Five

3.6K 99 4
                                    

"Alis na ako!" sigaw ko habang nasa labas ako ng bahay. Kaagad kong kinalas ang kadena sa aking bisikleta saka ko ito inilagay sa may railings.

"Hoy! Nakalimutan mo ang baon mo!" rinig ko namang sigaw ni Jacq kaya lumingon muna ako sa bahay. Nakita ko siyang nakatayo sa may labasan habang hawak-hawak ang lunch box na mukhang pinaghirapan naman yata niyang gawin.

Hindi ko nga alam kung anong nakain ni Jacq ngayon. Akalain mo nga naman kasi, siya ang nagluto ng pagkain ngayon, at siya rin ang naghanda ng mga lunch box namin para sa trabaho. Totoo talagang may himala. Magpapamisa na yata ako.

"Salamat tol," sabi ko sa kanya saka ko kinuha ang lunch box at ipinasok na ito sa loob ng aking bag.

"Walang anuman," sabi naman niya saka sumaludo. "Maaari ka nang humayo," natatawang wika pa nito habang minuwestra niya ang kanyang kaliwang kamay sa may daanan.

Humagalpak naman ako saka ko siya binatukan. Maganda lang siguro ang gising ng isang ito.

Sumakay na ako sa bisikleta at nagsimula nang magpedal. Alas-siyete kwarenta y tres na ng umaga. Saktong-sakto lang ang oras ko. Hindi magtatagal ay aabot din ako. Hindi naman kasi malayo ang convenience store na pinagtatrabahuan ko. Kaya magiging sakto lang ang dating ko.

xxx

Nang makarating na ako sa convenience store. Kaagad ko namang inilagay sa may locker room ang bag ko saka ko ikinabit ang aking nameplate sa suot kong uniporme.

"Good morning!" maligayang bati sa akin ni Mikaela nang makapwesto na ako sa may counter number four.

"Grabe," pambungad naman ni Bryan na abala naman sa pag-aayos ng mga paninda sa mga shelves.

Tumaas ang kanang kilay ko. Pansin kong bad mood si Bryan ngayon. Kitang-kita ko ang kakaibang mga kilos niya ngayon. Parang nagkapalit sila ni Jacq.

"Problema, Bryan?" tanong ko sa kanya.

Pansin ko naman ang paghagikhik ni Mikaela sa may kabilang counter. Mukhang mayroon siyang alam sa nangyayari ngayon. Dahil nga wala pang masyadong customer, bahagya lang muna akong lumapit sa kalapit na counter kung saan nakapwesto ngayon si Mikaela.

"Anong nangyari?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Uhm, paano ko ba sisimulan?" pabalik naman nitong tanong sa akin. "Ano kasi, ganito. Kwento sa akin ni Bryan, kahapon daw may pumuntang babae sa kanilang bahay, sinabi nitong buntis siya at siya ang ama. Kaya ayon! Walang naaalala ang loko na mayroon siyang naikama, uhm, pasensya na sa term."

"Alam na ba ng Nanay niya? Naku, mala-armalite pa naman ang bibig no'n," sabi ko pa. Humagalpak naman ng tawa si Mikaela.

"Alam na! Kaya nga badtrip ngayon si Bryan dahil tinalakan siya ng kanyang Nanay. Naaawa naman kasi ako kay Bryan. Alam kong pinaglololoko lang siya ng bruhang babaeng iyon," wika naman niya. May punto naman kasi si Mikaela. Paano naman kasi 'yon makakabuntis eh, lagi 'yong nakadikit sa amin. Lalong-lalo na kay Jacq! Hindi mapaghihiwalay ang dalawang 'yon kapag nagkasama na.

"Ah, ewan, basta hindi 'yon totoo. Drama lang 'yon ng babaeng iyon," sabi pa ni Mikaela saka naman ako bumalik sa may counter.

xxx

Dumagsa na ang mga customer bandang alas-nuwebe kaya halos magkanda-hilo na ako sa may counter dahil sa haba ng pila. Wala naman kasi akong magagawa. Trabaho ko ito kaya dapat panindigan ko. Saka, ayos na rin naman ang pasweldo rito kaya mapagtitiisan na rin. Sakto lang sa pang-araw-araw na gastusin at pang-renta sa ancestral house.

"Come?" wika ng isang pamilyar na boses.

Napalingon naman ako kung saan iyon nanggaling... kay Miranda lang pala.

"Oh?" tanong ko naman sa kanya habang abala ako sa pagbibigay sa kanya ng sukli.

"Small world. Kamusta ka na?" nakangiting tanong nito sa akin. Napalunok na lamang ako ng sariling laway. Ito talaga ang kahinaan ko, ang nakikitang nakangiti si Miranda sa akin. Pakiramdam ko bumabalik ang mga nakaraan.

Nanumbalik na lamang ako sa aking kamalayan nang marinig kong nagrereklamo na ang susunod na customer.

"Hala! Pasensya na, Come. Kita na lang tayo sa may Heaven's," natatawang wika nito. "Calling card ko nga pala. Marami tayong pag-uusapan. Alam mo na, classmate kita dati. Sige, bye! Nice meeting you!"

Saka na siya umalis. Natatawa ako sa mga kilos niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Para siyang batang nagugulat sa tuwing may pagkakamali.

"Uy, ha! Mukhang may lovelife ka na," biro ni Mikaela na tawang-tawa sa kabilang counter.

"Magtigil ka!" natatawang saway ko sa kanya.

Bumalik naman ako sa pagtatrabaho baka magreklamo na naman ang iilan pang mga customer.

"Ashley," basa ko sa isang identification card ng customer. "Ashley Magsayo."

Napabuntong hininga ako. Para akong minumulto ng pangalan ni Ashley.

"Two hundred thirty-eight pesos," sabi ko. Kaagad naman niyang ibinigay ang bayad sa akin.

Huminga naman ako nang malalim. Nasaan ka na ba, Ashley? Nakalimutan mo na ba ako?

Mending ArianneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon