010

76 5 0
                                    

A/N: Hi. Para ulit sayo tong Chap. :) maraming salamat ulit sa pagbasa! Happy reading !
@Cerinne06

Hyunica:







Hinatid siya ni Jin.

Nasa loob na sya ng bahay at kausap niya ngayon si Shaira sa kusina.

"Gusto niyang umuwi kami ulit sa Rancho."

Palakad-lakad siya sa harapan ng ref. Habang si Shaira naman ay nilalantakan yung pizza na binili niya kanina bago mag-walked out sa mall.

"G-gusto niya bago kami tuluyang maghiwalay magsama muna kami.."

Pawis na pawis siya at hindi niya alam kung uupo ba sya o ipagpapatuloy ang pagpapanic hanggang sa magkaroon na sya ng nervous breakdown.

"Gurl! Para talaga kayong nasa telenovela." Tapos ay humagikgik pa. Halos maubos na nito ang pizza na para lang dapat sa kanya. Isa nga talagang legend tong si Shaira.

"Gaga ka rin e. Nakita mo na ngang hindi ko na alam ang gagawin ko dito." She drastically sitted on the chair. Nagsalin siya ng juice sa baso saka inisang lagok. "Bestfriend ba talaga kita?!" Tapos bagsak-baso-sa-lamesa ang drama nya. Parang naghahabulan ang isang daang daga sa tyan niya kapag naalala niya ang eksaktong sinabi ni Jin sa kanya kanina. Ano nga ba yon?

"I am willing to signed the papers if we found out that we cant fixed this marriage.''






"Kasi naman. Yung hindi naman problema, pinoproblema mo. 26 ka palang pero parang ang tanda-tanda mo na."

Hindi sya makapaniwala. Anong hindi problema? Problemang malaki kapag nagsama sila ulit. Kung alam lang nitong tone-toneladang self control ang kailangan niyang baunin upang huwag siyang mahulog sa asawa. Aminado naman sya na kahit konti ay meron pa syang feelings para dito. But the case is she dont want to be broken again. Baka mahirapan na naman syang mag-move on.








"Shaira.."kinakabahan siyang napatayo dahil kanina pa parang may nagmamatyag sa kanila. Tapos parang may nakita siyang silhoutte na dumaan kanina sa bandang bintana.

Nakabukas pa din  yung backdoor dahil narito pa sila sa kusina. Mababa pa naman yung bakod dito kaya kaagad nilang malalaman kung may nakasilip sa labas.

"Ang creepy mo, best. Umupo ka nga ulit. A-ako ng magsasara sa pinto."

"O-okay."

Tumayo ito at isinara na nga ang pinto. Pero bakit nakakaramdam pa rin siya na parang hindi sila safe sa bahay na to?

"Oh hayan. Nakasara na. Sa itaas na lang natin--"

They both jump on their place when the lights suddenly off. Her heart race. Para siyang nag-zumba dahil sa paghingal.

"Shit. A-ano na naman to?!" Balak nyang kunin ang phone para sana mag-viber. Kaso ay walang internet connection.

May nagpatay ng main switch.


Ibig sabihin...

May nakapasok sa loob ng hindi nila namamalayan.

"Shaira, buksan mo yung pintuan dali!" Tarantang utos niya rito.

"Aah! Oo. S-sige." Pinatay na muna niya ang ilaw ng cellphone para hindi sila matunton ng kung sinomang nakapasok. It could be a hint.

"Yung 911, t-tumawag ka ng 911."

Sumunod ang bestfriend nya. Nagda-dial na to sa sarili nitong phone.

"Dead batt na ko, Hyunica!"

UNWANTEDWhere stories live. Discover now