Fifteen

2.9K 77 4
                                    

Natulala na lamang ako kay Miranda pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi ko siya maintindihan. Tama ba ang nasa isip ko? Gusto ba ako ni Miranda kaya niya sinasabi iyon sa akin? Wala na akong maintindihan pa ngayon.

"A-Ano ba ang sinasabi mo?" nag-aalangang tanong ko sa kanya. Tumawa na lamang ako at nag-iwas nang tingin. Tumingin ulit ako sa hardin saka nagsalita. "Bakit mo ba ako hihintayin? Ano bang tumatakbo sa isipan mo? Ano, Miranda?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya at tumingin ulit dito.

Napansin ko naman ang mahigpit niyang paghawak sa dulo ng damit niya. Yumuko lamang ito at hindi nagsalita. Pinagmasdan ko lamang siya ng ilang minuto. Hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.

"Hindi mo ba napapansin?" mahinang tanong nito sa akin. "Gusto kita, Come. Gustong-gusto!" wika nito saka humarap sa akin na para bang hiyang-hiya.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Paano naman kasi nangyari 'yon? Siya, magkakagusto sa akin? Parang malabong mangyari. Sopistikada, respetado, mataas ang moral. Kakayanin niyang magkagusto sa kapwa niya babae?

Humagalpak ako nang tawa. Alam kong mali ang ginagawa ko ngayon. Ang pagtawanan siya sa gitna ng seryosong usapan.

"Hindi ako nagbibiro, Come. Gusto talaga kita," seryosong sambit nito.

"Hindi, Miranda. Nagkakamali ka lang nang nararamdaman mo. Hindi mo ako gusto, huwag kang magpabulag sa nararamdaman mo." Wika ko sa tonong tumututol ako sa mga sinasabi niya.

"Hindi, tama ang nararamdaman ko. Kaya ko ginagawa lahat ng 'yon dahil gusto kong ipahayag sa'yo na gusto kita," sabi nito. "Hindi mo ba napapansin? Hindi mo ba nahahalata? Gano'n ka na lang ba kamanhid? Baka naman, hindi mo pa nakakalimutan si Ashley?"

Doon tumigil ang mundo ko. Hindi ko pa ba nakakalimutan si Ashley? Kung gayon, kinain ko lahat ng sinabi ko noon. Iyong kakalimutan ko na siya, wala ng pag-asa pa, hindi na ako maghihintay. Lahat ng 'yon ay kinain ko.

Alam ko, masakit mang isipin na mukhang hindi na siya babalik. Iniwan na niya ako. Bakit ba hirap akong intindihin 'yon? Wala na. Matagal na kaming tapos. Bakit ba kasi ang hirap? Bakit ba kasi ang hirap niyang kalimutan?

Narinig ko ang mahihinang hikbi ni Miranda. Umiiyak siya dahil mukhang nasaktan ko ang puso niya.

"Tama ako hindi ba? Hindi mo pa siya makalimutan kaya maghihintay na naman ako sa'yo. Ayokong hintayin mo ang pagbabalik niya dahil maghihintay na naman ako. Sa una pa lang, alam kong mayroon kang pinagdadaanan. Masaya ka nga ngunit, malungkot ka naman talaga. Nababasa kita Come, hindi mo ako maloloko. Kahit hindi ko kilala 'yang Ashley na 'yan, gusto ko sanang sabihing, ang swerte niya. Hirap kang kalimutan siya, hinihintay mo pa siya." Umiiyak na wika nito sa akin.

"Oo, hirap nga akong kalimutan siya. Pero, nasasaktan pa rin ako, Miranda. Nasasaktan pa rin ako! Pagkatapos ng lahat-lahat, iniwan niya ako sa ere. Hindi niya inintindi ang mararamdaman ko kapag umalis siya. Hindi niya naintindihan 'yon! Apat na taon, apat na taon akong naghintay. Ngunit, nasaan na siya? Wala!" salaysay ko sa kanya.

"Hirap pa akong kalimutan siya, Miranda," sabi ko. "Bakit? Dahil, siya ang nagbigay sa akin ng masasakit na alaala."

Tumayo si Miranda mula sa kanyang pagkakaupo. Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinagkan sa labi. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Mabilis ngunit dahan-dahan namang dumadampi sa aking labi.

"Hayaan mo akong magbigay ng mga masasayang alaala sa'yo, Come." Sambit nito nang maghiwalay na ang mga labi naming dalawa.

xxx

Inilipat ko ng ibang channel ang pinapanood namin ni Jacq. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Patuloy na bumabalik sa aking isipan ang eksena kanina. Ang matatamis na halik ni Miranda na parang ayaw ko nang kalimutan.

Kaagad namang inagaw sa akin ni Jacq ang remote ng telebisyon. "Hay naku! Hindi pa nga tapos ang laro ng basketball, inilipat mo na kaagad." Reklamo nito sa akin.

"Ah, bahala ka na diyan. Wala ako sa sarili para makipagkwentuhan," sabi ko naman sa kanya.

Napakunot naman ng noo si Jacq na parang nagtataka sa inaasal ko. Paano ba kasi, kanina pa ako lutang dito sa may sofa. Sabi ko pa nga, hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Ano ba kasi ang problema mo? Ano ba ang nangyari do'n sa pagpunta mo kay Miranda?" sunod-sunod na tanong sa akin.

"Huwag na, baka magwala ka." Sagot ko naman sa kanya saka tumingala sa may kisame.

Mabilis naman itong lumapit sa akin saka niya ako inakbayan. "Ito naman, magkwento ka naman. Ano ba ang nangyari? Kayo na ba?" pilyong tanong nito sa akin.

Inalis ko naman ang kamay niyang nakaakbay sa akin. "Gago, walang gano'ng nangyari."

"Eh, ano nga? Ba't ba kasi hirap na hirap kang magkwento?" tanong naman nito sa akin.

"Gusto niya raw ako," sabi ko sa kanya, "at hinalikan niya ako sa labi."

Nanlaki ang mga mata ni Jacq pagkatapos ko itong sabihin. Mabilis itong tumayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Tangina! Ang lupit mo talaga sa chiks!"

Mending ArianneWhere stories live. Discover now