Chapter 31: Revelation

216 2 0
                                    

Nohemi’s Side

Going smooth na ang flow ng relationship namin ni Akihiko. >_<

I’m here sa mall, sa SM Supermarket, namimili kasi ako ng food to celebrate our eight months anniversary mula ng ikasal kami. Parehong umalis sila Mabeth at Tessa; dahil si Mabeth ay namatay ang nanay samantalang si Tessa ay dinalaw ang tatay na nagkasakit. Hindi man sila sabay ay aabutin sila ng isang linggo bago bumalik.

Tinext ko siya na maaga umuwi. Nag-reply naman siya agad.

“Sorry Sinta, may operation kasi kami baka hindi ako makauwi agad. I promise na after ng operation diretso ako diyan. Love you. J” Nagreply ako sa kany na okay lang.

I guess it can’t be help ipinagpatuloy ko na lang ang pamimili. Nag-ikot- ikot rin ako at naghanap ng ipang-reregalo sa kanya. Habang nag-iikot ako naisip ko na parang may sasabihin siya sa akin kaso palaging nauudlot in the end hindi kami nakakapag-usap dahil doon. Ano kaya iyon?

Nasa kids section ako, doon sa may pambata, natuwa kasi ako dahil ang cute ng mga damit, ang liit parang manika. Nililibot ko ang mata ko ng may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako dahil doon.

“Nohemi, Noms, sabi ko na nga ba ikaw iyan eh. Ano na balita sa iyo? Ay oo nga pala may amnesia ka nga pala. Ako ito si Keys, remember?” Then she hugged me.

Right, naalala ko na, nakita ko siya sa album saka sa usapan namin ng ibang friends namin.

Niyaya niya ako kumain, nagpaunlak naman sako since hindi pa ako nagla-lunch. Napagod din ako mag-iikot kakahanap ng gift kay Aki.

We’re here sa Mcdo at kumakain. Ang dami ko in-order dahil ewan ko, gusto ko eh.

“Hindi ka pa rin nagbabago, ang lakas mo pa rin kumain.” Puna niya sa akin. Panay kain kasi ako ng fries na isinasawsaw ko sa sundae. Panalo!

“Nagutom kasi ako. Hmm, kamusta ka, sabi nila Kirsten married ka na daw. How was it?” tanong ko sa kanya.

“Okay naman. Happiness. Ikaw, magkwento ka, kamusta kayo ni Akihiko?” sabi niya habang umiinom ng drinks.

“Were okay. Inaalagaan niya kasi ako, kahit nung naaksidente ako until now. He never stop showing me how much he cares. Kaya ginagawa ko din lahat para maging strong pa kami lalo.”

“That’s suprising. Dati kasi hate na hate mo iyang si Aki, dati nga pinag-tripan pa natin iyan sa club. Tinignan natin kung pupunta gayong gabing-gabi na pero pumunta pa rin siya.” saka siya sumubo ng fries.

Natigilan ako doon. Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko ipinahalata iyon saka ako uminom ng drinks.

“Mas nagalit ka pa nga noong nagpakasal ka sa kanya eh. Kasi nga after may mangyari sa inyong dalawa, he force you to marry him. Kahit ayaw mo, pumayag ka lang dahil inatake sa puso si Tita Ysabel.” Dagdag niya. kumagat pa siya ng burger. Natural na naturala nag pagkakasabi niya na parang wala lang iyong kinuwento niya.

Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng bomba sa narinig ko. Lalong sumakit ang ulo ko.

“Hey you okay? Namumutla ka.” Concerned siyang tumingin sa akin.

“Ahm ano Keys, pwede bang mauna na lang ako. Sumama kasi pakiramdam ko bigla eh. Sige ha.” Hindi ko na siya pinatapos, dire-diretso akong umalis.

Iniwan ko sa counter iyong dala ko at saka tumakbo sa kwarto namin ni Aki.

Ang sakit-sakit ng ulo, ang daming bumabalik na memories sa utak ko. I groaned in pain. Naiiyak ako sa sobrang sakit.

Naalala ko na ang lahat, noong bata ako; noong grumadweyt ako; iyong scenes na inaaway ko si Aki; iyong nasa club ako kasama ang friends ko, ang pagsundo sa akin ni Aki; iyong muntik ng mamatay si Mommy; iyong ikinasal kami ni Akihiro; iyong sinabihan ko siya ng masakit na salita; iyong umalis ako upang hanapin siya; iyong time na naaksidente ako.

NAAALALA KO NA LAHAT.

Right there, ay nagpasiya ako umalis. Kumuha ako ng bag na hindi kalakihan. Isinuksok ko doon ang mga gamit ko. gulong-gulo ang isip ko. I need to get out of this. Kailangan ko munang mag-isip. Kailangan ko lumayo muna, sa lugar na ito, sa kwartong ito, sa buhay na ito. Kay Aki.

I left a note for him.

I drove pagkatapos kong isara ang bahay. Para akong wala sa sarili na nagda-drive. Hindi ko alam kung saan pupunta. Umiiyak pa rin ako sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.

Coquillo Brothers: Akihiko Coquillo - The Bright Prince (Completed)Where stories live. Discover now