Eleven

2.9K 87 9
                                    

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagkagano'n si Miranda. Kung bakit nagkaroon ng malaking sugat sa kanyang mukha. Kung bakit hanggang sa ngayon ay ayaw niyang tignan ang repleksyon niya sa salamin.

Kasalanan ko lahat ng ito, hindi ko nagawa ang tungkulin ko bilang bantay niya. Hindi ko siya nagawang tulungan.

"Ar, kain na." Pag-aaya sa akin ni Jacq nang lumabas ako ng kwarto. Tumango lamang ako sa kanya at naglakad papuntang sala para manood ng telebisyon.

Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong mangyari ang insidenteng iyon. Hanggang ngayon ay presko pa sa aking isipan ang duguan mukha ni Miranda. Kung paano siya umiyak ng gabing iyon sa harapan ko.

"Uy," kalabit sa akin ni Jacq. Pinabayaan ko lamang siya. Sa ngayon kasi ay hindi pa rin ako bumibisita sa bahay ni Miranda. Natatakot ako na baka batuhin niya ako ng kung ano dahil hindi ko nagawa ang trabaho ko.

Kwento kasi sa akin ni Marsha, mabilis na nagpunta ng San Miguel ang mga magulang ni Miranda nang malaman nila ang nangyari. Kaagad silang nagsampa ng reklamo laban sa kandidatang blineyd ang mukha ni Miranda.

Iyak nang iyak daw si Miranda. Ayaw niyang tignan ang sariling repleksyon sa salamin. Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap sa maraming tao.

"Ano ka ba Ar, hindi mo 'yon kasalanan. Hindi mo naman ginusto ang nangyari, eh. Aksidente lang 'yon. Hindi mo naman inakala na mayroon pa lang desperadang kandidata roon na nais makuha ang titulong Miss Aurora 2016," wika ni Jacq.

"Hindi, eh. Trabaho ko ang protektahan siya. Dapat naging alerto ako. Kasalanan ko 'yon Jacq. Kasalanan ko." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Mabilis naman niya akong sinapak.

"Gago! Alam mo, puro negatibo ang mga iniisip mo! Hindi mo pa nga napupuntahan si Miranda sa bahay nila, puro ngawa ka nang ngawa na kasalanan mo ang nangyari," sermon nito, "Bakit? Inutusan mo ba ang babaeng iyon? Hindi naman 'di ba? Eh, bakit napaka-negatibo mo? Masakit ka sa ulo!"

Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya at tinakpan ko na lamang ang sariling mukha gamit ang dalawang kamay. Na para bang nagsasabing hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Paano kung galit nga siya sa akin?" tanong ko naman sa kanya.

Napasimangot si Jacq at marahas akong itinayo sa may sofa. "Lumabas ka ng bahay at puntahan mo si Miranda. Huwag kang babalik hangga't hindi ka pa nagpapakita sa kanya," wika nito sa akin habang nakahawak pa sa kwelyo ng damit ko.

Kaagad ko namang itinaas ang dalawang kamay ko na parang sumusuko na ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Oo na! Oo na!" mabilisan kong sabi at kaagad na akong lumabas ng bahay na hindi man lang nakapag-ayos.

xxx

Nakatitig lamang ako sa pinto ng bahay ni Miranda. Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ba ako o hindi. Iniisip ko kasi na baka galit sa akin si Miranda at ayaw niya akong makita. Bakit naman kasi? Napakawalang kwenta kong tao. Wala man lang akong nagawa para mailigtas siya.

"Kakatok o hindi? Tutuloy? Kung aalis?" sunod-sunod na tanong ko sa aking sarili.

Umayos ako nang tayo. Nakapagdesisyon na ako. Tutuloy ako sa loob.

Akmang kakatok na ako sa pintuan ng biglang bumukas ito at nakita ko ang malungkot na mukha ni Tina.

"T-Tina?" tawag ko sa kanyang pangalan.

"Ar-Ar!" tawag naman niya na para bang nabuhayan siya nang makita ako. Mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila papasok ng bahay.

"Buti na lang at nandito ka na. Ilang araw ka ring hindi nagpakita. Ang lungkot-lungkot ni Miranda," kwento niya habang naglalakad kami sa may hagdan, "lagi ka niyang hinahanap sa amin. Kaya lang lagi ka namang wala."

Parang mayroong humaplos sa puso ko nang marinig ko na lagi akong hinahanap ni Miranda. Kung gayon, hindi siya galit sa akin? Hindi siya galit dahil sa nangyari.

Nang makarating na kami sa may tapat ng pinto ng kwarto ni Miranda, kaagad naman itong binuksan ni Tina para kami makapasok. Tumambad sa akin ang basag na salamin sa kwarto ni Miranda. Mayroon na itong maraming crack sa mga gilid at mayroon namang mas malaki na nasa gitna.

"Anong nangyari sa salamin?" takang tanong ko sa kanya.

Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Tina para ilapit ang bibig nito sa aking kanang tenga.

"Binasag niya," pabulong na sagot nito.

"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.

"Hindi niya natanggap ang sinapit niya. Hindi na raw kaaya-aya ang mukha niya. Kaya't wala ng silbi ang salamin para gamitin niya. Mas mabuti na lang daw na basagin ito," sagot naman niya.

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Miranda. Masakit ito para sa kanya lalo na kapag namulat na siya sa mga pageant na mukha ang puhunan. Magandang mukha na gusto ng marami.

"Miranda, nandito na si Ar-Ar." Tawag niya rito. Nanatiling nakatayo si Miranda. Nakatalikod sa amin habang tahimik na nakamasid sa labas ng bintana.

Sinenyasan ako ni Tina na lapitan na lamang si Miranda kaya ginawa ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa kanyang balikat.

"Miranda," sabi ko. "Nandito na ako."

"Alam ko," mariin na sagot nito ngunit hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Harapin mo ako," sabi ko naman ngunit umiling lamang siya. "Wala na akong mukhang maihaharap sa'yo, Ar-Ar. Hindi na ako kagandahan."

"Hindi totoo 'yan, Miranda," pagtutol ko sa kanyang sinabi. Pinilit ko siyang paharapin sa akin ngunit nagpumiglas siya. Hindi ako nagpatalo sa lakas niya kaya't nagawa ko ang gusto ko.

"Huwag kang titingin sa akin, Ar-Ar. Wala na ang maganda kong mukha," sabi nito habang iniiwas ang kanyang tingin sa akin.

Sinapo ko naman ang kanyang magkabilang pisngi para paharapin siya sa akin.

"Mali ka, Miranda. Maganda ka pa rin sa paningin ko..."

Mending ArianneWhere stories live. Discover now