014

68 5 0
                                    


A/N: Hi sa mga masipag mag-vote sa mama! :) #BTSMeetsDaesang. Kahit parang imposible pa sya sa ngayon because of EXO. Exo L din naman ako kaya lang, Bts talaga ang nangangailangan ng boto at suporta ko hihihi. Anyway, kung sino man ang makakuha basta nasa BTS, EXO at iKON okay ako. Hindi na masakit loob ko.

PS: Happy reading! I dedicated this chap to all active armys in  voting,streaming and yep, the one who's reading UNWANTED rn hihi.

Vomments.

Chapter 14

Continuation

JIN

Ilang minuto na nang umalis si Hyunica sa gate ng ampunan. Pero nandoon pa rin si Jin. Pinag-iisipan niya kasing mabuti kung papasok ba siya doon o huwag na lang. He's confused by her actions, napapamura na lang talaga siya kapag naiisip niyang hindi imposible ang kanyang hinala. Ilang beses siyang nagpaputok noon. At nanginginig ang himaymay ng laman niya sa galit dahil doon!

She should've told me! I have the right to know what's happening to her!

Then voom! Someone called him again. It wasnt the person  he expect to call.

"Pumunta ka ngayon dito." Sabi ni Shin sa kanya sa kabilang linya. "Meron na kong CCTV footage malapit sa boarding house."

the man in black. Sandaling nabaling ang atensyon niya sa lalaking nanakot kina Hyunica noong isang gabi.

"May lead na ba kayo kung sino?'' he asked calmly.

"Wala pa. Tanging isang angle ng footage ang meron tayo. I think you should come here dahil may unusual dito sa nanloob. Malamang hindi tauhan ni Nathaniel o ng mga Jung ang lalaking ito."

"Sigurado ka ba?"

"of course, kaya dapat pumunta kana rito within thirty minutes. "

Nagmura siya ng malutong kasabay non ang pagharurot palayo sa kinaroroonan niya.

Sacred heart. He carefully noted the name of this place.

Ito na ang simula ng paggamit  ulit sa kinalawang niyang spying skills.

Hyunica..

Nag-text sa kanya si Shaira kaninang pagbalik niya sa tower. Hindi raw muna ito uuwi sa unit dahil nagkaroon ng problema sa Dela Vega Arch, her bestfriend is surely devastated about having an overtime.

Alasnuwebe na pero wala pa rin si Jin at gaya niya, may isa pang naghihintay sa pag-uwi nito. Ang hipong si Gipsy.

"You know, you should rest. You need energy for tomorrow." Mapaklang sinabi ni Gipsy iyon sa kanya habang naka-dekwatro sa sofa ng sala. "alam kong pupunta ka sa ampunan bukas.''

"Hindi kita kinakausap kaya pwede ba, itikom mo ang bibig mo."

Napansin niya na namumula ang likod ng palad ng babae. Ano kayang ginawa nito?
Mistula kasing napaso ito o kaya nama'y matagal na nakadapo sa isang matigas na bagay.

"How pathetic." Gipsy commented.

How she wish that Jin will knock the door right now. Dahil kung hindi ay masasakal talaga niya ang babae.

"Pasalamat ka dahil hindi ko sinabi kay Jin na isa ka sa mga kumidnap sa min."

"Then thank you."

"How much do you know me? Kilala mo ba talaga ako? Why the eff you flirted with Jin gayong alam mong may asawa na siya?" Then her voice cracked. As much as she wanted, pinipigilan niyang huwag mang-insulto ng kapareho niyang babae pero nabigo siya  "Ganyan ka ba talaga kahayok?" she's angry right now. To think that Gipsy stood up and laughed.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now