Eight

3K 89 4
                                    

Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang mga katagang sinabi ni Miranda. Gagawin kitang bodyguard dahil gusto kitang kasama. Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ko maintindihan.

"Ano? Huling araw mo na rito sa grocery?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mikaela sa akin pagkatapos kong sabihin sa kanya na agad na akong magre-resign.

Napahilot naman siya ng kanyang sentido saka tumingin sa akin. "Teka nga, ano ba ang nakain mo na agad-agad kang magre-resign ng ganito?" tanong niya ulit.

"Alam mo na, 'di ba? Nakahanap ako ng trabaho na mas doble pa sa sweldo natin dito. Hindi na kaya ng budget namin ni Jacq. Lalo na ngayon, wala na ang perang naipon namin." Paliwanag ko sa kanyang habang nangangalumbaba sa may counter.

"Mga inutil kasi kayong dalawa, eh. Alam niyo pa lang marami kayong bayarin. Waldas kayo nang waldas ng pera," sermon nito sa akin. "Noong nakaraang araw, nagyaya kayong uminom. Libre pa. Nagyaya kayong gumimik. Libre pa. Nagyaya kayong kumain sa labas. Libre pa. Sa tingin mo hindi mauubos ang pera niyo sa kalilibre niyo sa amin ni Bryan? Hay naku! Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari hindi na ako nagpalibre."

"So, babayaran mo lahat ng mga libre namin?" singit naman ni Jacq na may dala-dalang kahon sa aming usapan. Bigla namang nagtaray si Mikaela at inirapan si Jacq.

"Hindi, 'no! Libre 'yon. Bakit ko naman babayaran?" mataray nitong wika kay Jacq habang nakatalikod sa amin.

Kaagad namang lumapit sa akin si Jacq at bumulong. "Ang sungit talaga!"

xxx

Lunch time na namin. Nakakahiya mang sabihin pero ang kinakain namin ngayon ni Jacq ay libre nina Mikaela at Bryan.

"Ano naman ang magiging trabaho mo?" direktang tanong sa akin ni Bryan habang nilalantakan ang chicken curry na inorder nito.

"Isang magiting na bodyguard," buong pagmamalaki na sagot ko. Imbes na humanga sila sa akin dahil sa pinasok kong trabaho, ang ginawa nila ay pinagtawanan lang nila ako.

Mas malakas ang tawa ni Jacq nang marinig niya ang sagot ko. Parang mabibilaukan na nga ito dahil sa kanyang halakhak.

"Seryoso ka? Huwag mo nga kaming biruin ng ganito. Mamamatay kami sa katatawa!" natatawa pa ring tanong sa akin ni Jacq. Tumango naman ako at hinayaan ko lang sila na tumawa. Mga walang bilib sa kaibigan.

"Sino naman ang babantayan mo? Baka hindi bodyguard, ha! Baka babysitter, taga-bantay ng bata!" humagalpak na nang tawa si Bryan.

Inayos ko muna ang aking buhok saka humalukipkip. Mga walang hiya talaga sila. Mga totoong kaibigan.

"Si Miranda Palma ang kumuha sa akin bilang bodyguard niya," walang alinlangan kong sagot kay Bryan at muntikan pa nitong maibuga ang kanyang iniinom na tubig sa mukha ni Mikaela.

"Miranda Palma?!" sabay na binanggit ni Jacq at Bryan ang pangalan ni Miranda.

Mabilis namang umakbay sa akin si Jacq. "Tangina, Ar. Ang lupit mo talaga sa mga chiks!" sabi pa nito saka niya ako tinapik-tapik sa balikat na parang proud na proud siya sa ginawa ko.

"Bakit ang bilis ng mga pangyayari? Hindi ko ito inaasahan, ah. Pero, aaminin ko ang lupit mo talaga, Ar!" Masayang salaysay naman ni Bryan.

"Iba talaga ang tama kapag first love!" anunsyo naman ni Jacq kaya sinapak ko siya.

"Hoy! Wala namang ganyanan," sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo no'n? Makakalimutan mo na si Ashley! Nandito na ang first love mo. Pagkatapos ng maraming taon, pinagtagpo kayo ng tadhana," sabi pa ni Jacq.

Napahinga naman ako nang malalim. Siguro tama si Jacq. Ito na ang aking unang hakbang para sa paglimot. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ba ang plano ng tadhana para sa aming dalawa.

xxx

"Hello, Ar-Ar," wika ni Miranda sa kabilang linya. Malalim na ang gabi ngunit heto siya, tumawag sa akin. "Gusto kong malaman mo na bukas may sasalihan akong pageant. Dapat nandito ka na sa bahay ng ala-una ng hapon para naman matulungan mo na rin ako," sabi pa nito.

"Ah, sige." Tanging na sambit ko.

"Siya nga pala, salamat sa pagpayag mo na maging bodyguard ko." Sabi pa nito sa mahinang boses. Ang unang pumasok sa isipan ko ay baka inaantok ito.

"Walang anuman, Miranda. Matulog ka na. Gabi na. Good night," wika ko. Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya.

"Ikaw rin, good night." Sabi nito at ibinaba na niya ang tawag. Habang ako naman ay unti-unti nang ipinikit ang mga mata na mayroong ngiti sa labi ng dahil sa sinabi ni Miranda.

Mending ArianneWhere stories live. Discover now