Twenty Nine

3.2K 69 24
                                    

Parang tumigil ang mundo sa pag-ikot nang makita ko si Ashley. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ngayon pa?

Kaagad ko namang naramdaman ang paghawak ni Miranda sa aking kamay. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya kahit may daan-daan ng kabayo ang nagkakarera sa dibdib ko.

"May problema ba?" tanong nito sa akin ngunit hindi ako nagsalita. Nakatuon pa rin ang paningin ko kay Ashley na mabilis ang paglakad patungo sa kinaroroonan ko.

Hindi ko mabasa si Ashley. Blangko ang kanyang mukha at walang ekspresyon. Kalmado siyang naglalakad palapit sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.

Sa isang iglap ay tila tumapon sa malayo ang diwa ko nang maramdaman ko ang malakas na pagdapo ng palad ni Ashley sa pisngi ko. Rumehistro sa mukha ni Miranda ang pagkagulat sa ginawa ni Ashley sa akin. Bahagyang bumuka ang bibig ni Miranda, nais yata nitong magsalita ngunit pinigilan ko siya.

"A-Ashley..." sambit ko sa pangalan niya habang nakatingin pa rin sa walang emosyon niyang mga mata.

Napatingin naman sa akin si Miranda na halatang nagulat nang sambitin ko ang pangalan ni Ashley.

"M-Magpapaliwanag ako," kinakabahan kong sabi sa kanya at pilit kong hinahawakan ang kamay niya ngunit iniiwas niya naman ito sa akin.

"Siya na ba ang mahal mo ngayon?" direktang tanong nito sa akin saka naman siya tumingin kay Miranda.

"H-Hindi," nauutal ko pa ring wika, "nagkakamali ka ng iniiisip."

Napasinghap naman si Miranda sa kanyang narinig. Nasaktan ko yata ang kanyang damdamin ngayon ng hindi sinasadya.

"Sinungaling ka!" galit na sigaw ni Ashley sa akin. "Alam mong minahal kita, Arianne. Ngunit, bakit ganito? Kulang pa ba ang pagmamahal na ibinigay ko sa'yo? Sabihin mo sa akin, Arianne! Sabihin mo kung bakit mo ako ipinagpalit sa kanya!"

Nilapitan ko si Ashley para yakapin ngunit umatras lamang siya. Gusto ko siyang patigilin ngunit hindi ko naman magawa.

"H-Hindi kita ipinagpalit, Ashley," sabi ko sa kanya. "Hindi ko 'yan magagawa."

At sinampal niya ulit ako. Mabilis naman akong nilapitan ni Miranda saka niya ako niyakap.

"Tumigil ka na, Ashley. Nasasaktan na si Arianne." Matapang na pagkakasabi ni Miranda ngunit tinaasan lamang siya ng kilay nito.

"Huwag kang makisali sa usapan namin dahil kabit ka lang," galit na wika ni Ashley.

Pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Ashley... tama na."

Tumawa naman si Ashley ng pagak at hindi nagtagal ay tuluyan na itong lumuha.

"Galit na galit ako sa'yo, Yan," sambit nito saka pinunasan na ang kanyang mga luha. "Nasaktan ako sa nasaksihan ko kagabi, Yan. Sana pala ay hindi na lang ako nagpunta sa bahay niyo kung makikita ko naman kayong dalawang magkasama at tuwang-tuwa pa. Hindi mo pinaunlakan ang imbitasyon ko kahapon dahil ang babaeng 'yan ang kasama mo at masayang-masaya pa kayo. Nasasaktan ako, Yan. Gusto ko sanang bumawi sa nasayang na nakalipas na apat na taon ngunit parang tinatapon mo na ang lahat ng iyon."

"Mamili ka ngayon, Arianne," walang alinlangan niyang sabi. "Ako o ang babaeng 'yan?"

Nabigla ako sa deklarasyon ni Ashley. Hindi ko inaasahan na darating kami sa punto na papapiliin niya ako.

"Huwag mo namang gawin sa akin ito," sabi ko sa kanya.

"Ako o ang babaeng 'yan..."

Napatingin ako kay Miranda. Bakas sa mukha niya na nahihirapan na rin siya sa sitwasyon namin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sapagkat naiipit na siya sa gulong ito.

"Ayos lang, Come," mahinang wika ni Miranda na mukhang naiiyak na. Tumalikod na siya sa amin saka naglakad na palayo.

Gusto ko sana siyang habulin ngunit tinignan ko muna si Ashley.

"Sa oras na habulin mo siya wala ka nang babalikan pa," wika ni Ashley sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang tignan na lamang si Miranda na naglalakad palayo. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Nasaktan ko ang dalawang tao na ito. Hindi ako kumilos, nanatili pa rin ako sa sariling pwesto hanggang sa mawala na si Miranda sa paningin ko.

Hinarap ko na si Ashley at pilit akong ngumiti kahit masakit. Mabilis niya akong niyakap at bumulong, "Alam kong babalik ka sa akin."

Huminga naman ako nang malalim para humugot ng lakas ng loob.

"Patawarin mo ako, Ashley." At mabilis kong tinanggal ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.

xxx

Mabilis akong umuwi ng bahay. Halos sumubsob na ako sa daan makauwi lamang. Kinakabahan ako at hindi ko ito maintindihan. Parang bumubulong sa akin ang hangin na bilisan ko ang kilos para makauwi agad.

Iniwan ko si Ashley sa may basketball court kahit mabigat man sa kalooban. Naglakad ako palayo sa kanya na hindi siya nililingon. Alam kong nasasaktan siya ngayon ngunit lilipas din ito.

Kaagad kong binuksan ang pinto ng bahay nang makarating ako. Nilibot ko ang buong bahay para mahanap si Miranda. Nagpunta na rin ako sa kwarto at nagbabaka sakaling nando'n siya ngunit ni isang anino ay wala. Hindi ko na naramdaman pa ang presensiya niya sa loob.

"Hinahanap mo ba si Miranda?" tanong sa akin ni Mama saka ito umupo sa tabi ko. Tumango naman ako at yumuko. Napakawalang-kwenta ko talaga. Ramdam ko ang paghaplos ni Mama sa braso ko. "Umalis na siya, Arianne. Nagpapasalamat siya sa'yo dahil naging masaya siya rito kahit hindi man lang siya nagtagal."

Doon na bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ako ni Mama at do'n na ako humagulgol ng iyak sa kanyang balikat.

"Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman Ma," umiiyak kong sabi. "Bakit huli ko nang nalaman na mahal ko na pala siya."

Hinagod-hagod naman ni Mama ang likod ko para patahanin ako.

"Hindi pa huli ang lahat anak," paninigurado nito sa akin ngunit wala na talaga akong maintindihan sa mga oras na ito.

Mending ArianneWhere stories live. Discover now