005

77 5 0
                                    

Hi Guys! :) Happy reading.
mrgzzn.




Chapter 4:

"Gusto kong malaman mo na hindi ko to ginagawa para sayo." Binuksan nito ang kotse pero hindi pa to tuluyang nakakababa. "Im doing this because I want to help the girls inside."

"Alam ko,Rai. Kaya nga ikaw ang naisip kong lapitan." sagot niya. Naging kaibigan niya ito sa New York. Wala siyang masyadong alam sa buhay ng lalaki pero alam niyang may malambot itong puso pagdating sa mga babae. Meron din kasi itong babaeng kapatid. Na hindi pa niya nakikita kahit isang beses lang sa tatlong taon nilang pagkakaibigan.

"Tara na." saad ng kausap kaya lumakad na siya. Bawal ang weapon sa dungeon. Meron itong sariling arena sa loob ng malawak na lupain na kung tawagin ay, Magdalene Arena. 15 thousand ang capacity ng lugar pero tanging VIP area lang ang na-o-occupy. Mayayamang business man ang nandito para bumili ng babae. Ang ilan ay kabilang sa underground economy. At ito dapat inuuna ng kasalukuyang administrasyon na tugisin.








"Ticket sir.." ang sabi ng lalaki sa entrance. Wala siyang maipakita dahil hindi naman siya nag-avail.

"Ito ang kanya." si Rai. Lagi talaga tong handa,palibhasa mayaman.

Ininspeksyon sila sa pangalawang entrance. Bawal daw ang kahit anong uri ng gadget sa loob. And they even checked his ear kung meron bang earpiece yon. Mahigpit ang security at nagsisimula na siyang mag-isip kung paano niya mailalabas si Hyunica rito.

Piece of cake..



***








[HYUNICA]

"Ako si Hyerin. Ako ang mag-aayos sa buhok niyo." imporma ng babaeng nasa desi-siyete pa lang yata. Oh well, this place is illegal. So she shouldnt be surprised if they illegally hired an employee.

"Hwag mong hahawakan ang buhok ko." utos niya. Pumayag siyang ayusan siya kanina pero huwag ang buhok niya. This is the only identity of me.

Mabuti na lang at umalis na to sa loob at sinabing tatawagin na lamang sila gamit ang assigned numbers nila.

Maya-maya'y dinala siya sa isang silid na maraming babae, magkakamukha ang damit na suot nila. Purple ang kulay at pare-pareho ng design. Shit. Paano na to?

Mas nauna ang ibang lumabas. Ayon sa staff kanina ay siya ang #2, ibig sabihin daw non ay  siya ang second to the last na tatawagin.

"Ang suwerte mo,girl. Mahal kang ibebenta.." sabi ni Number seven sa kanya. Mukha naman itong mabait kaya nagtataka siya kung bakit ito pumapayag na bilhin ito ng lalaki. At nainggit pa talaga ito sa numerong dos niya.


"B-bakit? A-anong meron sa number ko?" at bakit mo nasabing suwerte ako kung bibilhin naman ako ng lalaking hindi ko naman kilala?





"Kasi ikaw ang number 2. Malaking halaga ang presyo mo at pwedeng mga nasa VIP area ang makabili sayo. lalo na ang number 1, pinakamahal siya sa atin." paliwanag nito. Naka-messy bun ang buhok nito, katamtaman ang kulay at hindi naman kaputian. Masasabi niya pa ring maganda ito dahil bumagay ang bronze skin na taglay nito. Para itong living bratz doll dahil sa labi nitong mas maganda pa yata ang tabas sa labi ni Angelina Jollie.





"O-okay lang sayo kung ibebenta ka? W-wala ka bang asawa o boyfriend?" tanong niya. She's not into this, wala siyang social skill at hindi niya balak makipagkaibigan sa kahit sino rito,  pero di rin masama.





Lumakad ang babae sa isang dulo at isinama siya nito. Inilalayo siya sa maraming kasamahan nilang busy sa pag-aayos. Mga nasa labing walo sila, base sa nakikita niyang mga numero sa gilid ng bewang ng mga ito.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now