Chapter 13: What?!!!

267 2 0
  • Zadedykowane Chi Verzosa
                                    

 Author's Note

Hmm, sorry po kung ngayon lang ulit nakapag-post ng bagong chapter, sobrang dami kasing ginagawa... (' -_-)

Anyway, ahm paki-basa na lang po... >_<

Tapos ko na po itong story na ito kaso hindi ko pa nai-edit yung ending... >///< (Sorry talaga...)

Iniisip ko na po yung plot nung sa kapatid ni Akihiro na si Jian...

For now ituloy natin ang kwento nila Aki at Nohemi...

Anong drama na naman kaya ito? (haha, >_< )

Akihiko’s side  

Nakahawak ako sa kamay ni Nohemi. Nasa private room kami ng hospital. Wala pa rin siyang malay ngayon. Tsinek ko ang pulso niya. Still weak sa isip ko. Nakaupo ako sa isang stool na naroon na malapit sa hinihigaan ni Nohemi.

Isang linggo na ang nakakaraan since nung accident ni Nohemi. Nagsisimula ng mawala ang pasa niya sa binti at braso niya, may sugat pa rin siya sa noo niya na natahi naman nung bumuka. Naka-cast din ang kaliwang binti niya matapos maipit ng truck nung nagmamaneho siya.

Nabalitaan ko kay papa na nabayaran na ng may-ari ng truck ang damages sa lahat ng nasaktan sa aksidente including ng sariling driver nito. Nakauwi na rin ang karamihan sa aksidente.

After malaman ni Daddy ang nangyari kay Nohemi, nagpalipas muna siya ng ilang araw bago sabihin kay Mommy. Nakauwi na rin sila nung nakaraang araw ditto sa Pilipinas, agad silang dumiretso hospital para dalawin si Nohemi. Pinauwi ko na rin sila kanina dahil iniiwasan naming na ma-stress si Mommy, sinamahan na rin siya ni Daddy knowing na ako naman ang magbabantay sa asawa ko.

Araw-araw akong nandito sa hospital, dumadaan din ako dito kapag nag-ra-rounds ako. After kong mag-duty ay doon na ako tumutuloy. Dito na rin ako natutulog, nagpapakuha na lang ako ng gamit sa kasambahay para kumuha ng gamit namin. Kumpleto naman ang vicinities ng room ni Nohemi, privilege rin iyon since daughter-in-law siya ni Papa. Ako na rin ang nag-aayos at nagpapalit ng damit niya, minsan naman si Mommy.

Pumunta na rin ang friends niya at sila na rin ang nagsabi sa akin na sila na muna ang bahala sa pagbabantay sa business nilang magkakaibigan at kahit pa magising ito. Nagpasalamat naman ako sa kanila. Dumalaw rin ang mga kapatid ko except Jian na nasa China pa, however na-inform ko naman siya sa nangyari nang tumawag siya sa akin, he promised na dadalawin niya si Nohemi kapag bumalik siya. Lagi naman dumadaan sina Papa at Kallias para kamustahin ang asawa ko pati na rin ako.

Tapos na ang duty ko noon, agad akong pumunta sa room ni Nohemi at tinabihan siya sa kama. Umupo ako sa stool na bakante.

“Sinta, please wake up soon. Everybody’s waiting for you to come back. We miss you a lot. I miss you much Nohemi, I need you. Please don’t give up yet. I love you.” Kausap ko sa kanya habang hawak ang kamay niya. Hinalikan ko ito.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz