009

69 6 0
                                    

Hi kay @Cerinne08  salamat sa pagboto! :) I really appreciated it. Sana nag-eenjoy kayo.

Happy reading. ^^.




Chapter 9:


Bitbit pa rin niya ang dalawang paper bag. Isang araw palang ang nakakalipas magmula nung mailigtas sila sa auction. Pero heto na naman siya, parang nakadikit ang bad luck sa kanya.

"Halika rito! Miss!" Pinilit nitong hatakin siya paitaas at sumasayad ang paa niya sa escalator. Nagsimulang humapdi ang paa niya at alam niyang nasugatan na siya.

"Ouch! Teka lang naman!" Nagawa pa niyang magtaray sa kabila ng lahat. Ang suot niyang doll shoes na kulay pula ay naalis ang strap. Nagsimulang magdugo ang balat niya roon. Tangina.

Ang lalaki ay matangkad. Halatang british ito dahil sa physical features nito. Pinkish ang balat at gray ang kulay ng mata. Plus the accent.

In short, mukha itong sosyal kumpara sa tipikal na snatcher.

"Huwag kang mag-alala." Saka nito itinutok ang balisong sa kanya. Maraming nanonood pero walang gustong tumulong. They even shoot this fucking scene using their phones samantalang siya rito ay nanganganib ang buhay. "I just need this!" Hinila nito ang belt ng dress na suot niya kaya lumuwag yon sa pagkakahapit sa kanyang katawan. Tumingin ito sa sling bag niya at napasinghap na lang siya nang kalkalin ng estranghero ang bag.

''And money! Pati na rin tong cellphone!"

"At sa palagay mo'y papayag na lang basta ang babaeng yan na makaalis ka ng hindi nakakaganti sayo? Think man." Then the other guy laughed. ''Believe me, she's incredible."

Very well said. Kung sino mang gago ang nagsabi ng mga salitang yon ay nagpapasalamat siya. That someone made this stranger startled for a moment. Kaya kaagad niyang pinaghahampas ng paper bag ang lalaki.

"Walanghiya ka! Ibalik mo yang---"

"Fuck, lady! Stop that!''

"Anong stop that?!" Baling niya sa lalaking sumigaw kanina lang. At ngayon siya naman ang natigilan.

"J-jin!"

Ang ayos nito'y simpleng shirt lang. Kulay white yon na hinuhulma ang nakakatakam na katawan ni Jin. Ang guwapo-guwapo. Nag-uumapaw ang sex appeal. At mukhang endorser ng international scents dahil mukha itong masarap. Masarap amuyin!

Get a grip,Hyunica!

Lumagpas ang tingin nito sa lalaking napuruhan niya sa pagpalo ng paper bag.

"Tangina, pare! Kailangan mong turuan ng leksyon!"

Susugurin sana ni Jin ang lalaki kaso nagtatakbo ito kasama ng cellphone, wallet at yung belt niya. Hinila siya ni Jin at sandaling chi-neck sya, "Okay ka lang ba?!"

She sarcastically grin. "What the fuck is wrong with you?!" Tska niya hinila ang kamay palayo rito. Masyado siyang nababahala  sa electric current na dinulot ni Jin sa kanya. "Dapat sana'y nahuli na yung magnanakaw kung hindi ka lang nakialam!"

"Im asking you. Are you okay?! May dala syang deadly weapon. Hindi mo ba naisip yon?!"

Sa halip na sagutin ang tanong ay pinagpupulot niya ang damit na binili niya kanina. "I... I'm just fine. Bukod dito sa sugat ko sa paa."

"What?!"

Hindi niya maintindihan kung bakit pa ito nasa harapan niya. Wala siyang balak makipag-usap sa lalaking ito na parang walang nangyari.

Bumaba ang tingin ng lalaki sa kanyang paa. Dumudugo pa rin yon at kita niyang iniwas nito ang paningin.

"Hintayin mo ko dito. Dont you dare to step away from me this time!"

UNWANTEDWhere stories live. Discover now