018

60 5 0
                                    


Chapter 18


"Ano bang problema mo, Hyunica? H-hindi ba sabi mo gusto mong makuha si Jannara?"

Nasa portico sila ng malaking bahay ni Jin. Tanaw ang carpeted living room mula sa kinaroroonan nila. Ang gandang tingnan ni Jannah habang nakaupo doon habang naglalaro ng Leggo.

"P-pero hindi ko sinabi sayong kidnapin mo yung bata,Jin. Nababaliw kana!"

"Hindi ko siya kinidnap, Hyunica. Isinama ko siya nang hindi ko pinipilit."

She manage to lower down her voice. Tinigasan niya ang kamo dahil pakiramdam niya'y nakikipag-usap siya sa isang taong sarado ang isip.

"Pero Jin naman! We didnt take her legally. P-paano kung hanapin siya ni Gipsy? Nang mga madre?! God, Jin nag-iisip ka pa ba?"

He lean his back at the wall and put his hands on his pocket. Nakatingala ito sa chandelier at nalantad ang adam's apple nito na taas-baba. Waring nag-iisip muna bago sumagot sa sermon niya.

"I-i'm sorry okay?" Saka ito bumuntong hininga. "Gusto ko lang na tumigil kana sa pagmumukmok. Naisip kong kung dadalhin ko si Jannara dito gagaan ang pakiramdam mo. Pero mali pala ako."

He straightened his body at balak yata nitong iwan siya roon kung hindi nga lang nya maagap na nahawakan ang braso nito

"S-sandali lang, Jin."

May parte kasi sa puso niya na nagustuhan ang ginawa nito. Alam naman nating lahat kung gaano niya kagustong mapunta sa kanya si Jannah, gusto nya pa ring magpasalamat e. Kaso nag-aalala kasi siyang maging masama ang implikasyon ng pagsama ng bata sa lalaki.

"P-pwede bang.. pwede bang s-sa akin muna siya kahit ilang oras lang?"

It was wrong to abduct the child without the concent of the people inside the orphan. Baka lalo pa nyang hindi makasama si Jannah dahil dito!

"Sure, ibabalik ko na lang siya sa ampunan mamayang hapon." Then he smiled before pulling her hands while walking together. "Dont worry."

Habang palapit sila sa bata ay ganon na lang ang paghigpit ng hawak niya kay Jin. Sobrang saya niya dahil kahit ilang oras lang ay makakasama nya si Jannah.

Nagtatalon sa tuwa ang puso niya na halos maabot na ang ikapitong langit

"Miss Hyunica!"

"J-jannah, sorry ha? M-may pinag-usapan lang kami ng.." tinitigan niya si Jin dahil hindi siya sigurado kung anong sasabihin niya sa bata.


She cleared her throat and talk again. "B-baby, hindi ba sinabi ko sayo huwag kang sumama sa mga stranger? B-baka kung saan ka nila dalhin. Mapapahamak ka.."

Umupo siya sa tabi nito at niyakap niya ito ng mahigpit. Pinigilan lang niya ang sariling huwag itong yakapin kanina nang ipakita ito ni Jin sa kanya. Tsaka isa pa, nagulat talaga siyang malamang si Janna pala ang surpresa nito sa kanya.

"Pero Hyunica, hindi naman po stranger si Jin e. Ang sabi po niya husband nyo siya."

"Ha?"

Lumipad ang tingin niya kay Jin na umupo din sa tabi nila at pinagmamasdan silang dalawa. Hindi niya mawari kung anong ekspresyon nito basta nakikita  niya ang curiousity sa mga mata.

"Eeh, yes baby. A-asawa ko siya. Kaso ilang taon kaming hindi nagkita tska--"

"Did you missed him?"

"A-ano bang klaseng tanong yan?"

Naiilang siya sa tingin ng dalawa sa kanya. Parehas pang naka-crossed arms habang hinihintay ang sagot niya.




UNWANTEDWhere stories live. Discover now