Seventeen

2.7K 68 9
                                    

Nabalik ako sa kasalukuyan ng bigla akong tapikin ni Mikaela sa balikat. Lumilipad ang isipan ko, hindi ko namalayang mahaba na pala ang pila rito sa may counter kung saan ako naka-pwesto.

"Masyado kang lutang," bulong sa akin ni Mikaela saka na ito bumalik sa kabilang counter. Pilit na lamang akong ngumiti sa mga customers na galit na galit na dahil sa kahihintay. Nagpaumanhin na lamang ako sa kanila.

Ano ba naman kasi ito, papalpak na naman yata ako.

"Uy!" sigaw ni Jacq sa akin matapos niyang ilagay sa gilid ang isang malaking karton na may lamang mga chichirya.

Mabilis itong lumapit sa akin matapos kong asikasuhin ang huling customer na magbabayad ng kanyang mga pinamili.

"Anong nangyari? Kwento kanina sa akin ni Mikaela lutang ka raw," tanong sa akin ni Jacq saka ito humalukipkip. "Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin 'yong sinabi ko kagabi?"

Umiling lamang ako. Ngunit ang totoo no'n ay tama si Jacq. Iniisip ko nga ang naging usapan namin kagabi, lalong-lalo na 'yong sinabi niya sa akin.

"Hay naku, wala 'yon! Balik ka na sa trabaho. Baka masita pa tayo ni Mikaela," sabi ko sa kanya. "Parang superbisora siya kung umasta ngayon, eh." Wika ko at humalakhak.

Umismid na lamang si Jacq at bumalik na lamang sa trabaho. Napabuntong hininga ako. Ano ba kasi ang nangyayari sa akin? Eh, ano naman kung parang... parang nagkakagusto na ako kay Miranda? Kung mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. Ano naman ang problema?

Pero, parang may mali. Nagkakagusto na ako kay Miranda ngayon ngunit, hindi ko pa rin makalimutan si Ashley.

May mali talaga.

Sa ngayon ay gusto ko nang iumpog ang ulo ko rito sa may counter. Kung ano-ano na lamang ang pumapasok sa isipan ko. Parang hindi, parang oo. Wala na akong maisip na matino ngayon.

xxx

"May sakit ka yata, Ar." Sambit ni Mikaela habang kinukuha nito ang kanyang mga gamit sa may locker.

Napatingin naman ako sa kanya. "Ha? Wala naman akong sakit. Ba't mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya.

"Eh, kanina ka pa matamlay. Parang wala ka sa sarili," sabi nito at isinara na ang locker.

"Bakit naman kasi hindi magiging matamlay 'yan? Problemado 'yan sa pag-ibig." Natatawang singit naman ni Jacq.

Napaismid naman ako sa sinabi ni Jacq. Wala talagang utak ang taong ito.

"Tumahimik ka nga diyan. Wala akong problemang ganyan," inis na sambit ko.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Bryan sa labas ng locker room.

"Mahirap talaga maging gwapo. Hashtag pogi problems," sabi nito at humagalpak ulit ng tawa.

"Gago." Tanging nasambit ko na lamang.

Bago kami maghiwa-hiwalay nagpaalam muna ako sa kanila na hindi muna ako papasok bukas dahil uuwi muna ako sa lugar namin. Gusto ko na kasing makasama sina Mama at ang kapatid kong tarantado. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi do'n.

Nais ko lang makahinga nang maluwag. Parang nasasakal kasi ako rito. May mga bagay kasing hindi ko inaasahan na mangyayari. Akala ko kasi noon kapag magpunta ako rito ay makakalimot ako. Ngunit, hindi naman nangyari. Imbes na makalimot ako, dumoble pa ang naging problema ko. Nakita ko ulit si Miranda at heto ako ngayon, unti-unti nang nahuhulog ang loob ulit sa kanya.

"Ura-urada ka naman kung umalis, Ar. Ba't agad-agad? Pwede naman sa makalawa lang muna. O kaya sa susunod na buwan na lang," wika ni Jacq sa akin habang nakasandal sa may pintuan ng kwarto.

"Alam mo, gusto ko lang magpalamig. Masyadong napipiga ang utak ko rito dahil sa dami ng nangyayari," sabi ko naman sa kanya at sinara na ang zipper ng travelling bag.

"Ows? Baka tinatakasan mo lang si Miranda. Teka nga, alam na ba niya na aalis ka?" tanong nito sa akin kaya umiling na lang ako. Bakit ko naman sasabihin sa kanya? Hindi naman kasi ang magtatagal doon. Babalik naman ulit ako rito kapag naging mapayapa na ang utak ko.

"Ulol. Baka hanapin ka sa akin no'n. Sabihin mo na lang kaya," giit nito.

"Huwag na. Hindi ako no'n hahanapin. Tiwala lang." Sabi ko sabay tawa.

xxx

Kinabukasan. Maaga akong umalis ng bahay para magpunta ng terminal ng bus. Hindi ko pa sinabihan si Kuya Alrick na uuwi ako ngayon sa bahay. Gusto ko siyang sorpresahin. Lalong-lalo na si Mama. Miss na miss ko na rin siya.

Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Jacq dahil tulog mantika ang taong 'yon. Nagbilin na lamang ako ng sulat sa kanya na ipinadikit ko pa sa noo niya. Para pagmulat niya ng kanyang mga mata, ang sulat ko kaagad ang makikita niya. Bahala na siyang mag-amok mag-isa sa bahay.

Tinext ko na rin sina Mikaela at Bryan na leave muna ako ng ilang araw. Pero, babalik naman kaagad ako. Hindi naman siguro magagalit ang mga amo ko. Mabait naman kasi 'yon. Wala akong problema do'n.

Ilang oras ang naging byahe ko bago makarating ang bus sa terminal ng San Vicente. At sa wakas, nakauwi na rin ako sa aming lugar.

Sumakay na lang muna ako ng traysikel papunta sa bahay namin. Inihanda ko na lamang ang aking sarili dahil gugulatin ko talaga ang mga tao sa bahay. Una kong gugulatin ay 'yong kapatid kong lalaki. Gusto ko siya marinig na tumili para maasar ko siyang bakla. Pero alam kong hindi bakla ang kapatid ko. Aasarin ko lang.

Hindi nagtagal ay nadaanan namin ang bahay nila Ashley. Naalala ko tuloy ang mga sinapit ko sa kamay ng kanyang ama. Hinding-hindi ko 'yon makakalimutan.

Nang makarating na kami sa bahay ay kaagad na akong pumara at nagbigay ng pasahe. Bubuksan ko na sana ang gate ngunit napalingon ako dahil sa pagdaan ng isang bus. Nanlamig na lamang ako sa aking kinatatayuan ng may nakita akong pamilyar na mukha sa loob.

Nakakatawa. Ako ang nasorpresa dahil sabay pa pala kaming uuwi. Sinorpresa ako sa pagbabalik ni Ashley.

Mending ArianneWhere stories live. Discover now