002

94 6 0
                                    

Basta itanong niyo lang kung may mga hindi ako malinaw na grammars, scenario tska sa plot. Thank you.

mrgzzn.

Meeting





Naka-alis na sila sa Reliable (Ang boarding house na pinanggalingan nila). Kasalukuyang minamaneho ng unipormadong pulis ang van kung saan nakasakay sila tapos may apat pang van na naka-sunod. Wala talaga silang lusot lalo na kung nakaposas silang lahat.

"Are we going to just sit here? I need to call my Cordy." maarteng sabi ni Gipsy. Waring ipinagmamalaki nitong may Cordy ito na wala sila. Umirap lang si Shaira pagkatapos ay umiwas ng tingin sa bintanang sarado.


Hindi pa naman kaaya-aya ang suot ng babae ngayon. Waring di pa ito nagbibihis magbuhat nang kum-ordy ito kagabi. Siya naman ay isang pajama ang suot niya tska fitted black shirt. Si Shaira naman ay naka-uniform na sana papasok ng work ang kaso bigla nga silang sinugod ng mga mababahong Hathor.

"Sige, ang mabuti pa tawagan mo yang si Cordy babes mo at nang mailigtas tayo." Plastic na sabi ni Shaira. mukha talagang irritated ito kay Gipsy. Ang ilan ay nag-bulungan sa loob ng van kaya binawalan sila ng driver at ng isa pang lalaking may kupya, katabi ito ng pulis na driver ng van.


"How could I, hindi ko makuha ang phone ko!"

Dahil sa lakas ng boses ng haliparot na hipon na ito, nagpreno ang pulis tska tinignan ng masama ang babaeng ngayon ay nahihintakutan na.

She tried to comfort Gipsy. After all, they are now one. Kailangan nilang ipagtanggol ang bawat isa, wala dapat masaktan.


Ano ba kasing gagawin nila sa min?!





"Bawal ang cellphone Miss." kinuha nito ang walkie-talkie at nagsalita. "Hello, ser. May babaeng matigas ang ulo rito na may cellphone na dala. Kailangan ko ng dalawang tao para sunduin yung babae."  tapos maya-maya lang ay may nagbukas ng van. Kinukuha nila si Gipsy. Ang isang humahatak sa buhok nito'y nakakatakot ang itsura.

"Get off me! Get off me! Huwag niyo ko---"

Naghiyawan ang lahat. Nakita lang naman nila kung paano buong pwersang hinila si Gipsy sa kinauupuan nito. Nabitiwan nito ang cellphone na hawak, nagkatinginan silang dalawa ni Shaira,


Sipain mo,bilis!





Sinipa niya yon. Inilabas niya ang iPhone niya at inilagay kung saan naka-upo kanina si Gipsy.

"i-check niyo kung sino pang matigas ang ulong may dala ng gadget! Dali!"  Mabuti at hindi lang puro kalandian ang alam ni Gipsy, pilit kasi nitong dinidistract ang dalawa para hindi makapasok ang dalawang goons sa van. Pero laking gulat nilang lahat dahil inuuntog ng mga ito ang ulo ni Gipsy sa sasakyan.

Walang halos humihinga sa nakita nilang pagdudugo ni Gipsy. Ipinagdarasal niyang huwag ikasama yon ng babae.



"Heto! Heto yung cellphone na gamit ko!" lakas loob pa nitong sabi sabay abot ng cellphone na si Hyunica ang may ari.


Sumama ito sa lalaking sumundo rito tapos ay umandar ulit ang sasakyan.

"Tsk. Tsk, kayo, huwag na kayong gumawa ng kalokohan dahil useless lang yan. Magpakabait na lang kayo."

Excuse me, I cant just sit here doing nothing. Hindi ko isinakripisyo ang phone ko para lang sa wala!



Wala na siyang pakialam sa iPhone nya. Ang mahalaga, nasa kanila ang cellphone ni Gipsy dahil may tendency na tumawag  ang boyfriend nito.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now