalagay kay JIAN which is kapatid na sumunod kay Akihiko... So please read it after niyo mabasa yung update dito, please...

Don't worry hindi ko hahayaan na di matapos ang kwento nila Akihiko at Nohemi...

Nohemi’s Side

Ang sakit ng ulo ko. Bakit ganoon ang naalala ko? Pakiramdam ko kakaiba iyon dahil that time naiiinis ako kay Aki at sa mismong presensiya niya.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama, si Aki tapos na pala siya.

“Problem?” nag-aalalang tingin niya sa akin.

Napatingin ako sa picture na hawak ko. “Naalala ko ito. Naalala ko nung kinunan ito ni Mom. Sorry, I didn’t even smile that day.” Sabi ko sa kanya.

“It’s okay. Hmm, that’s good, may improvement pala kahit paano. You remember special moments in your life little by little.” Saka niya hinawakan iyong kamay ko.

Ibinaba ko na ang picture saka humiga. Ganoon rin siya, I heard him sighed. Nakaharap siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at saka tumabi, niyakap ko siya, ikinulong naman niya ako sa bisig niya.

“Why do you like that picture?” tanong ko sa kanya. I caressed his hair. It’s soft, alun-alon kasi ito. Hindi kasi ugali ng asawa ko maglagay ng gel. Mas gusto ko rin na ganoon dahil guwapo siya saan man tignan.

He kissed my right eye. “I liked it because it’s you and me in the picture.”

“Not that. Ni hindi nga ako nakangiti doon eh.” Pinadaan ko yung fingers ko sa mukha niya, lalo na sa pisngi niya. Ang lambot.

He captured my hands ang placed it in his lips ang kissed it. “Hmm, kasi cute ka kapag nakasimangot ka.”

“Ewan, binobola mo naman ako eh.” Kinuha ko yung kamay ko sa kanya.

He laughed. “No it’s true, I really like it dahil doon. Isa pa iyan yung mahalagang memory mo para sa akin. Ang sabi mo kasi sa akin noon tatalunin mo ko dahil nga I always caught your parents attention especially your Dad. Pinatunayan mo naman iyon nung grumadweyt ka.” He hold my hand again.

“Hmp, paano kita matatalo eh, genius ka, doctor ka na, may degree ka pa ng Business Administration, nalaman ko rin kay Mommy na summa cum laude ka nung grumadweyt ka, paano naman kita nahigitan noon?” nakalabi kong sabi.

 “Hindi mo man ako natalo academically, I lose in you when it comes to confidence and being sociable. You see, hindi ako sanay sa crowd, mas gusto ko na nasa sulok dahil naiilang ako sa mga tao.” He pinched my nose.

“Really? Pero di ba na-feature ka sa magazine? Lumabas ka rin daw sa television nung i-interview ka doon sa pagtulong mo sa isang scientist doon sa experiment na ginagawa niyo dati.”  Si Aki my irog, insecure? Hmm, gusto ko ‘to. Haha.  >_< Ang mean ko, totoo naman kasi na kapag may kasama kang genius lagi na lang maliitan ka sa sarili mo. Iyon ang nararamdaman ko minsan.

He caressed my hair. “Yup. Pero napilitan lang ako doon bilang representative noong ginagawa iyong experiement. Iyong sa magazine naman, ay dahil na rin sa suggestion ni Papa para ma-promote iyong hospital. You know marketing. But I’m not really into it. I don’t like being the center of attraction. Doon mo ako talong-talo especially when you do the speech nung nagkasakit iyong summa cum laude niyo noon. I thought that you were awesome that day.” Then he winked at me.

Nyemas! Kinilig ako doon. Hinahangaan pala ako ng asawa ko. Hehe. Ako na.  >///<

We keep talking that night until we both fell asleep. He still hugging me. I feel loved. Putek parang facebook lang ang feeling!!!

Morning that time, ng maramdaman ko na wala na akong katabi. O_O

Nasaan si Irog ko? Napatingin ako sa side table, nakakita ako ng note na naroroon at blue stemmed- rose. Inamoy ko ito at napangiti saka ko binuksan ang note:

Sintang Nohemi,

            Good morning to the most beautiful person I’ve met.

I had to leave early because I have an appointment to attend to.

 Prepare for this night for me, I’ll pick you up at 3 pm. Wear something casual and pick some clothes. This is a special day for me.

Love you so much.

                                                                                                                       Yours Irog Aki

Hmm? Special day ngayon sa kanya? Anong mayroon this day?

Nagpasya ako bumaba. As usual tila iniiwasan ako ng mga kasambahay namin. Lumapit ako sa kanilang dalawa.

“May problema ba kayo sa akin?” bungad ko sa kanila.

“Wala po Ma’am.” Saka sila nagmamadaling lumayo.

“Wait, bumalik kayo.” Naglalakad na ako pero mabagal, hindi ako makatakbo dahil nahihirapan ako pero kaya ko na maglakad.

Bumalik naman sila. “Tell me what happened between us. Ano ba ginawa ko kasi mukhang takot kayo sa akin?” nagtinginan naman silang dalawa. Hindi sila sumasagot parang tinitimbang pa nila kung dapat bang sabihin sa akin.

“Hindi ako magagalit.” Sinserong tingin ko sa kanila.

Ikinuwento naman nila sa akin ang mga kamalditahang ginawa ko. Hindi lang sa kanila kundi iyong ginagawa ko “daw” kay Aki dati.

Nabigla ako masyado sa natuklasan ko. hindi ko akalain na ganoon ako kasama. Humingi naman ako ng sorry sa kanila, lalo na kay Tessa. Mukhang tinanggap naman nila iyon at masaya silang nakikipagkwentuhan sa akin.

Nakakagaan ng feeling kapag nalaman mo na wala ng galit sa iyo.

Ngayon ay si Aki naman ang dapat kong suyuin. I should please him dahil lagi kop ala siyang inaaway at nasasaktan. Kahit ganoon ay hindi niya ako iniiwan. I feel lucky dahil siya ang naging asawa ko dahil pinagbibigyan niya ang mga tantrums ko.

Tumawag ako sa mga friends ko upang kamustahin ang business.

Four times kasi ay dinalaw namin ni Aki ang main branch at ibang branch ng The Freaks. Madami ang kumakain at pumupunta dito. Pinuri pa ako ni Aki na magaling ako sa pagma-manage. Nilapitan naman ako agad ng mga friends ko, employees at pati nang loyal customers namin at kinamusta ako. 

Maayos naman ang lahat sabi ni Kirsten sa akin. Tinanong niya rin ako kung okay na ba ako at nagtsikahan pa kami. Gusto kasi ni Aki ay fully recovered na ako bago ako bumalik sa pagta-trabaho. Iyon rin naman gusto ko.

Dumaan ang araw at sumapit na ang pinakahihintay ko. Naligo na ako, nag-empake na ako ng konting damit, nag-ayos at hinintay si Aki.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now